Sa sobrang taranta ko, hindi ko na alam kung ano ang uunahin, aayusin ang sarili o pupulutin 'yong mga piraso ng tissue na nakakalat sa sahig! Muling tumunog ang cellphone ko pero hindi ko na tiningnan pa iyon. Abala na ako sa pagpulot sa mga nakakalat na tissue. "Get out!" hiyaw ko. Para kay Sebastian iyon pero alam ko namang hindi n'ya iyon narinig. Soundproof ang cubicle na ito at ngayon lang ako nainis na ganito nga ito. Okay na sanang pumalahaw ng iyak at magwala rito pero hindi ko rin naman maiitaboy ang kung sino mang abala katulad na lang ni Sebastian! Tinuyo ko ang basang pisngi at ilang beses na huminga nang malalim. Ngayon, hindi ko na alam kung bakit sobra akong umiyak kanina! Bakit nga ba? Nagselos ako? Inis na binuksan ko ang pinto. Nakita ko kaagad si Sebastian, nasa