Chapter 15

1998 Words

Umaga pa lang ay humahatsing na ako, pagkagising ko pa lang yata kanina ay lumuluha na ang mga mata ko dahil sa sipon. Barado na rin ang ilong ko at nang tingnan ko kanina sa salamin ay namumula na rin iyon. Talo ko pa ang umiyak nang magdamag dahil pati mga mata ko ay halos namumula at medyo namamaga na rin. Wala akong dapat sisihin kung hindi ang walanghiyang si Sebastian! Buwisit talagang lalaki na iyon! Akala n’ya yata ay hindi ko na maaalala ang ginawa n’ya sa akin kaninang madaling araw nang makauwi kami! Alam kong lasing ako at halos sakupin na ng alak ang buo kong sistema pero nahulasan na naman ako bago pa man kami makauwi. Sobrang natakot yatang matukso dahil pagkabalik namin dito sa condo ni kuya ay kaagad n’ya akong dinala sa banyo ng kuwarto ko at inilagay sa bathtub na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD