She's missing again?

1070 Words
The Mafia's Lost Wife 3 Dalawang araw bago pumayag si Ralph na lumabas ulit si Fyrah. Minsan naiisip ng dalaga na may sikreto ang kanyang nobyo about her life na ayaw nitong malaman. Mabuti na lamang at naroon palagi si Gail na parating nagpapaliwanag tungkol sa mga katanungan niya. But honestly, deep inside ay unti- unting namumuo ang mga katanungan ni Fyrah na gusto niyang magkaroon ng kasagutan. Because the more na pinagbabawalan siya ni Ralph, the more thing naku- curious si Fyrah. Only Gail can definitely give her answers but sometimes nagdududa na rin siya. "Bakit parang hindi ka masaya?" tanong ni Gail habang naglalakad sila papunta sa isang sikat na pasyalan malapit sa may dagat. "Wala...I'm happy ofcourse!" matamlay na sagot ni Fyrah. "Happy? Ni hindi ko nga makita sa mukha mo saang banda?" nakakiling pa ang ulo ni Gail. Nagkibit-balikat lang si Fyrah at tinungo ang isang cottage upang maupo roon. Wala talaga itong mood sa araw na iyon. "Tell me, what's bothering you?" tanong ni Gail nang makaupo ito sa tabi ni Fyrah. "Gail, andami kong questions na ayokong isatinig kaninuman but I can't help it but to admit to you. Like, boyfriend ko nga si Ralph pero habang tumatagal parang hindi ko siya kilala. They said, I have a family pero wala naman akong na- meet ni isa. Alam mo 'yon, andaming nagsasabing pamilyar ako sa isang tao o lugar pero wala naman sila rito!" matapat na saad ni Fyrah sabay turo sa dibdib nito. Gail was speechless and sad. Nag- iwas din ito ng tingin at bumaling sa karagatan. "Nahihirapan ka na ba?" tanong ni Gail na hindi tumitingin kay Fyrah. "Yes, definitely!" Bumuntonghininga si Gail sabay hawak sa kamay ni Fyrah. "Beshie, konting tiis na lang okay? Malapit ka na sa kasagutan ng iyong mga katanungan. Just be patience and trust it." Aniya. Walang nagawa si Fyrah kundi ang tumango kahit na hindi ito satisfied sa sagot ni Gail. Umasa pa naman ito na may mas maganda ng isasagot ang kanyang kaibigan. Pero parehas din lang pala ng sagot nito the first time that she asked. "Hindi ka ba maliligo?" biglang tanong ni Gail. "Mauna ka na, dito lang muna ako sa cottage." Walang ganang sagot ni Fyrah. "Are you sure?". "Yes!" Bantulot na iniwan ni Gail si Fyrah. Muli pa nitong nilingon ang dalaga bago ito tuluyang lumusong sa tubig. Bale outing kasi iyon nina Gail together with her family at isinama niya lang si Fyrah. Mabuti na lamang at pinayagan ito ni Ralph na mangani- nganing ayaw noong nagpapaalam sila. Subalit kinalaunan ay pumayag din ito lalo na noong nakiusap si Fyrah. Habang si Fyrah ay biglang at lumabas ng cottage. Nahagip kasi ng tingin nito ang babaeng nabunggo niya noong isang araw. At hindi maaaring magkamali si Fyrah dahil si Elizabeth talaga ang nakita ng mga nito at nais niyang makausap muli ang dalaga. Fyrah followed Elizabeth, dahil may gusto lang sana siyang linawin mula rito. Subalit mabilis na nawala sa kanyang paningin si Elizabeth, kaya hinanap niya ito sa ibang direksyon ng beach resort. Hanggang sa hindi na muling nakita pa ni Fyrah si Elizabeth kaya nagpasya na itong bumalik sa kanilang cottage. Subalit tila ibang daan ang natahak ni Fyrah dahil bago sa kanyang paningin ang mga palamuti sa dinadaanan nito. "Looking at me?" mula sa likuran ni Fyrah ay may nagsalita. Kaya mabilis na humarap si Fyrah at nakita niya si Elizabeth na nakangiti. "Elizabeth!" "Alam kong susundan mo ako, Fyrah." "Nakita kasi kita kanina, akala ko nga namamalik- mata lang ako." Saad ni Fyrah. Muling ngumiti si Elizabeth at nilapitan si Fyrah kasunod ang paghaplos nito sa pisngi ng dalaga. "Curious ka ba kung bakit kilala kita, Fyrah?" paanas na tanong ni Elizabeth. Napalunok si Fyrah there's a voice in her mind telling that she know this girl before. Napakurap-kurap ang dalaga at matapang na tinitigan niya ang mga mata ni Elizabeth. "Yes!" Napangisi naman si Elizabeth. "You will know when the right time has come, be patience!" Napakunot noo naman si Fyrah. Magsasalita na sana ito nang maramdaman niyang tila may tao sa kanyang likuran. Hindi mapigilan ni Fyrah na hindi lingunin kung sino iyon. Nakita niyang may tatlong lalaki na kapansin- pansin ang mga tattoo nila sa kaliwang braso. Iisang tattoo iyon kung kaya't mabilis na bumalik ang tingin ni Fyrah kay Elizabeth. Sakto naman ang pagsenyas nito sa mga lalaking nasa likuran ni Fyrah. Fyrah attempt to run but she didn't know how. Tila napako siya sa kanyang kinatatayuan kahit na alam niyang nagbabadya ang hindi magandang mangyayari sa kanya. Nang mahimasmasan ito sa kabiglaan ay biglang nakaramdam ang dalaga ng panghihina dahilan upang siya ay matumba. Naramdaman niyang may mga bisig na sumalo sa kanya kasabay nang pag- ikot ng kanyang paningin. Kasunod ang pagkawala ng kanyang malay at hindi na niya alam kung ano ang mga sumunod na nangyari. Taranta si Gail nang makita niyang wala na si Fyrah sa loob ng cottage. Agad niyang binilinan ang mga kasama nitong hanapin agad ang dalaga. "Bakit hindi niyo siya nakitang umalis?" medyo inis na tanong ni Gail sa mga kasamahan nila. May bodyguard naman si Fyrah kaya lamang ay nagtungo raw ito sa restroom upang magbawas. Kaya hindi nito nakita ang dalaga kung saan ito nagpunta. "Malilintikan tayong lahat kay Ralph!" gigil na turan pa rin ng dalaga saka ito naglakad palayo upang hanapin si Fyrah. Then, everyone was busy trying to find Fyrah all over the beach resort. Subalit isang oras na nila itong hinahanap ay wala silang makitang Fyrah maski sana bulto nito. Mariing napapikit si Gail saka nasapo ang sariling mukha. Sinubukan din nitong tawagan ang mobile phone ng kanyang kaibigan subalit natuklasan nilang naiwan nito sa cottage. "Fyrah, where are you again?" anas ni Gail habang palakad-lakad pa rin sa buhanginan kasama ang bodyguard ng dalaga. "Sabihin ko na po ba kay Sir, para matulungan tayong maghanap? Malawak po ang resort na ito lalo na kung naglakad-lakad siya sa dalampasigan." Sabi ni Logan ang bodyguard ni Fyrah. "Sige! Mamamatay na ako sa kakaisip kung nasaan ang babaeng 'yon." At mabilis ngang naitawag ni Logan kay Ralph ang tungkol sa kanilang problema. Galit na galit si Ralph, at agad na nagpadala ng mga tauhan nito sa nasabing resort. At mahigpit nitong ibinilin na kalugarin ang lahat ng parte sa beach resort na iyon upang matagpuan nilang lahat si Fyrah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD