Pinilit na lamang ni Jake na ngumiti kahit ang totoo ay natatakot siya sa maaaring mangyari. Ngunit gaya nga ng sabi ng mama niya ay naroroon na sila. Alangan namang patayin nila ang buhay sa sinapupunan nito. Kahit papaano naman ay nasasabik siyang magkaroon ng anak. At his age siguro ay panahon na lumagay sa tahimik. "Magpagaling ka lang at makinig sa amin ha. Kakayanin natin to," pampalakas loob niya sa babae. Nakitang ngumiti ng matamis si Marg. She knows her, spoil brat ito pero marunong sumunod lalo na kung gusto ang isang bagay. Nang tumingin siya sa magulang nito ay tila nawala na ang umahong galit kanina dahil sa nakikitang kagalakan sa mukha ni Marg. "If God's give me more to live after giving birth to my baby. I will be the happiest woman in the world. But if not, I'm still