DAHAN-DAHAN at puno ng pag-iingat na hinubad ni Paulo ang suot na bestida ni Remedios. Napamura pa siya ng mahina nang tuluyang tumambad sa kaniya ang mala-Diyosang katawan ng dalaga. Pakiramdam niya mas lalong tumaas ang libido sa katawan. Kasabay no’n ang pagbuhos ng malakas na ulan. Mabuti na lamang at sinunod niya ang dalaga na ayusin muna ang luna para sa mga alaga ni Ka Jimmy. Para kung sakali mang uulan hindi na sila lalabas. “Ano man ang mangyari sa ’tin? Tandaan mo mahal na mahal kita. Kahit paulanan pa ako nang bala ng ’yong ama, hinding-hindi kita isusuko sa kaniya. Akin ka lang, sweetheart,” lambing niyang pahayag kay Remedios. Punong-puno ng pagnanasa ang kaniyang mata habang ’di nilulubayan ng tingin ang katawan ng dalaga. Inangat ni Remedios ang kaniyang kamay. Sinuklay n