CHAPTER 2
Magkasamang lumabas ang pamilyang Rivera sa Airport. Kumain muna sila sa labas bago umuwi sa kanilang mansion.
Samantala nagngingitngit sa galit ang dalawang sina Eva at Mona dahil sa malanding Maricel na iyon. Nasa sasakyan sila at papunta kina Shane ang magkaibigan. Gamit ni Richelle ang sasakyang regalia sa kaniya ng magulang nung birthday niya .
Sa kanilang magkakaibigan parehong galing sa mayamang pamilya sina Richelle at Mona habang si Eva ay katatamtaman lamang ang yaman. Hindi man nabiyayan ng yaman ang pamilya ni Shane ay mayaman naman sila sa pagmamahal at kaibigan.
Magkaibigan na ang tatlo magmula nung nasa high school sila. Nakilala nila si Shane nung first day of school sa unibersidad kung saan sila nag-aural. Kisang lumapit ang tatlo sa nag-iisang si Shane. Hindi naman mahirap silang pakisamahan at dahil doon agad niya itong nakasundo at naging matalik na magkaibigan.
"Hoy kayong dalawa para yatang hindi kayo nakaget over ha," sita ni Richelle sa dalawa na halos hindi maipinta ang mukha.
“That's right, Bessy! Kapag magpapakita talaga sa’kin ang malanding lintang yun, Naku! Ngayon pa lang magtago na siya dahil hanggang sa mamatay siya hindi ko pa rin tatantanan.... grrrrr..." inis turan ni Eva na halos gusto niyang sugurin si Maricel.
"Bruha, Ikaw pa ba yan? parang gusto mo talagang makulong ng wala sa oras ahl OA ka na," wika ni Mona sabay baling kay Richelle."Naku! Manang Richelle pakihanda mo na sina Tito at Tita baka sa kulungan ang bagsak ni bruhita.”
Nagtawanan na lang sila at nakarating na nga sila sa bahay ni Shane.
Nang marating ng mag-anak ang Restaurant ay agad silang umupo sa isang bakanteng mesa at tinawag ang waiter para makapag order na sila. Nang makaorder na sila ay umalis na rin ang waiter.
Habang hinihintay ang kanilang pagkain ay nangumusta ang ina nila sa kanyang mga anak.
"Hija, kumusta kayo dito?” tanong niya.”
“We are doing great here, Mom.”
“Pasaway pa rin ba ang prinsesa namin? Baka binibigyan mo ng sakit sa ulo ang kuya mo?"sunod-sunod na tanong ni Vera as kanyang dalagita.
"Mom naman! I'm not pasaway. sweet nga ako,"sabay siko sa Kuya nito." ‘Di ba Kuya?" pinandilatan lang siya nito at napatawa na lamang ang kanilang ina sa inasta ng mga anak.
Nang dumating ang magkakaibigan sa bahay ni Shane ay napansin agad sila ng kapatid ni Shane na kararating lang din galing school.
"H,” sabay bati ng tatlo at nakipagbeso ito.
"Hello mgq Ate," walang siglang bati ni Lianne sa mga ito na agad napansin ni Eva.
"Mukhang ang tamlay mo, Lianne. May problema ka ba?” tanong ni Eva sa kaniya.
“Wala Ate, pagod lang ako. Kagagaling ko lang kasi sa practice e,” sagot niya.
“Ah, kumusta ka naman? Are you enjoying playing volleyball?” tanong naman ni Richelle.
“Oo Ate, Katunayan nga panay puri ang coach namin sa akin,” nakangiti niyang saad.
“Oh, that sounds great.”
“Kanina ka lang ba dumating?” tanong ni Shane sa kapatid.
“Kararating ko lang Ate,” aniya.
"Tuloy kayo mga Ate, may inihanda akong meryenfa,." aya nito sa kanila. Pumasok na ang magkakaibigan sa loob.
May dalang pagkain ang magkaibigan dahil sumaglit sila sa grocery store kanina then si Lianne naman bumili din ng nakakain na kamiyang inihanda para sa mga bisita.
“Mukhang natunugan mong pupunta kami dito,” saad ni Mona nang mapansin nitong isa sa paboritong pagkain niya ang nasa mesa.”My favorite!”
“Naku! Nagkataon lang siguro iyan, Ate. Katunayan nga muntik ko nang makalimutan,” aniyang umupo na ito sa bakanteng upuan.
"Bessy, pwede ba kami mag-sleep over dito?" tanong ni Eva.
"Oo naman girls! At doon tayo sa room ko, weekend naman bukas e,." masayang tugon ni Shane.
“Ate Chelle, doon ka sa room ko, tabi tayo,” sabat naman ni Lianne.
“Sure!” aniya.
“How about me?” tanong ni Mona.
“Saan mo gusto? Sa room ko or sa room ni Ate?” tanong ni Lianne.
“Ummm—- pag-isipan ko.”
“Naku, pag-isipan daw?” natatawang sabi ni Eva. Pinandilatan lang siya ni Mona.
Matapos kumain ang mag-anak ay napagpasyahan muna silang umuwi nang makapagpahinga ang mag-asawa.
Nang makarating sila ay agad dumeretso ang mag-asawa sa kanilang silid at tuluyang nakatulog. Samantala si Vince ay umalis ulit para makipagkita sa isang kaibigan.
"Kuya ,where are you going?" biglang tanong ni Venice sa kapatid.
.
"Sa isang kaibigan, bakit?" inis nitong sagot.
"Kaibigan o Ka-ibigan?" buskang tanong ng kapatid.
"Pwede ba? Tumahimik ka diyan Venice at male late na ako sa usapan namin,." sagot nito at tumalikod na rin at tuluyang umalis na ito.
Napangiti na lang si Venice habang sinundan ang papalayong kapatid.
"Anyway girls, gusto niyo ba mag-out of town bukas?" biglang tanong ni Richelle na ikinatuwa ng mga kaibigan nito..
"Talaga Bessy? Totoo? Walang halong biro?” saad ni Eva na hqlatang excited.
“Naku! I think we need that, Bessy. We need to unwind naman," segunda ni Mona rito..
"Pwede ba akong sumama?” tanong ni Lianne.
“Oo naman, tatawagan ko si Mommy para makapag-paalam and we’re going to the beach also,” aniya.
“Overnight ba tayo doon?” tanong ni Shane.
“Yes, bessy. don’t worry kilala ko ang may-ari ng Resort.”
“Oh, okay.”
“Iba talaga ang mayaman,” nakangiting turan ni Eva.
“Hindi naman! Naisip ko lang bigla na medyo stressful ang week na ito kaya we need a break,” aniya na ikinatuwa nilang lahat.
"Pare gusto mo bang sumama?" tanong ni Rex sa kanya.
"Saan Pare?" balik tanong nito.
"Sa beach Pare, bukas tayo lalarga," tipid na sagot ni Rex sa kanya.
"Sige, sasama ako.”
"Isama mo na rin si Venice, para may makakasama ang kapatid ko."
"Okay..."
“Teka, kumusta ka naman? Iyong paghahanap mo sa babae na nasa panaginip mo, itinuloy mo ba?”
“Hindi pa nga e, dumating kasi sila Mama kaya nawala sa isip ko. Salamat at pinaalala mo as akin,” aniyang napaisip.
“Saan mo naman hahanapin? Remember, malaki ang Pilipinas.”
“Umm—- sa beach,” nakangiti niyang sambit.
“Oh, sounds interesting,” napailing na lamang si Rex sa tinuran ng kaibigan.
Rex Balthazar Mendoza, ang bestfriend ni Vince since childhood pa sila. Siya rin iyong lalaking may malaking paghanga sa isa rin nilang kababatang si Sabrina ngunit ang gusto ni Chloe ay si Vince. Mabuti na lamang hindi ito pinatulan ni Vince sapagkat kaibigan at parang kapatid lamang ang turing niya rito.