Chapter 21

1392 Words
Two sacred souls And their love predates Time Intertwined Destiny meets fate Celestial seeks sky I search for you Like the Sun Looks for the Moon. DAWN: "NGUNIT hindi ba masiyado pang bata si Sean para kay Mei?" Hindi ko lubos maisip kung paano nangyari ang lahat ng ito. "Bata ang kanyang katawan ngunit hindi ang edad Dawn. Naiiba ang lahing bampira sa mga tao iyan ang iyong tatandaan." Nagulat ako sa mga salitang binitiwan ni Riku. Tahimik lamang si Liu habang nakaupo sa kanyang swivel chair. Isang katok mula sa pinto ang nagpatigil ng aming pag-uusap. "Auntie." Sumilip muna si Auntie Celda sa pinto bago ito tuluyang pumasok. Yumuko ito kay Liu at nag-salita. "Young Master mawalang galang na ngunit kailangan n'yo itong makita." Bakas sa mukha nito ang kaba. Agad naman kaming sumunod patungo sa pinto kung saan ang silid ni Mei. Pagkabukas ng pinto'y amoy ng bulaklak ang bubungad sa'yo. Nag-react agad ang katawan ni Liu sa mga bulaklak na nakapaligid sa higaan ni Mei na tila ito'y nanghihina. "Put them away!" Utos nito kay Auntie. Maging si Sean ay hindi makapasok sa loob dahil sa amoy ng bulaklak na tila humihigop ng kanilang lakas. "Yes my lord." Mabilis agad ang responde ni Auntie at ito'y nataranta. Bago lamang sa 'king paningin ang uri ng mga bulaklak na ito na bigla na lamang nagsipaglabasan sa higaan ni Mei. Tumulong akong alisin ito isa-isa. "Maging maingat ka hija. Mapanganib ang mga tinik nito at baka ikaw ay masugatan." Paalala sa 'kin ni Auntie. Maging si Riku ay tumulong na rin upang maitapon ang mga bulaklak. Matapos ang lahat ay muli kaming bumalik sa loob ng library room. Nakahawak si Liu sa kanyang ulo at alam kong hindi pa ito tuluyang nakaka-recover dahil sa mga bulaklak. "Riku bakit may mga bulaklak na biglang naglabasan?" Kunot-noong tanong ko dahil siya lamang ang mas nakakaalam ng mga ganitong bagay. "Hindi ko alam ang pakay ng mga diwata na ito. At kung bakit pinoprotektahan nila ang katawan ng tagalupang ito sa mga bampira." "Ang bulaklak na iyon ang nakakalasong uri para sa mga bampira." "Kung ganon, paano maililigtas ang kaluluwa ng kaibigan ko?" Maging ako'y naguguluhan kung bakit si Mei ang kanilang pakay. Bakit nga ba nila pinoprotektahan laban sa mga bampira ito? "Hindi kaya..." Napatigil si Riku. Alam kong may nabubuong sagot sa kanyang isipan. "Ano? Sabihin mo Riku." "Reincarnation." Iyon lamang ang mga salitang lumabas sa mga bibig nito. "Huh? Papaanong nangyari iyon?" "I don't know Dawn. Pero alam kong may sagradong libro ang pupwedeng makasagot sa lahat ng ating mga katanungan." "Pero bakit si Mei pa? Bakit kailangan niyang madawit sa mundong hindi niya kinabibilangan?" Naguguluhan na ako. "There's always be a reason why." Sagot nito. "Sa tingin ko ay kailangan nating pumunta sa kabilang mundo." Suhesyon ni Riku. Napatingin naman dito si Liu. "No. There's nothing we can do for now." Sabi ni Liu. "Pero hindi ko naman pwedeng pabayaan ang kaibigan ko Liu." Bakas sa mukha nito ang di pagkagusto. "Magtiwala ka kay Liu Dawn. Sa ngayon ay wala pa tayong magagawa. Kahit ang prinsipe ay hindi makakatapak sa Agartha dahil sa proteksiyon na inilagay ng mga diwata." "Dawn magpakatatag ka. Ang isipin mo ngayon ang pamilya mo. Isipin mo ngayon ang pwedeng kahihinatnan ng digmaang pwedeng mangyari sa pagitan ng mga bampira at celestial." Huminga ako ng malalim. Kailangan kong protektahan ang nag-iisang prinsipe, si Sean. Alam kong mahihintay ako ni Mei at nasa mabuti siyang kalagayan dahil sa proteksyon ng mga diwata. Isang mahabang pag-uusap. Sa huli ay nagpaalam na si Riku para mag handa. Kasalukuyan kaming nasa beranda ni Liu ng sandaling sumikat ang kabilugan ng buwan. Hinawakan ko ang balikat nito. Alam kong mabigat ang kanyang pasanin lalo na't hindi natupad ang kasunduang pagpapakasal nito kay Prinsesa Katalina. Maaaring magkaroon ng hidwaan ang dalawang imperyal dahil sa pag tanggi ni Liu sa kasunduan. Isang malaking suliranin din ang nagbabadyang digmaan sa pagitan ng mga bampira at celestial kung saan ako nag mula. Ang pagkabuhay ni Sean na siyang pinaka makasalanan sa paningin ng iba. Hinawakan ni Liu ang aking kamay na nakapatong sa kanyang balikat. Alam kong ilang taon niya akong itinago sa 'king pinagmulan. Alam ko ang paghihirap at sakripisyo nito sa mahabang panahon. Lumuhod ako sa kanya at humimlay sa mga binti nito. Pumikit ako habang dinadama ang paghaplos nito sa 'king buhok. Hindi ko napigilan ang paglabas ng mga luha dahil sa mga nangyayare. "Kailan ba ito matatapos? Hanggang kailan tayo hahabulin ng nakaraan? Haggang kailan tayo pahihirapan at paghihiwalayin ng tadhana?" Mga salitang hindi ko na napigilan. Nakikinig ito. Ramdam ko ang kanyang kalungkutan. Dahil kahit kailan ay hindi kami pwedeng mag-sama. Kahit kailan ay paghihiwalayin pa rin kami ng kapalaran. Tumingala ako sa kanya at nakita ko ang pagpula ng mga mata nito. Ramdam ko ang sakit kahit na hindi niya sabihin. Ramdam ko ang kanyang paghihinagpis kahit na ito'y kanyang itago. "I'm sorry Dawn. I know after this... You're gonna hate me." "Liu ano bang sinasabi mo? Wala kang kasalanan." "I'm sorry. I will protect you and our son at any cost. Even if I become the protagonist in the story." KINABUKASAN ay wala ito sa 'king tabi. Hinanap ko siya sa sulok ng silid ngunit wala ni prisensya nito. Nagsimula akong mag lakad sa hallway at nakita ko si Sean na nakasandal sa pinto kung nasaan si Mei. Alam kong hindi ito makapasok dahil sa patuloy na pag tubo ng mga bulaklak. Mukha itong pagod at kulang sa tulog. Agad akong lumapit sa kanya at hindi ko namalayang maaabutan na pala ako ni Sean sa tangkad. Napaisip ako dahil doon at sumagi sa 'kin ang mga sinabi ni Riku. "Sean, magpahinga ka na." Hindi ito umimik at nanatiling nakasandal sa pinto. Hindi ko na lamang pinansin ang kakaibang kinikilos nito dahil alam kong nahihirapan siya sa kasalukuyang sitwasyon. Nagpaalam na ako rito at hinanap si Auntie Celda sa ibaba ng villa. Naabutan ko naman itong nag-aayos ng mesa at mga pagkain. "Auntie si Liu?" Tanong ko. "Ah nasa garden kausap si Master Riku." Si Riku? Ang aga niya ngayong araw. Naabutan ko silang nagtatalo sa labas at nakita kong kinuwelyohan ni Liu si Riku. Natigil lamang ang tensiyon sa pagitan nila nang tumakbo ako para awatin ang dalawa. Duguan ang kanang bahagi ng labi ni Riku at alam kong si Liu ang may kagagawan nito. Inayos ni Riku ang kanyang damit at sinamaan ng tingin si Liu. "Liu tama na." Nakita ko ang pagkaputla nito at labis na pagod. Parehas ng kay Sean na tila hindi nakatulog. "Kailangan mo ng dugo ko." Susugatan ko na sana ang aking sarili nang pigilan niya ako. "I don't need your blood." At tinaboy nito ang kamay ko. Napaisip ako sa biglaang pagbabago at panlalamig sa 'kin ni Liu. May mali ba? Umalis ito sa aming harapan. Susunod na sana ako nang pigilan ako ni Riku. "Let him go Dawn. Kailangan n'yang magpahinga." Sabi nito. Sinunod ko lamang ang sinabi ni Riku. Alam ko kung gaano kabigat ang dinadala ngayon ni Liu at kung gaano na siyang nahihirapan. Nagdaan ang hapon at gabi. Hindi ko nakita si Liu nang mga oras na iyon. Alam kong ayaw niyang magpabulabog at magulo ang kanyang pag-iisip. Nagkulong ako sa aming silid habang patuloy na naghihintay sa kanya. Nagpalakad lakad ako hanggang sa maisipan kong dalawin muna si Mei. Lumabas ako ng silid upang pumunta sa kinaroroonan ni Mei nang magulantang ako sa 'king nasaksihan. Si Sean ay nakasandal sa pader habang si Liu ay may kung anong itinarak sa dibdib nito. Napahawak ako sa 'king mga labi nang makita ang dugong umaagos mula sa dibdib ng anak ko. Ang dugo na siyang nanggagaling sa kanyang puso. Nakita ko ang pag igting ng kanilang mga pangil at pamumula ng mga mata. "L-Liu?" Pinanghihinaan ako ng tuhod sa kaganapang nakikita ko. Mas idiniin pa ni Liu ang pagtarak ng matulis na bagay na iyon sa puso ng sarili niyang anak, si Sean. Halos mabaliw ako sa aking nakikita. Nagsisigaw ako nang nagsisigaw. Ngunit tila walang kumawalang boses sa 'king lalamunan. Dahan-dahang naupo si Sean sa sahig at pinilit kong gumapang upang ito'y mapuntahan ngunit nabigo ako nang hawakan ni Liu ang aking mga paa at tuluyang dumagan sa 'kin. "Liu bakit? Bakit mo ito ginagawa?" Ngunit imbes na awa ay wala akong makitang ekspresyon na nagmumula sa kanyang mga mata. Doon ko namalayan ang pagtarak ng matulis na bagay na iyon sa 'king tagiliran. Napahigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang balikat at naramdaman ko pa ang paghawak nito sa 'king mukha hanggang sa tuluyan ng dumilim ang aking paningin. To be continued in book 3

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD