LUKE
Tatlong linggo na ang lumipas simula nang mawala na parang bula ang babaeng dapat sana ay magiging asawa niya.Ang tanging babaeng aalayan niya ng kanyang pangalan at ang magiging ina ng mga anak niya.
He was sitting on their favorite spot sa loob ng resort na madalas nilang tambayan.Nakasandal siya sa puno ng talisay habang tanaw ang karagatan.
He miss everything about her. He miss her face, her smile, her sweetness and her kisses. He miss her beauty na parang isang angel na kahit na sinong lalake ay mabibighani.Ngumiti siya habang iniisip kung paano niya ito nakilala. Umiiyak ito noon habang nakasandal sa isang puno. Sa di kalayuan ay kitang kita niya kung gaano kaganda ang umiiyak na dalaga. Simple lamang ang suot nito ngunit ibang klase ang ganda at ang dating.
Alam niya kung gaano kainosente ang nobya. Alam niyang siya lang ang nag-iisang lalake sa buhay nito.Kaya mahal na mahal niya ang kasintahan dahil alam niyang iniingatan nito ang sarili para sa kanya.
"Bakit mo ko iniwan Jam. Hindi mo man lang ako hinayaang magpaliwanag!" sigaw niya sa dalampasigan sabay tungga sa hawak na alak. Walang araw na hindi siya lasing. Araw man o gabi ay uminom siyang mag-isa.
Hindi naman lingid sa kaalaman niya kung ano ang dahilan kung bakit biglang umalis ang dalaga. Sinabi ng guard ng condo niya na galing daw ang dalaga sa kanyang pad.
Alam niyang nakita ni Jamilla ang ginagawa nila ni Trisha that time. Natukso siya sa malanding sekretary at pinagsisihan niya iyon. Tao lang din siya, hindi perpekto. Nagkakamali din.
"Jamilla please patawarin moko!Pls come back!" sigaw niya ng ubod ng lakas. Ramdam niyang yumuyugyog ang kanyang balikat. He felt tears running down his face.
Simula nang umalis ang nobya ay hindi na siya pumasok sa ofisina. Ang daddy na muna niya ang pansamantalang nag manage sa kompanya.
Hindi niya alam kung makakamove on pa ba siya.
Hindi siguro niya kayang mabuhay kung wala si Jamilla. For three long years ito ang naging sandalan niya kapag may problema siya. Ito ang dahilan kung bakit inspired siya sa trabaho.
He closed his eyes and try to remember her kiss. Punong puno ng pagmamahal ang bawat halik nito sa kanya.
Sinabunutan niya ang sarili sabay suntok sa dibdib. "Gago... Gago ka talaga! "
Kinuha niya ang cellphone at tiningnan ang cover photo nilang dalawa sa f*******:.
Collage iyon nung 1st,2nd and 3rd anniversary nila.
He scrolled down his profile and his last post tagging her. Pinost niya ito two days after she left.
Paulit ulit niyang binasa ang post niya,caption iyon ng pinaka paborito niyang tula na nakuha niya online.
My everything
You're my love, my life
The air I breathe
You're my soul, my happiness
The all that I need
You're my light, my dark
The stars in the sky
You're my ups, my downs
The reason I try
You're my strength, my weakness
The love from the start
You're my heartache, my pain
The beat of my heart
You're my tears, my joy
The love that you bring
You're my world, my galaxy
You're my everything
Hindi namalayan basang basa na pala ng luha ang kanyang mga mukha. Hindi alintana ang mga taong dumadaan habang nakatingin sa kanya habang umiiyak.
He miss his babe so much.
-------
JAMILLA
Tumigil siya saglit habang papasok patungo sa nirerentang apartment.
"Sunooog!" hiyaw ng mga tao sa looban.
"Manong saan po ang sunog? Ano ang nasusunog?" Tanong niya sa mamang hysterical.
"Ang a-apartment nasusunog!" sagot ng mama.
Biglang kumabog ang dibdib niya. Habang papalapit sa apartment ay mas nanginginig ang mga tuhod . Parang gusto niyang matumba dahil sa eksenang natutunghayan.
Nasusunog ang apartment na nirerentahan niya. It was obvious na malabo nang maapula ang apoy.
Hindi nagtagal ay dumating na ang tatlong trak ng bumbero pero wala na't huli na dahil tanging abo nalang ang natira.
Sa kabilang tindahan ay nakita niya ang matandang babae na kaibigan niya. Nilapitan niya ito at niyakap. Pareho silang nag iyakan. Wala na ang apartment at kahit na isang gamit ay walang natira sa kanya.
"Aling Mameng, magpakatatag nalang po tayo. " wika niya sa matanda habang yakap yakap ito.
Hindi naman nagtagal ay dumating ang apo nitong babae na kasing edad niya rin lang.
"Jam..uuwi na muna kami ni lola sa probinsya! " saad ng apo ni Aling Mameng.
" S sge Laine.. Mag-ingat kayo ah. Ingatan mo ang lola mo!"
"Paano naman ikaw Ineng? " sambit ng matanda sa kanya.
Niyakap niya ulit ito " Huwag po kayong mag alala.. May awa ang Diyos at isa pa kaya ko po ang sarili ko. Aling Mameng mamimiss ko po kayo. " wika niya.
Sa totoo lang hinang hina na siya. Parang wala na siyang makakapitan. Ayaw niya lang ilabas ang kahinaan sa ibang tao kahit sa kaibuturan ng puso niya ay durog na durog na siya.
Hinaplos niya ang kan'yang tiyan. "Baby..... Kapit ka lang ha lalaban tayo! "
Kahit paano ay may kinakapitang lakas si Jam. Ang kanyang anak. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya sumusuko at kahit kailan ay 'di susuko.
"Pansamantala ay sa eskwelahan na muna kayo manatili habang naghahanap pa kayo ng malilipatan. "
Anunsyo ng kapitan sa mga naapektuhan ng sunog.
Marami ang tumulong sa kanila. Karamihan ay mga kapit bahay lamang. Binigyan din sila ng mga damit, kumot at pagkain ng mga ito. Ang mga barangay officials naman ay inaasikaso din sila ng maayos. May dumating namang taga munisipyo at nagbigay ng financial aid.
Mahirap matulog sa sahig at medyo mainit sa loob ng classroom na inuokupahan nila ngunit tiniis nalang niya.
Hindi siya makatulog at
gising na gising pa rin ang diwa niya sa gabing yon.
Paano na siya?Tanging bag at konting pera lang ang naiwan sa kanya.
Paano niya aalagaan ang anak na nasa tiyan. Sabi nga ng doktor ay kailangan niyang maging malakas para sa baby niya.
Ngunit wala pa siyang trabaho. At ang konting ipon ay hindi na siguro kakasya hanggang sa manganganak siya.
Talaga bang ipinanganak siyang malas?
Lumaki ng walang magulang.
Iniwan ng nobyo.
Nabuntis ng isang estranghero.
At ngayon pati anak niya ay mamalasin din kagaya niya? Noooo! Hindi siya papayag!
Hindi niya hahayaan na mangyayari din sa kanyang anak ang nangyari sa kanya.
"Pangako anak hindi ka maghihirap." bulong niya sa isip.
Bahala na bukas! Ang tanging sambit niya habang pinikit ang mga mata at tuluyan nang dinalaw ng antok!
-------
Kinabukasan nagising siya dahil sa ingay sa labas. May mga media na iniinterview ang mga nasunugan. May mga biktima din na humihingi ng tulong.
Naisipan niyang maligo muna bago lumabas.
May mga LGU din pala ang nagbibigay ng mga pagkain.
Tinitingnan palang ang eksena sa labas ay gusto na niyang mahilo kaya nagpasya siya na sa loob nalang ng classroom kumain. May nag abot kasi ng packed lunch sa kanya.
Binuksan niya ang kanyang bag upang kunin ang wallet nang mapansin ang isang puting papel at isang card.
"If you need me, just give me a call. "
Naalala niya ang sinabi ng estranghero sa gabing iyon.
Pinikit niya ang kanyang mga mata.
"Kakapalan ko na ang mukha ko para sayo anak! "
At isang ideya ang pumasok sa kanyang isip. Ito lamang ang tanging paraan para mabigyan niya ng magandang buhay ang anak.