7

2500 Words
SEVEN –     Kung mayaman pa kami, for sure, may mga kung anu ano'ng remedies na ako'ng gagawin o magagawa para mabawasan o hindi mahalata ang eye bugs ko. But unfortunately, mahirap na kami. Pasado alas tres na ako naka uwi, and to my surprise ay gising pa si Kuya. Hinihintay nya daw ako, at ibinilin din daw kasi ako sa kanya ni mommy. Nag sorry ako at nagsinungaling na may naghatid sa akin. Hindi nya naman ako nakita na bumaba ng taxi kasi sa sala sya naghintay sa akin. Nag half bath ako nun, pero sa dami ng iniisip ko, alas singko na ako naka tulog. Medyo sanay ako magising ng maaga kaya alas nueve pa lang, nagising na ako. Medyo masakit ang ulo ko, pero yung eye bugs talaga yung pinoproblema ko. Pag gising ko, may note ako na nabasa. Ako lang mag isa sa bahay. Pumasok si mommy, si Kuya naman daw may pinuntahanHay. Parang palaging busy si Kuya na di ko malaman. I decided na papuntahin si Jelly sa bahay. Hindi pa rin naman sya nakaka rating dito. As usual, she arrived very sossy. Ipinarada nya pa sa driver nya yung kotse nila, but i told her na sa iba na lang kasi mahirap na, hindi namin kilala ang mga tao dito at alam mu na, ayaw namin na malaman nila ang background namin as much as possible. "Beshy.." Tawag ko sa kanya. Busy si Jelly tumingin sa paligid ng bagong bahay namin. "Yes?" Sagot nya na hindi naman ako nilingon. "Oppa Rance is back in the Philippines." Sabi ko. Nilingon nya ako, at nakita ko na nagulat rin sya. Hindi nya kilala si Rance personally, but i told her stories about him and all, kaya i know na makaka relate sya sa nararamdaman ko.  Then lumapit sya at umupo sa tabi ko. "Really? Kailan kayo nagkita?" I smiled bitterly. "Yesterday, hindi pa sadya." "Oh? Nag usap naman kayo?" Umiling ako. "Hindi.. ay, oo. Pero parang hindi." I sighed. "Actually, nagkita kami sa birthday ni Shin. Remember, yung humarang sa akin nung Monday?" Nag isip si Jelly bago tumango. "Yung cutie patootie na guy na yun? Oooh. Friends pala kayo." "Hindi nga, eh. At alam mo ba? He even sent me an original YSL clutch with other signatured dress, necklace and pumps. Hindi ko alam kung bakit." Lumaki yung mata ni Jelly. "Woah! Hold up, beshy. Baka may gusto sayo yun?" I stopped for a moment, then i said "H-hindi, malabo. Hindi nga ako pinapansin nun. Anyway, ayun nga. I was talking with someone nang magsalita si Oppa. pareho kami nagulat, pero hindi kami nakapag usap. ANg complicated ng situation." "At bakit naman complicated?" Naka nguso na tanong ni Jelly. "Eh, may kasama sya'ng girl. And.. basta. Madami din kasing tao nun. Haay. Hindi ko nga alam kung magkikita pa kami ulit." Malungkot na sabi ko, sumandal ako sa sandalan ng sofa. "Bakit hindi? Eh the fact na nasa party sya nung Shin, malamang magka kilala sila. Edi tanungin mo si cutie patootie!" Pa cute na sabi ni Jelly. "Mandiri ka nga beshy! Cutie patootie? Seriously?" Naka ngiwi na sabi ko. Tumawa sya. "Ang pikon mo. Palibhasa hindi ka pa nagkaka boyfriend kaya hindi mo alam ang feeling!" Pang aasar nya pa. Inirapan ko sya. "Ayoko nga mag boyfriend kagaya mo ng dahil sa trip mo lang, no." Tumawa sya ulit. "Edi wag trip! Mag bf ka ng mahal mo o gusto mo talaga. Mabuti pa, kapag nagkita kayo ulit ng Oppa mo, umamin ka sa kanya. Malay mo, gusto ka rin nya." "You wicked witch. How are you sure na gusto ko pa rin sya? Ang tagal na namin na hindi nagkita, nagulat lang ako. And speaking from your experience, feelings fade, feelings change. Lalo na sayo, ang bilis." Siniko ako ni Jelly. "Beshy ang arte mo. Sinali mo pa ako, ha. Nalungkot ka nga nung maisip mo na baka hindi na kayo magkita, malamang me gusto ka pa rin dun kahit kaunti." Napaisip ako. "Whatever." Hindi na rin naman nagtagal si Jelly dahil hindi pala nagpaalam ang bruha kay Tita Rina. Tiyak na paparusahan at bubungangaan na naman yun kapag hindi sumunod dito. Ugh, we hate that girl so much!                 "Tabi nga, lumipat ka sa upuan ko. Bilis!" That effin loud but deep voice. I know who is it, but i decided not to look, nor to think. Nakita ko na mabilis umalis sa pagkaka upo sa kanan na side ko yung katabi ko, at umupo si Joon. Monday na monday at may binully na naman ang lalaki. Napailing ako. Kasalukuyan ako'ng nagba back read ng mga lessons sa english since maaga pa naman. It's an ordinary Monday morning, pero ramdam ko na pinagbubulungan at pinag uusapan ako ng mga kaklase ko. Worst, nasa gate pa lang ako kanina, ganun na agad pakiramdam ko. Iniisip ko na lang na napapraning ako. "Uhm... Aura?" Untag ni Kaye sa akin. Both Sally and Trish were all looking at my direction. Inabot sa akin ni Kaye yung cellphone nya. "I took this from the bulletin board a while ago.." Dahan dahan na inabot nya sa akin yung phone nya, na muntik ko ng mabitiwan nung nakita ko kung ano yung andun. It's a picture. Pictures, actually. Pictures namin sa party ni Shin, habang hapit ni Joon yung bewang ko. "A-ano to? Bakit.. saan mo to nakuhanan?" Nanginginig ang kamay ko na tanong ko. "Sa bulletin board sa baba. Mukha kasing hindi ka pa aware, kaya ipinakita ko." Sabi ni Kaye. Kita ko na parang medyo naging aloof sya sa akin. Parang na a-awkwardan sya sa sitwasyon. "Beshy!" Mula sa pinto ng classroom namin ay humahangos na dumating si Jelly. Lumapit sya sa akin. "What the hell is going on? Kayo ba ng lalaking ito?!" Itinuro ni Jelly si Joon. Lahat ng mga kaklase namin ay napatingin sa amin. Jelly sounded like she was accusing me of a crime! Shizz. Pati yung mga dumadaan lang sa corridor ay napatingin na rin. "Ah, ano-" Tumayo si Joon. "Yes, we are together. At hindi ko maisip kung bakit nyo pa pinapalaki to. f**k off, all of you." Matalim ang tingin na ipinukol ni Joon kay Jelly. I saw Jelly's reaction, she looked like she lost all of her weapon in a fight. "Ano ba? Will you stop saying that? Huwag mo ako'ng gamitin para makaiwas ka sa ibang tao!" Singhal ko naman kay Joon. He looked at me, then grinned. Hindi sya sumagot, at naglakad palabas ng classroom. Oh kayo, ano'ng tinitingin tingin nyo? Mga chismoso!" Sigaw naman ni Jelly. Bumalik sa kani kanilang ginagawa ang mga kaklase ko. Jellystood in front of me. "What was that guy saying, beshy? Ano ba talaga ang nangyayari?" She looked confused. Huminga ako ng malalim. "Samahan mo ako beshy." I told her. Lumabas kami ng classroom at bumaba kami. I want to see the bulletin board. And yes, when we arrived, madami pa ring studyante ang nasa harap noon, nag pipicture pa. Binalya ko sila, then i took down the images. They groaned in disappointment, hanggang sa isa isa na silang umalis. Halos kalahati ng laki ng bulletin board ang nasakop ng iba't ibang picture namin ni Joon. Iba iba ang angle noon, patunay na nanggaling sa iba ibang tao. "That was quite scandalous." Mula sa likod ko ay may nagsalita. It's Rance.. kasama si Cheska, wearing our school's unfirom. Bigla ako'ng nahiya. Wait, what? Bakit sila naka uniform? Ngumiti si Rance. "Yes, dito rin kami mag-aaral this year ni Cheska." Sabi nya as if nabasa nito ang isip ko.  "Sino sya Beshy?" Si Jelly iyon. "Hi, I'm Rance. This is Cheska." Pagpapakilala ni Rance kay Jelly. I saw Jelly's eyes widened. "Oh.." Sabi ni Jelly. "I'm Jelly." Ngumiti si Rance kay Jelly, tapos tumingin sya sa akin. "Uhm Aura, kung wala kang gagawin mamaya, i want to treat you for a snack. Tagal din natin na hindi nagkita." Kumabog yung dibdib ko. Is he asking me for a date? Siniko ako ni Jelly. "Hoy, Beshy." "Ah, w-wala naman ako gagawin mamaya." Sabi ko. Rance smiled. "That's good. See you at the gate. okay?" Tumango ako. Napansin ko na tinitingnan lang ni Cheska yung reaction ko. Hindi sya nagsalita, or gumawa ng ibang reaction or gesture, pure poker face na yung mata nakatingin sa akin. "Okay." "See you later!" Kumaway pa si Rance bago umalis kasama si Cheska. "Ang wafu naman pala talaga ni Rance." Untag ni Jelly. "Pero baka andun na si ma'am, kaya bumalik na tayo." Pagbalik namin sa classroom, wala si Joon. Cutting? Hindi na ako magtataka na kaya nya'ng gawin yun. That's what bad boys do. Buong araw ay hindi ko na nakita si Joon. Hindi ko rin nakita yung motor nya. Andun yung motor nila Shin but i haven't had the chance na makita sila. And i don't want too, anyway. Naging normal ang takbo ng buhay ko noon sa school, at inaanticipate ko yung pag 'treat' sa akin ni Oppa Rance. Excited ako na makamusta sya. Kakaiba yung pakiramdam na parang bata ako ulit. Yung tipong makakalaro ko sya ulit? "Nako, nako. Si Beshy inaanticipate ang pag treat sa kanya mamaya ni Oppa." Sabi ni Jelly nung nasa canteen. Nag decide kami na huwag na sumama kila Kaye since mukhang ilang na rin naman sila. "Hindi naman, nakakatuwa lang. Sya mismo nag aya. Akala ko, wala na lang ako eh. I mean, i thought wala man lang sya balak na mangamusta." "Oh edi ayan na ang hinahanap mo. Mukha naman na crush na crush mo pa rin sya, go for it. Baka yan na ang maging first boyrfriend mo." Natatawa na sabi ni Jelly bago sumubo ng burger. "Hindi naman sa ganun yung iniisip ko--" "hay, ewan ko sayo. Ang choosy mo kahit kailan! Mag go with the flow ka na lang. I want to see you happy and in love." Tumawa ako. "Sus. Mukhang matagal mo pa ako makikita na happy and in love." Uwian na. First time na dumaan muna ako sa wash room bago pumunta palabas ng gate. Todo support naman si Jelly sa akin. Pinahiram nya pa ako ng blush on. "O-okay na ba yung itsura ko?" Concious na concious ako. "Oo na nga. Ano ka ba? Masyado ka'ng tense." Sabi ni Jelly. Naging excited pala ako para ma disappoint. Kasama namin si Cheska lumabas, we went into a nearby coffee shop. Naglaho ang lahat ng plano ko'ng gawin at itanong at sabihin. Para lang ako'ng tanga na nakikinig sa mga pag uusap nila. "Hey, Aura. Mag kwento ka naman." Si Cheska iyon. "A-ako?" Itinuro ko yung sarili ko. They both smiled. They look like a couple! I hate it. Tumango si Cheska. "Oo, i want to be friends with you too. Sabi ni Rance, childhood friend daw kayo, eh." Magiliw na sabi nya. "Ah.. yeah. Lumipat kasi sila. I mean, nag migrate. Hindi ko nga alam na nakabalik na sila." Nilangkapan ko ng kaunting sarcasm ang sinabi ko. "Medyo kakawui ko lang this month.. I heard what happened, Aura. Condolence and i'm sorry it happened." Seryoso na sabi ni Rance. Hindi ko inasahan iyon, so i was caught off guard. Kahit naman pala papaano, may alam sya sa recent status ko. Negatively nga lang. "O-oo. Thanks.. it's okay. Okay naman kami ngayon. Kaya nga nandito ako sa public High School ngayon nag-aaral. Eh kayo? Bakit dito kayo pumasok?" Innocent ang tanong ko na iyon, wala ako gusto ipakahulugan, but they seemed to go tit worng. Parang namutla si Cheska. "Ah, para maiba naman." Tipid na sagot ni Rance. "By the way, kamusta si Alistair?" "He's fine, i think." Napansin ko ang mabilis na parang pag iiba ni Rance ng topic. Nahihiwagaan na talaga ako sa kanya. I sipped on my mango frappe. "You think? Saan sya pumapasok ngayon?" "Sa Xavier pa rin. Varisty sya, nakuha sya sa scholarship." Sagot ko. Tumango tango naman si Rance. "That's nice. Magaling naman talaga sya maglaro ever since." "I know." I laughed, only to be shocked when Joon showed up. "What the hell are you doing here? I've waited for you at the gate!" He looked upset.. but what the hell is he doing here? Napatayo ako bigla. "Joon, she's a childhood friend. Hindi naman siguro masama makipag kwentuhan sa kanya." Tumayo rin si Rance at hinarap si Joon. Joon side smirked. "It's bad, lalo na at girlfriend ko na si Aura." Pagkasabi noon ni Joon ay humarap sya sa akin. I gasped for air. The hell is wrong with this man? "Let's talk, Aura. Outside. Don't make me go back." Matalim ang tingin na sabi ni Joon sa akin bago umalis palabas ng coffee shop na iyon. Walang nagsalita agad sa amin. Si Cheska ay nanatiling naka upo. "Sige na, lumabas ka na." Si Rance ang nauna. "P-pero.." "It's fine. Boyfriend mo naman sya, kaya karapatan nya mag demand. Kasalanan ko rin naman, I asked you out without asking you kung may lakad kayo ng boyfriend mo." GUSTO KO ISIGAW NA HINDI KO BOYFRIEND SI JOON AT WALA AKONG KINALAMAN SA KANYA, but for some reason, hindi ko ginawa. May nag urge sa akin na makipag usap sa lalaki. Joon has never told me to talk with him. It must be something of my concern this time. "I'm sorry." Yumuko ako bago lumabas at sinundan sya. I saw him in the corner, lighting a cigarette. "Ano na naman ba ang problema mo?" "Stop going with Rance, okay? Pinagkalat ko na na girlfriend kita, damn it." "Hello! Kasalana ko ba? Tsaka, hindi ko nga alam kung anong kabaliwan ang sakit mo para i announce yun. Nagulo pa ang buhay ko ng dahil sa lintek na announcement mu na yan!" Tinaasan ko boses ko. Bumuga ng hangin si Joon. "Oh yeah? How about you stop going out and talking to Rance, kapalit ng proteksyon ko sa Kuya mo?"He teasted. The moment na narinig ko ang word na KUYA, automatic na nagpantig ang tenga ko. "Anong ibig mo sabihin?" Joon looked at me. "I see, wala kang kaalam alam." "Ano ba ang sinasbi mo?" "Let's do this the right way. Call it blackmail, i don't f*****g care. I can give your beloved brother a protection, just don't ever go out or talk with that bastard." Napa atras ako. "And why would my brother need a protection?" Tumawa si Joon. "He's been bullied, mula ng maging mahirap kayo, Aura. In one call, i can give him back his old life as the school jock." Napalunok ako ng laway. Who does he think he is? "Huwag mo ako'ng patawanun, Joon. Kung wala kang magawa sa buhay mo, huwag mo akong idamay sa kalokohan mo." Sabi ko sabay talikod. "All right. I said my piece. Go. Don't tell me i did not told you." Sabi nya, pero hindi ko na sya pinansin. I went home directly. Only to find out that Kuya has been bleeding bad in front of our door, unconscious.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD