CHAPTER 21 Hinabol ko siya. Hindi ko alam kung katangahang ngang maituturing ang habulin ko pa siya ngunit ginawa ko. Gusto ko siyang pigilan dahil alam ko, mahal din niya ako. Natatakot lang siyang aminin ang totoo. Ngunit itinulak niya ako. Nakita ko ang luha sa kaniyang mga mata. Ang paghihirap ng kaniyang kalooban. "Carl, please. Darating ang araw, muli nating aayusin ito kung kailan maayos na ang lahat. Pasensiya na kung ako na ang kusang iiwas ngayon. Mahirap sa'yong intindihin ngunit mas nanaisin kong kagalitan mo ako kaysa sa mapapahamak ka sa akin." "Ano ba kasing problema! Bakit ba hindi mo ako diretsuhin. Sabi mo mahal mo ako, pero bakit mo ako ipinagtutulukan palayo sa'yo. Di ba puwedeng maging simple lang ang lahat!" Hinaranga