Chapter 34

1500 Words

“Hindi ko alam na hindi na ako makakabalik that time,” may lungkot sa boses na sabi ko. “Akala ko nga ay sasaglit lang ako sa Mindoro. Hindi ko inaasahan na huli na pala iyon…” Ilang beses pa akong bumuntong-hininga para pakalmahin ang sarili. Mahirap talagang balikan ang masakit na parte ng nakaraan, lalo na kung iyon ay ang parte kung saan ako nawasak. "It was really hard back then. We were lost and struggling, kami ni Mama..." Nasa living room kami ng bahay ni Sebastian. Sabado ngayon at tuwing weekends ay napagkasunduan na namin ang mag-bonding. Wala naman kaming ginagawa, minsan ay food trip, movie marathon, cooking, naggi-gym at kuwentuhan na tulad ngayon. Unti-unti ay nagagawa ko nang ikuwento sa kanya ang mga nangyari sa amin ni Mama sa loob ng pitong taon. Hindi nga lang laha

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD