Tahimik siyang sinuot ang sandalyas niya saka maingat na tinungo ang pintuhan ng silid ng lalaki. Bago iyon buksan ay tumingin muna siya sa lalaki. Nakatalikod ito at nakatanaw sa bintanang salamin. Mula roon at kita ang iba't ibang kulay ng mga ilaw sa ilang establisyementong naroroon. Lumamlam ang kaniyang mga mata saka tuluyang lumabas. Pagkasara ng pintuhan ng silid ng lalaki ay hindi niya napigilang malaglag ang ilang butil ng luha. Ngunit mabilis iyong pinahid. "Life is too short. Hindi ko sasayangin ang luha ko. Magiging akin ka rin." Aniya saka pumasok sa silid niya. Naalala niya kasi ang lagi niyang sinasabi sa sarili. Enjoy life before it lasts. Lalo sa kaniyang tila binibilang na lamang ang nalalabing araw sa mundo. Isang oras na mula ng umalis sa kaniyang silid si Marg. Hin