DAHIL puno ng bisita ang terrace at sala nila na pawang mga kapitbahay lamang. Napagpasyahan ng magnobyo na sa kusina lamang sila pupuwesto para makakain. Pagkarating nila roon mula sa ilalim ng mesa hinila ni Paulo ang isang parihabang upuan na yari sa kahoy. Saka inilalayan si Remedios sa pag-upo. “Na-miss kita,” lambing ni Paulo sa dalaga. Tumabi siya rito at inakbayan ang nobya. Hindi pa nakuntento hinalikan pa niya ito sa labi. Ngumiti si Remedios saka ikinulong niya ang mukha ni Paulo sa kaniyang palad. “Ikaw din na-miss ka namin.” Hinalikan niya si Paulo sa labi. Nang marinig ni Paulo ang sinabi ng nobya. Biglang nagningning ang buong paligid sa kaniya. Bumaba ang kamay niya sa flat na tiyan ni Remedios. “Ilang months na siya?” tanong niya. Habang hinahaplos ang tiyan ni Reme
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books