Bakit ba may sufferings?

892 Words
II. BAKIT BA MAY SUFFERINGS?  Bakit ba may sufferings? Kung mahal Niya tayo, bakit Niya iyon pinapahintulan na mangyari? Marahil ay sumagi na rin ito sa iyong isipan. Bakit nga ba may mga pagsubok sa buhay? Sa eskwela, may mga exam. Para i-test ang mga estudyante kung may natutunan sila sa loob ng klase. Sa trabaho, minsan may exam din bago makapasa sa final interview. May ilang profession din na nangangailangang ipasa ang exam bago magkaroon ng license. Pero iniisip ba nating sufferings ito? Sa Panginoon, ganoon din ang gusto Niyang iparating sa kanyang mga anak sa mundo. Binibigyan Niya tayo ng test para ma-measure Niya ang ating pananampalataya sa Kanya. Pero hindi tulad ng mga exam sa mundo, ang Panginoon ay hindi tayo ite-test nang hindi natin kakayanin. Ito pa ang good news, ang mga binibigay niyang exam ay iyong may kapasidad tayo. Ibig sabihin, kung magtitiwala lang tayo sa Kanya, siguradong makakapasa tayo sa kahit anong pagsubok! Ganoon Niya tayo kamahal. Lagi nating tandaan na ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat. Mapagpasensya at mahabanging Ama natin Siya. Naalala niyo ba iyong istorya ni Job sa Biblia?  Nawala ang kanyang lahat na ari-arian, mga anak at nagkasakit pa. Pero hindi siya nawalan ng pag-asa at pinanalangin pa ang kanyang mga kaibigan. Ibinalik din ng Panginoon ang kanyang mga ari-arian at doble pa sa dati nitong pagmamay-ari.  Iba-iba tayo ng sitwasyon sa buhay. Iba-iba rin ang pagsubok natin na kinakaharap. Walang makakaintindi sa atin kundi ang Panginoong Diyos lamang. Alam niya ang mangyayari mula umpisa at ending ng buhay natin. Ang pagsubok ay dumarating sa hindi natin inaasahang oras o araw. Pero huwag kang matakot. May God tayo. Tumingala ka sa langit, naroon siya. Nang mamatay si Moises at pinalitan nito ni Joshua sa pamumuno sa mga Israelita. Makailang beses na sinabi sa kanya ng Panginoon na; "Magpakatatag ka at lakasan mo ang iyong loob." kahit ako ay napansin iyon sa Biblia. Likas kasi sa atin na maging malakas kapag nararamdaman natin ang presensya Niya sa tuwing tayo ay nagdarasal pero nanghihina ulit kapag mag-isa na lang tayo. Ganoon din ang napansin ni Saint Faustina Kowalska, na nakaranas ng sufferings. Siya ang secretary ng The Divine Mercy.  Sa kanya iniatang na maipinta ang image ni Jesus na may pula at maputlang sinag na nanggagaling mula sa Kanyang dibdib. Pero hindi siya agad na pinaniwalaan ng mga madre at pari sa kanyang kapanahunan.  Pero ito rin ang kanyang sinulat sa kanyang Diary: "Suffering is a great grace; through suffering the soul becomes like the Savior; in suffering love becomes crystallized; the greater the sufferings, the purer the love." The greater the sufferings, the purer the love . . . nakakatakot iyong 'the greater the sufferings', hindi ba? Sino ba ang may gustong makaranas nito? Pero may ilang beses din niyang narinig ang boses ng Panginoong Jesus at sinabi; Do not be afraid. I am always with you. Mayroon ding nakasulat sa Isaias 41:10 ang sinasabi; "Ako'y sasaiyo, huwag kang matakot, ako ang iyong Diyos, hindi ka dapat mangamba, Palalakasin kita at tutulungan, iingatan at ililigtas." Nakakaiyak. Makailang beses na tayong pinaalalahan na hindi natin kailangang mag-isa sa laban ng buhay. Nasasaktan din ang Panginoong Jesus sa tuwing hindi natin siya pinagkakatiwalaan. Para saan pa ang pagpapapako sa kanya sa krus kung palagi tayong nawawalan ng pag-asa sa buhay? Nadudurog ang puso Niya sa tuwing tayo ay nagkakaroon ng alinlangan sa kanya. Gayong umaapaw ang mercy Niya para sa ating mga makasalanan. Pero nasaan ang naka-focus ang ating mga mata? Sa Kanya ba o sa mga bagay na nasa mundo? Bakit hindi natin subukang magtiwala sa Kanya. Oo. Mahirap . . . sa umpisa. Kasi tayong mga tao ay nangangailangan ng ebidensya para ma-absorb natin na nariyan lang ang Panginoong Diyos. Naging mahina rin ako. Kasi ang mga kalaban natin sa mundo ay nakikita natin. Kaya mas nagiging lamang ang focus natin sa mundo. Pero na-realise ko, kaya tayo ganoon ay dahil gutom tayo. Gutom ang ating espiritwal. Kung ang katawan natin ay nangangailangan ng pagkain para lumakas, aba, kailangan din ng pagkain ng ating spirit. Ng ating soul. At ano ang pagkain? Mga Salita Ng Diyos. At paano pakakainin? Magbasa ng Biblia. Dumalo sa mga church service. Makinig ng Kanyang salita. At higit sa lahat—magdasal. Makipag-usap tayo palagi sa Kanya. Palalimin natin ang relationship kay God. Ang tanging panlaban natin sa mga pagsubok—dasal. Simple, 'di ba? Pero ginagawa mo ba? Nakikipag-usap ka ba kay Lord? Ang sabi nga sa Filipos 4:6 ay; "Huwag kayong mabalisa tungkol sa anumang bagay. Sa halip, hingin ninyo sa Diyos ang lahat ng lahat ng inyong kailangan sa pamamagitan ng panalanging may pasasalamat." Tandaan: Lagi ninyong isaalang-alang na ang kalooban ng Diyos ang palaging masunod. Dahil baka magreklamo kayo na, bakit hindi naman nangyari ang pinagdasal ko. Nagdasal naman ako. Ibibigay sa iyo ng Panginoon ang sagot sa iyong mga dasal kung ito ay kalooban niya at kung hindi mo ito ikapapahamak. Panalangin: Panginoon, maraming salamat kasi pwede ka naming malapitan kapag kami ay nasa gitna ng pagsubok. Tulungan Mo po kami na lumakas at palawakin ang aming isipan. Nawa ang kalooban Mo po ang masunod sa lahat ng oras ng aming buhay. In Jesus' name, Amen. ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD