Naging napakasaya ang mga sumunod na araw para kay Marg. Matapos kasi ng tatlong araw pa na paglalagi sa ospital ay sa wakas ay nakauwi na rin sila. Gaya ng dati ay sa bahay ng magulang nila sila tumuloy upang kay makasama sila lalo na ngayon at mayroon na silang baby. "Tulog na ba si baby," bulong ni Jake habang yakap-yakap ang asawa. "Oo babe, katutulog lang. Matulog ka na rin, may duty ka pa bukas." Malambing na saad kay Jake. "Ayaw ko pang matulog," paglalambing naman ni Jake. "Okay, basta ako matutulog na ako. Baka mamaya magising na naman si baby at mapuyat na naman," aniya na nakangiti. Titignan niya lang kung ano ang reaksyon ng asawa. Maya-maya ay humigpit ang yakap nito sa kaniya sabay bulong ng I miss you. Hanggang ngayon ay kinikilig pa rin siya sa asawa niya. Alam niyang
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books