ONE MONTH LATER ... “ANAK! Kumain ka na, nandiyan ka na naman,” saad ni Aling Gloria kay Remedios. Sa tuwina lagi kasi itong nasa bintana malungkot na tinatanaw ang mga taong lalabas at papasok sa kanilang nayon. Bagaman lagi silang magka-text ni Paulo. Umaasa pa rin siya na isang araw biglang susulpot ang binata sa kanilang lugar. Hindi naman siguro masama ang umaasa. Malungkot na tiningnan ni Remedios ang ina. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito at umiyak sa balikat ni Aling Gloria. “Nami-miss ko siya ’nay. Gustong-gusto ko siyang yakapin, gustong-gusto ko siyang makita at makasama. ’Nay, parang...parang ayaw ko na ’atang mabuhay kapag wala siya sa tabi ko. Tulungan ninyo ako, pabilikin n’yo rito si Paulo, ’nay,” umiiyak na saad ni Remedios sa ina. Tila sa isang bata na in