CHAPTER 15 Galing ako sa trabaho nang nag-open ako ng f*******: ko. Inuna ko munang tinignan ang notifications ko, likes at comment sa bagong upload kong pictures ko. Bagong gupit kasi ako. May kahabaan ngunit lakas makapanlalaki. Sa mga nakakikilala sa aking pagkatao, siyempre karamihan comment "LOL", ang iba, "Wow! New Look" karamihan naman sinasabing gwapo ako, astig, hot, etc. Binubura ko ang mga comment na di ko gusto. Pinindot ko ang new friend request. Walang bagong mukha. Karamihan posser. Isasara ko na sana ang laptop ko nang biglang parang pumasok sa isip ko si E-jay. Hindi ko na siya muling nakita mula nang huli ko siyang nakita sa bar. Naging abala ako sa kaiisip kay Francis saka isa pa, wala naman kaming malalim na naging ugnayan noon kaya