JAMILLA
Ikatatlong araw na niya sa paghahanap ng trabaho ngunit wala pa ring tumatanggap sa kan'ya. Karamihan sa mga pinuntahan niyang clothing company ay no hiring pa at ang iba naman ay ang taas ng qualifications. Wala siyang training o experience sa ibang bansa kaya sa qualifications palang ay bagsak na siya.
Napailing siya. Di naman sa nagyayabang pero sa dating company na pinapasukan ay siya ang pinaka magaling na designer. Nagkataon lang talaga siguro na wala pa talagang bagong slots for designers ngayon. At ang iba naman ay open for trainees lang.
Naupo siya saglit. Napaka init talaga ng sikat ng araw at parang nahihilo na siya sa pagod.
Nakakapagod pero kailangan niyang maghanap ng trabaho.
Naisipan muna niyang dumaan sa isang fast food chain para mag meryenda. Naglunch naman siya pero hindi niya maipaliwanag kung bakit gutom na naman siya ulit.
Pagkatapos kumain ay nagpasya na muna niyang umuwi. Matutulog na muna siya. Sana nga bukas ay may magandang balita na sa kanyang paghahanap ng trabaho.
----------
"Talaga Jam? Sinasagot mo na ako?" Tanong ni Luke habang nakahawak sa magkabilang pisngi niya.
Dahan Dahan siyang tumango habang nakangiti sa binata.
Araw ng linggo, kasalukuyan silang nasa ibaba ng puno ng Talisay. Ito ang naging tambayan nila simula nang sila'y nagkakilala.
" Ta...ta...tayo na? Girlfriend mo na 'ko?" Hindi pa rin ito makapaniwala.
"Oo.. Kulit mo! "
Bigla siya nitong siniil ng halik. Hindi niya alam kung ilang minuto siya nitong hinalikan. It was their first kiss.
"Jam.. Hinding hindi ka magsisisi... Araw-araw papatunayan ko sayo kung gaano kita ka mahal. Pangako hinding hindi kita sasaktan. Mahal na mahal kita babe."
"Mahal na mahal din kita Luke. Aasa ako sa mga pangako mo. "
Mahigpit silang nagyakapan.
Saksi ang dagat kung paano nila mahal ang isat isa.
Para sa kanila, espesyal ang Lugar na to. Dito sila nagkakilala at dito rin sila naging magnobyo.
Hindi maipaliwanag na saya ang hatid sa puso ni Jamilla sa araw na yon. Tila ba walang katapusan ang kasiyahan iyon.
Napakaswerte niya sa binata.Kahit na mayaman ito ay ni minsan ay hindi niya narinig na mababa ang tingin nito sa kagaya niyang lumaki sa hirap.
Napangiti siya habang minamasdan ang mukha nito. Napakagwapo ng nobyo. Hindi naman lingid sa kaalaman niya na maraming humahangang babae rito pati nga ang kanyang best friend na si Trisha ay lantarang si Nasabi sa kanya na gusto din niya ang binata kahit alam nitong siya ang nililigawan ng Boss.
--------
Biglang napatayo si Jamilla habang nakatakip ang isang palad sa bibig niya. Dumiretso siya sa banyo at sumuka.
Masama talaga ang pakiramdam niya. Hindi na niya maintindihan kung bakit nitong mga huling araw ay palagi nalang siyang nahihilo. Laging gutom pero kapag kakain naman siya ay gusto ring ilabas ulit lahat ng sikmura ang mga kinain niya.
"Ineng...." boses ito ng matandang babae habang kumakatok sa pintuan ng apartment niya.
Binuksan niya ang pinto at nakitang may dala itong mangkok ng sopas.
"Pasok po kayo Aling Mameng"
"Dinala ko to para sayo. Pasencia ka na at iyan lang maibibigay ko"
"Naku Aling Mameng. Paborito ko po ito. Sabay na po tayong kumain ah. Teka lang"
Tumayo siya habang kumuha ng dalawang kutsara at maliit na bowl.
Naging kaibigan niya si Aling Mameng simula nang lumipat siya sa apartment na tinutuluyan.
Wala itong kasama sa bahay dahil ang apo nito ay nagtatrabaho sa isang Mall at gabi na kung umuwi. Kaya naman araw araw ay nagdadala ito ng pang almusal nilang dalawa.
Tuwang tuwa din naman siya dahil mahilig magkwento ang matanda. Medyo madaldal ito.
"Eh Ineng... May boyfriend ka na ba?
Bigla siyang nalungkot. Naalala niya pala ang panaginip kagabi. Napanaginipan na naman niya si Luke. At ang araw ng pagsagot niya rito. Hinawakan niya ang kanyang mga labi. Parang totong halik ang naramdaman niya kagabi.
"Ah eh... wala po Aling Mameng."
"Sa ganda mong yan Ineng.. Naku bulag nalang ang hindi makakapansin sayo"
Tumawa naman siya sa matanda. "Hay Naku sa panahon ngayon wala na sigurong matinong lalake di ba ho? Marami na po akong nakikita diyan na pinapaiyak lang ang babae... Hay ayoko na po"
"Am bitter naman ng batang ito oh! Oh siya kapag may manlihaw sayo ibalato mo nalang sa akin ha?
Isang bungisngis ang pinakawalan niya.
Pagkatapos nilang mag almusal ay naligo na siya. Nagpaalam na din ang matanda dahil mamalengke pa raw ito.
Ito na ang ika apat na araw ng kanyang pakikipag sapalaran sa Manila.
"Ang ineeeet" Bulong niya habang naghihintay ng Jeep sa may kanto.
---------
"ACM clothing industry"
Bulong niya habang papasok sa HR. Nabasa kasi niya muna sa Find Job Phil App na nangangailangan ang kompanyang ito ng designers.
Isang slim at magandang babae ang bumati sa kanya. Batid niyang ito ang head sa departamentong yon.
"Hi Miss. How can I help you?"
"Goodmorning ma'am. I read your plug yesterday on Find a Job App." "
" Ow?...... I'm so sorry Miss but we already hired 10 designers yesterday. "
Natahimik siya.
" But you can leave your application form here Miss... If ever we need designers again. I will give you a call" sambit ng babae sa kanya.
"O.-okay thank you po-----" saad niya habang Ttumayo at nagpaalam na sa babae.
Nanghihina siya ngunit ibinaling niya kanyang isip sa positibong pananaw.
Nasa guard station na siya nang makaramdam ang pagkahilo. Pinipilit niyang tumayo ng maayos ngunit mas lalong umiikot ang buong paligid.
At ang sumunod ay kadiliman.
------
"Misis...Congratulations you are three weeks pregnant." Nakangiti ng wika ng Doktor kay Jamilla.
Napahawak siya sa tiyan. Gulong gulo ang isip niya. Ramdam niya ang nagbabadyang mga luha sa mga mata.
"Next time you have to be careful buti nalang nahawakan ka ng guard kanina kung hindi baka mapano ka pa at ang baby mo."
"O.. O-po dok"
" Magiiwan nalng ako sa nurse ng reseta ha. You need vitamins and milk para malakas ka at lumakas din si baby."
"Salamat po..."
"By the way you need to have a pre natal checkup monthly sa OBgyne. Is that clear?
" Yes po doktora salamat po"
----------
Nasa labas na siya ng hospital ngunit hindi pa rin nawawala sa isip niya ang sinabi nito.
You are three weeks pregnant! Pa ulit ulit ang mga katagang ito sa isip niya.
'I am pregnant! "bulong niya sa sarili.
Hinaplos niya ang kanyang tiyan.
Gusto niyang maiyak. Awang awa siya sa sarili. Awang awa siya sa anak na nasa sinapupunan.
Ayaw niyang maranasan din nito ang nangyari sa kanya. Lumaki siyang walang magulang. Lumaki siyang magisa. Ang lungkot ng gaanong sitwasyon.
Naalala niya ang estranghero.
Ang ama ng dinadala niya.
Ipapaalam niya ba rito ang sitwasyon niya?
Matutuwa kaya ito?
Umiling siya habang tumawa ng pagak.
"Kilala ka ba niya? Sa tingin mo naalala ka pa niya? Naku naman Jamilla. Panahon pa ng kastila ang pag dadrama mo. Ang mabuti pa pag isipan mo kung paano mo bubuhayin ang magiging anak mo nang mag-isa....!
Pasado alas ocho ng gabi nang maisipang umuwi sa apartment na tinutuluyan.
"Sige anak.. Kakayanin natin to.. Bastat magkasama tayo." sambit sa sarili habang nasa loob ng sinasakyang taxi.
------------