(Natalie POV) Nagulat ako ng sunduin ako ni Clifford ng maagang-maaga. As in maaga talaga. It's only 6:00 AM. Kasarapan ng tulog ko. Mamaya pa sana ako magigising, alas otso ng umaga. Dahil Sabado ngayon at walang pasok tanghali na ako nagigising. "Ang aga mo yatang pumunta dito, love." sabi ko. Hinagkan ko ang kanyang pisngi. "May pupuntahan tayo. Don't worry nagpaalam na ako kila Nanay at Tatay. Pumayag naman sila." sabi nito. Tiningnan ko siya habang kunot ang noo ko. "Saan? Sa ganito kaagang oras?" nakakapagtaka naman. "Basta sumunod ka na lang sa sinasabi ko, baby." Hinila na lang niya ako bigla. "Hoy, hindi pa ako nagbibihis tapos hindi pa ako nagtooth brush!" reklamo ko. Paanong hindi ako magrereklamo naka pangtulog pa ako. Imaginin mo naman iyon. My god. "Doon ka na mag