9

2080 Words
NINE –     AURA'S POV. -  "Aura..." Naalimpungatan ako ng marinig ko yung boses ni Kuya. Hindi ko namalayan na nakatulog na naman ako habang naka bantay sa kanya. Dahil hindi private ang hospital na yun, kurtina lang yung tumatabing at humahati sa spaces between other patient's bed. Naka subsob ang ulo ko sa gilid ng kama ni Kuya. "K-kuya, bakit? May kailangan ka?" Agad ako'ng tumayo. "Wala. Umuwi ka na. Kaya ko naman sarili ko." Sabi nya habang nakatingin sa kisame. "Ha? Hindi pwede." Tiningnan ko ang suot ko'ng wrist watch. Alas dos pa lang. "Sige na, Aura. Huwag ka ng makulit." Susog nya pa. "Hindi nga pwede, Kuya. Ikaw nga ang makulit. Why won't you just let me stay here?" Nakakainis. Parang palagi nya ako'ng tinataboy. Hindi na ito kagaya ng dati na nagdahilan sya na naaksidente sya. Ngayon, alam ko na ang totoo. I even made a deal with that despicable guy Joon to protect him. Hay. Sana lang talaga. Kung ano man ang magic na magagawa ng mokong na yun, please Lord. Sana gumana. Ayoko nang ma bully si Kuya. Ni hindi ko rin naman kasi sya makausap o matanong tungkol sa bagay na iyon. It'll be very awkward at worse, baka hindi na ako kausapin ni Kuya. Well, wala rin naman talaga ako balak ipaalam sa kanya. Kung tutuusin madali lang naman yung kapalit. Hindi na kami ganun ka close ni Oppa, at mukhang love triangle pa yung tatlo. Super naka buntot kasi si Cheska kay Oppa, tapos ganun din sya kay Cheska. Hindi ako malisyosa pero hindi rin naman ako manhid. Simpleng pagbati lang naman kay Oppa, okay na ako. At kung totoo man yung prediction ni Beshy na may gusto pa ako kay Oppa (which is hindi ko sure kasi parang natural naman na ganito pa rin ako mula noon) well, i can always ignore what i feel to satisfy that despicable guy's request. Isang taon na lang naman at ga-graduate na si Kuya. "I'll be fine here, okay. Para naman ako'ng imbalido na hindi makagawa ng kahit ano. Madami lang ako'ng sugat, hindi ko to ikamamatay." Matigas na sagot ni Kuya. My face tightened. "Don't you ever say that." Tumataas na naman ang boses ko. "Kahit ano'ng sabihin mo, dito lang ako." Muli ako'ng umupo sa monoblock na katabi ng kama nya. "At.. pupunta pala si Rance mamaya dito." Nakita ko na natigilan si Kuya sa sinabi ko. "Rance?" "Yes. Sa school din namin sya pumapasok." "What?" Marahas syang napalingon sa sinabi ko. "Why?" I shrugged my shoulders "Ewan ko. Ang totoo nyan, madami dami din mayaman dun. Hindi ko sila maintindihan kung bakit doon sila pumasok kung may pera naman sila." Pumasok sa isip ko yung mga tukmol, si Rance at si Cheska. "You told him na nasa hospital ako?" Tumango ako. "Yes, he asked me kung bakit hindi ako naka uniform kanina. He said dadalaw daw sya after class." Hindi sumagot si Kuya. Taliwas sa inaasahan ko magiging reaction nya. "Beshy!" Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Jelly. May humawi ng kurtina, tapos lumabas si Jelly, at si Oppa. Agad na lumapit sa akin si Jelly. "B-beshy? Bakit ang aga mo? Ninyo?" Papalit palit ako ng tingin sa kanila ni Oppa. Bagay kay Oppa yung uniform. "May general meeting daw, eh. Tamang tama. Nagkasalubong kami ni Rance tapos napagusapan namin na sabay na lang pumunta." Sabi ni Jelly. "Pare. Long time no see." Narinig ko na sabi ni Rance. I saw Kuya smile. "Ang laki mo na." Sabi ni Kuya. Tumawa si Rance. "Ikaw nga mas lumaki. Mas matangkad ako sayo dati, ah." "Tara Beshy samahan mo muna ako bumili ng snacks." Hinila ako ni Jelly. "O-okay. Kuya, Oppa, alis muna kami saglit." Hindi ko na nahabaan yung sasabihin ko kasi hinila na ako ni Jelly. "Ano ba, para kang gutom na gutom!" Sabi ko kay Jelly. Tumawa sya. "Eh gutom naman na talaga ako. Tsaka, diba sabi mo ngayon pa lang din sila ulit magkikita? Kaya hayaan na natin sila mag chikahan." "Okay, fine. Libre mo ko?" Natatawa na tanong ko. "Alam mo naman na kahit hindi mo sabihin yan, eh." Tumawa rin si Jelly. Nagkukulitan kami sa labas ng biglang pareho kami napanganga ng makita kung sino yung naghihilahan sa dadaanan sana namin.                   MIN JAE'S POV. -   "Hindi pumasok si Aura." Sabi ko kay Kidd. Pinadaanan kasi sakin ni Kidd si Aura sa room nila para sabihin na may meeting ang glee club. I'm not a member but between us, kami ni Kidd ang pinaka nagkaka sundo, kaya we do errands for each other. Kidd sighed. "Bakit daw? Umuwi na ba si gago?" Tanong nya, tinutukoy si Joon. I nodded. Nakita ko na pinaharurot na ni Joon yung motor nya palabas. "Pakiramdam ko me plano na naman yun." Tumabi ako sa couch kay Kidd. Nasa glee club office kami, at wala pa yung ibang members. I'm not a member actually. Tekwando club ako, and i ditch them almost all of the time kasi marunong naman na ako, napilitan lang ako sumali dahil sinabi ng adviser namin na kailangan may at least isang club kami. Convenient, diba? "Kailan ba nawalan ng plano yun? I wonder kung bakit sa dami ng babae, si Aura pa." Si Kidd. Tumawa ako. "Ikaw naman. As if totoo yun. Si Aura lang siguro nagkataon na nasa harap nya ng dumating si Cheska. Poor Cheska." Sagot ko. "Poor Rance, kamo." Naiiling na sabi ni Kidd. Nang dumami na ang tao sa office, nakita ni Kidd yung mga kaklase daw ni Aura na kasabay daw nito mag audition sa glee club. Kidd stood up and asked them.  "Pumasok daw kanina pero nagpaalam lang. Nasa hospital daw kuya nya." Sabi ni Kidd sa akin nang bumalik na sya. "Gwaenchana." I answered. Tumayo na ako. Gusto ko na umuwi, tutal naman wala na ako'ng gagawin. "Naeil boja." Sagot naman ni Kidd, meaning magkita na lang daw kami bukas. Kinaway nya yung isang kamay nya. Tumango lang ako tapos naglakad na palabas. "Hindi ko nga alam eh. Hindi ba mayaman daw dati yun? Tsk. Narinig ko pa na hinahanap sya kanina ni Kidd." Napatigil ako sa paglalakad ng marinig iyon, mukhang si Aura ang pinag uusapan nila. Gumilid ako sa pader bago ang pintuan, since mukha nasa labas nag uusap yung mga babae. "Paano ka na, Bea? Paano kapag nagkagusto si Kidd mo kay Aura?" Sabi ulit nung babae. "Hindi pwede, no. Sino ba sya? Kakapasok nya pa lang. Si Kidd, matagal na kaming close." Sagot ni Bea. I know that girl. Beatrice Vega. Isa sya sa officers ng glee club. Si Kidd yung President nila, and we all know na may gusto ang babae kay Kidd.. and nate threaten ito kay Aura? Gusto nko matawa. Kung alam lang ng mga ito kung para kanino namin gusto si Aura. "Oo nga, Bea. Kailangan ma turn off si Kidd sa babaeng yun. Nakakainis. Tapos nakita ko pa sya na naka sakay sa motor ni Shin." Pumadyak pa yung kausap ni Bea. Ah. Yung isa naman ay si Shin yung gusto. Girls, girls, girls. Hindi ko talaga sila maintindihan. Bakit hindi na lang nila hayaan yung gusto nila magkagusto sa iba kesa manira? Turn off! Dirediretso lang ako'ng lumabas. I pretended na hindi ko sila narinig. Nasa gate na ako ng makita ko na palabas si Rance at yung bestfriend ni Aura. Ano nga ulit pangalan nun? Melly? Cely? Ah! Jelly. Tama. Pero bakit sila magkasama? Nakita ko na lumapit sa kanila si Cheska. Kinausap sya saglit ni Rance, tapos tumango si Cheska at sumakay na sa sundo nitong kotse. Saan naman kaya pupunta si Rance at ang bestfriend ni Aura? My instinc pushed me to stalk them. Mabuti at hindi ko dala yung motor ko. I saw them na pumara ng taxi. Kung siniswerte ka nga naman, may kasunod agad na taxi. Pumara ako ata agad na binuksan yung pinto. Pasakay na ako ng may pumigil na kamay sa akin. "Saan ka pupunta?" Nang lumingon ako, nakita ko si Shin. "M-may pupuntahan lang ako." Akmang papasok na ako, pero nagulat ako ng mauna syang pumasok. "Tara." Poker face na sabi nito. Saglit ako'ng napa tanga bago pumasok na din. "Manong, pakisundan naman po yung naunang taxi." I said immediately. "Okay boss." Sagot nung driver. "Angsin-eun Rance leul seutoking hago issseubnikka?" Tanong ni Shin. He was asking if i'm stalking Rance, to my horror! Tumawa ako. "Ani." "Wae?" Tanong pa ni Shin. "Aish. Wag ka na nga magtanong. Magkasama kasi yung bestfriend ni Aura at si Rance. Gusto ko lang malaman bakit sila magkasama." Sa wakas ay umamin na ako. "Geulaeseo mwo ? Dangsin-i janhna." Shin - (So what? You're creepy.) Tumawa lang ako. "Eh ano ba ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pumasok kanina?" Huminga sya ng malalim. "Wala lang." Pinagpag nya yung damit nya. "Si Joon?" "Kanina pa umalis." "Yojeum geuui yeohaeng eun mueos-ibnikka?" Shin. He was asking what's with Joon nowadays. Ah. He maybe asking about Joon and Aura incident. "Bakit ka interisado?" Natatawa na tanong ko. Nakita ko na parang nalilito yung driver sa amin. "Yah!" Sigaw nya sa akin. "What's with your freaking smile and grins? Tigilan mo yan, naiirita ako!" iritado na sabi ni Shin. Lalo ako'ng natawa. "Meron ka na naman yata." Hindi ko na sya pinansin, nag focus na ako sa pagsunod namin kila Rance. To my surprise, sa hospital kami ibinaba. Naalala ko na ang sabi ni Kidd, sabi nung kaklase ni Aura na nasa hospital yung Kuya nya. At pupunta si Rance? Wa. Popogi points na naman yun! Hinila ko si Shin. "Ano ba? Ano ba ginagawa natin dito?" Sinigawan na naman ako ng gago na to. Sasama sama sa akin, eh. "Basta!" Nakita ko na papasok na sila Rance at Jelly. "Ayoko pumasok dyan!" Naghilahan kami ni Shin. Pinagtinginan na kami ng mga tao. "Ay, ang gagwapo. Sayang, bakla pala." Narinig ko na sabi nung isang dumaan. Narinig din pala ni Shin. "Yah! Hindi kami bakla, ah!" Tapos hinila nya kamay nya sa pagkaka hila ko. "Dangsin-i juggo sip-eo? Gusto mo mamatay?" Mabilis na naglakad yung dalawang babae na dumaan. Ok. Nag Korean na, nag tagalog pa. Inis na yata talaga to. "Ang arte mo! Pucha." Sabi ko. "Sasama sama ka sa akin eh. Tara na!" Sa tagal ng paghihilaan namin sa labas, hindi na namin napansin na naka tanga na sa harap namin sila Aura at Jelly. "A-ano'ng ginagawa nyo dito?" Tanong ni Aura. Bigla kaming mabilis na nag ayos ng sarili. Hindi kami agad nagsalita. "Oh my God. Dadalaw din kayo?" Si Jelly iyon. "Ani." Sagot ni Shin. "Huh?" Sabay na tanong ng dalawa. "Ah, ano. Nabalitaan kasi namin na nasa hospital kuya mo." Sagot ko. "Tara na, uuwi na tayo." Sabi ni Shin. Tatalikod na sana sya pero nahila ko sya. "Ano ka ba naman? Mag aaya ka dito tapos mag aaya ka din umuwi?" Sabi ko. Kailangan maging good shot si Shin kay Aura. That's the only thing i can think off. Mabilis na lumingon sa akin si Shin. Binatukan ako! "Yah, Kang Min Jae!" Matalim yung tingin nya sa akin. Muntik na ako'ng matawa sa ginawa ko, pero kailangan ko magmukhang convincing! Hawak nya na yung kwelyo ko. "Hoy, ano ba, tigilan nyo na yan!" Parang biglang nataranta si Aura. Na trauma na yata sa biglang pagsuntok ni Shin kay Kidd dati. Binitiwan ni Shin yung kwelyo ko, pero naka talikod pa rin sa amin. "Gosh. Si Shin daw nag aya dito? Sabi ko sayo me gusto ata sayo yan." Mahina at pabulong na sabi ni Jelly, pero rinig ko iyon since mas malapit ako sa dalawa. Muntik na ako'ng humiyaw ng marinig ko yon. So kung hindi man si Aura yung nakaramdam, sulsulan lang sya ni Jelly ng kaunti. "So. Okay na ba kuya mo? What happened?" Tanong ko. "O-okay na sya. May nang trip lang sa kanya sa may lugar namin, pero nagsampa na kami ng police report." Sabi ni Aura. "Okay. Bakit pala kayo nasa labas? Sino kasama ng kuya mo?" Kunyaring tanong ko. "Si Rance!" mabilis na sagot ni Jelly. Nakita ko na siniko sya ni Aura, at napa harap si Shin. "Ah, ano. Kakain sana kami. B-baka gusto nyo sumama?" Agad na sabi ni Aura. We ended up in a fast food nearby. Naka busangot pa rin si Shin. Minsan talaga may pagka brat to'ng gago na to eh. Pasalamat sya all out support kami ni Kidd sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD