C-5: Telling the truth

1253 Words
Naupo si Cameron sa harapan ni Fyrah. But Fyrah didn't have the courage to look him eye to eye. "Eat," maawtoridad na sabi ng lalaki. "Hindi ako nagugutom and please lang ha? Let me go!" mataray na sagot ni Fyrah. Nagtagis ang mga ngipin ni Cameron at kinuha ang kutsara sa pagkain ni Fyrah. Iniumang nito sa bibig ni Fyrah ang kutsarang may pagkain. "Open your mouth will you?" magkasalubong ang mga kilay ni Cameron. "In your dreams!" Binitawan ni Cameron ang kutsara at pilit ibinuka ang bibig ng dalaga. Nagpumiglas si Fyrah subalit nahawakan na ni Cameron ang kanyang dalawang kamay. Inipit nito ang isang kamay ni Fyrah sa dalawa niyang binti at pilit idinukdok ang kutsara sa loob ng bibig nito. Ofcourse it's hurt, subalit hindi iyon nginuya ng dalaga. "Kailangan mo ba talagang masaktan bago ka sumunod sa mga sinasabi ko?" galit na wika ni Cameron. Inirapan ni Fyrah ang lalaki at walang nagawa ang dalaga kundi ang nguyain ang pagkaing naisubo sa kanya. "I will make you suffer Fyrah so that you're punishment will be valid." Natigil si Fyrah sa pagnguya nito. Hinablot na rin ng dalaga ang hawak na kutsara ni Cameron kanina. Naisip nitong wala siyang magagawa pa at saka gutom na gutom na rin siya. "Ano bang kasalanan ko sa'yo ha? Ni hindi nga kita kilala eh!" Napangisi si Cameron. "Then, I will do it for you to remember everything!" Para namang nagsitayuan ang mga balahibo ni Fyrah sa kanyang katawan. Pakiramdam niya hindi lang pervert ang lalaki kundi kampon ni Satanas. Naningkit ang mga mata ni Fyrah at tinapangan niya ang kanyang loob na salubungin ang mga nagbabagang mata ng lalaki. "Once again, I don't know you in my whole life. Even in single time, I didn't met you Mr. Arrogant!" mariing sagot ng dalaga. Naikuyom ni Cameron ang mga kamao nito at sinuntok ang mesang nasa kanilang harapan. Nagulat si Fyrah at napasigaw saka nahintakutang tumingin sa lalaki. Nanginig ang katawan ng dalaga dahil noon lang siya nakakita ng agresibong lalaki. Napaatras tuloy ito at nanuyo ang kanyang lalamunan. "Cameron!" mula sa may pinto ay bumalik si Aling Felicidad. Hindi lumingon si Cameron habang nanatiling nakatitig kay Fyrah. "Akala ko ba pakakainin mo lang siya? Mas lalo mo siyang tinatakot dahil sa ginagawa mo." Muling nagsalita si Aling Felicidad habang lumalapit sa kinaroroonan ni Fyrah. Mabilis namang nagtago si Fyrah sa likuran ng matanda. Halos mabingi ang dalaga dahil sa lakas nang kabog ng dibdib nito. "Umalis ka riyan Aling Felicidad at ipapaalala ko sa kanya kung sino ako! Dahil paulit-ulit na lang niyang itinatanggi na hindi siya ang asawa kong gold digger!" Galit na sigaw ni Cameron. Napakunot noo si Fyrah at sumungaw siya saglit mula sa likuran ni Aling Felicidad. "Paano kita naging asawa eh ngayon lang kita nakita?" maang na tanong ng dalaga. Mas lalong nasilaban ang galit ni Cameron at mabilis niyang nasaklit si Fyrah mula sa likuran ng matanda. Sinakal ni Cameron si Fyrah at halos umangat na nga ang mga paa ng dalaga. Panay naman ang hampas ni Fyrah sa dibdib ni Cameron at sa kamay nito. "Papatayin mo siya sa loob ng pamamahay mo? Ano pa bang silbi na pinahanap mo siya at inuwi kung papatayin mo rin lang pala siya? Sana sa daan pa lang ay pinatay mo na siya, papaano si Cedie na araw-araw hinahanap siya?" saad ni Aling Felicidad. Hindi umimik si Cameron subalit nag- iba ang ekspresyon ng mukha nito. Binitawan nito si Fyrah na hinabol ang kanyang hininga saka ito bumagsak sa sahig. Nangngalaiti pa rin si Cameron at galit na tumingin sa inuubong si Fyrah. "You'll pay what you did, trust me! I will make you suffer the most!" pagbabanta ni Cameron at mabilis na itong tumalikod. Dinaluhan naman ni Aling Felicidad si Fyrah at tinulungang makatayo. "Ikaw naman kasi alam mong maikli lang ang pasensiya ng asawa mo ginagatungan mo pa ang galit niya sa'yo." Sabi ng matanda nang makaupo na sila pareho. "H- Hindi ko ho siya kilala! Maniwala po kayo, hindi ko po siya asawa!" naiiyak nang wika ni Fyrah. Natigilan si Aling Felicidad. "Alam ng Diyos, hindi ako ang kanyang asawa! Hindi pa po ako ikinasal at may nobyo po akong naghihintay sa akin. Katunayan nga po kagagaling ko lang sa isang aksidente nagpapagaling pa po ako!" umiiyak nang sabi ng dalaga. Hinaplos ni Aling Felicidad ang pisngi ni Fyrah. "Tama na, bukas na kayo ulit mag- usap!" iyon lang ang nasabi ng matanda. Impit na napaiyak si Fyrah, gusto na niyang umuwi kay Ralph at Gail. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya sa piling ng lalaking nagpupumilit na mag- asawa sila. Nakabihis na si Fyrah nang iwanan ni Aling Felicidad. Nakahiga ang dalaga subalit nakatingin sa kisame. Kapagkuwan ay bumangon ito at naupo sabay tingin sa kabuuan ng silid. Noon lang napansin ni Fyrah ang malaking litrato na nasa kanyang ulunan. Tumayo ito at humarap nang husto sa malaking larawan niyang nakasabit. Maraming suot na alahas ang babae sa larawan, maputi, at alam niyang matangkad at kamukhang- kamukha niya. Naguluhan ang isipan ni Fyrah napaiyak itong muli. Dahil ang babaeng nasa litrato ay hindi siya sigurado siya subalit bakit kasi magkamukha silang dalawa? Naghalungkat si Fyrah sa mga drawer, panay litrato niya ang nandoon. Kuha ang mga iyon sa iba't-ibang bansa meron pa ang litrato na siya ay buntis. Nabitiwan ni Fyrah ang mga litrato, at napailing-iling. Ang iba pa ay noong wedding day nila ng lalaking tinawag na Cameron. "No! This cannot be," anas ni Fyrah. Kung totoo man ang mga iyon, bakit wala siyang maalala kahit isa? At ano ang kanyang ginawa noon na labis siyang kinamumuhian ng Cameron na iyon ngayon? Tinawag siyang gold digger ng lalaki, meaning ninakawan niya ito ng kayamanan? Subalit hindi niya iyon magagawa, dahil alam niyang malaking kasalanan iyon. Hindi alam ni Fyrah kung hanggang anong oras siya nag- iisip ng mga bagay-bagay. Nakatulugan na nito ang kanyang mga iniisip. May luha ang mga mata nito nang dalawin ng antok. Kinabukasan. Naalalang silipin ni Cameron si Fyrah. Nakita nito ang mga nagkalat na larawan sa sahig. Pagkakita pa lang ni Cameron ang kanilang mga old photos ay hindi na niya itinuloy ang pagpasok sana nito sa loob ng kwarto. Bigla kasing umahon ang galit na nasa dibdib ng lalaki baka kung ano pa ang magawa niya kay Fyrah. Mabilis na ni- lock ni Cameron ang pinto ng kwarto at umalis na siya roon. "Good morning Daddy!" bati ng matinis na boses mula sa may kusina. "Good morning my angel! Why you wake up early huh?" magiliw na sagot ni Cameron sa anak sabag beso sa pisngi ng bata dahil kumakain ito. "You promise me that we will both playing games today!" sagot ni Cedie. "When?" maang na tanong ni Cameron. "Last night!" Cedie giggles and laugh. "Oh...I forgot my angel!" nasapo ni Cameron ang sariling noo. Mas lalong humagikhik si Cedie. Matamis na napangiti si Cameron at mas kiniliti pa ang kanyang anak. Sinenyasan niya ang kanyang personal assistant na nasa isang sulok at pina- cancel nito ang lahat ng kanyang appointment. Mas mahalaga pa rin sa kanya ang kaligayahan ng kanyang anak kaysa sino pa man. At lahat ng gusto nito ay kanyang ibibigay sumaya lamang ang kanyang anak. Including his unfaithful wife, Fyrah. Kung siya lang ang masusunod ay noon pa niya pinapatay ang babae. Subalit ng dahil sa hiling ni Cedie ay kailangan ni Cameron na magtimpi sa kanyang galit sa salawahan niyang asawa.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD