EPISODE 2

1580 Words
Chapter 1 LARAWAN NG MASAYANG pamilya ang kinqgisnan ni Shane. Siya ay isang simpleng dalaga sa kabila ng kahirapqn ay bakas ang masayahin at pagiging positibo sa buhay. Sa kaniyang kasimplehan at pagkaroon nga maamo at magandang mukha ay hinahangaan siya ng mga lalake, mabait at may busilak na puso ang taglay ng isang Shane Alexis Madrigal. Panganay siya sa magkapatid. Isa siyang working student at sa edad na dalawampu ay naitaguyod niya ang kaniyang pag-aaral. Nag-aaral siya sa umaga at nagtratrabaho naman sa gabi bilang waitress sa isang restaurant. Raketera rin ito dahil tuwing weekend at bakasyon ay tumutulong ito sa kaniyang magulang sa palengke o minsan naman siya ay naglalako ng kankanin o kahit pampalamig. Nagkaroon siya ng tarlong mga kaibigan na sina Eva, Mona at Richelle. Magkasama ang tatlo para puntahan ang bestfriend nilang si Shane sa canteen. tinawagan kasi sila nito at parang may problema ang kanilang kaibigan. "Bessy...’ sigaw ng tatlo habang papalapit ang mga ito ngunit tila wala iyong naririnig."Hoy beauty! Anong nangyayari sa’yo?"untag ni Mona sa natulalang kaibigan. "Baka in love kaya ganyan ang hitsura,” sabat ni Eva at napaismid itong tiningnan siya nito. Lumapit si Richelle kay Shane at tinanong kung anong problema at bakit gano’n na lang ang hitsura nito na mukhang may pinagdaanan. "Bessy what’s wrong? Bakit may bumabagabag ba sa’yo?"nag-aalalang tanong nito."Were here for you, Shane. tandaan mo ‘yan," dugtong nya rito. "Girls, nanaginip ako kagabi,"pag-amin nito. "About what?" sabay tanong ng tatlo. "About this strange guy that accidentally kissed me," sagot niya dito. " What? You mean naghalikan kayo?” Tumango siya na halata sa hitsura na hindi ito mapalagay. “Teka nga! Anong hitsura ng guy?”usisa ni Mona na tumabi pa sa kaibigan. “Umm— may hitsura naman, feeling ko nga parang totoo e.” “Mukhang intriguing iyan, Bessy. What if nakita mo iyong guy?” saad naman ni Eva. “Posible kaya?” “Ummm—- who knows? Baka makasalubong natin or ikaw mismo,” nakangiting turan naman ni Mona habang tahimik lamang na nakikinig si Richelle. “Oh, ewan!” “Teka, maliba tayo. nagkita at nagkausap kami ng isa sa manliligaw mo,” saad ni Richelle sa kanya. “Huh? Sino?” “Iyong si Theo.” “Ah, anong pinag-usapan mo?”“Umm— nangungumusta lang.” “Alam niyo bang nahihirapan din ako sa sitwasyon ko.” “Nahihirapan? Saan?” tanong ni Eva. “Sa mga manliligaw ko.” “Ang haba ng hair mo bessy.. mamahqgi ka kaya minsan!" natatawang turan ni Eva. "Hoy bruha... uunahan mo pa ako! Sa akin na lang kaya bessy at hamak na mas maganda ako kay bruhita, hahaha...” sabat ni Mona habang pinaghahampas ni Eva ng dala niyang libro ito at napangiwi si Mona sa lakas ng pagkahampas nito. "Bruha naman aray ko! Ang sakit ah," reklamo niya habang hinahagod ang kanyang braso. "Buti nga sa’yo at may balak ka pang agawan ako ha,” aniya rito. "Kayong dalawa magsitahimik nga kayo at huwag niyong ipahalata ang mga kalandian niyo," saway ni Richelle sa dalawang nagtatalo. "Manang Richelle maghanap ka na rin ng jowa mo at para hindi ganitong lagi na lang kami ang napapansin mo,” pakiusap ni Mona dito. "Anyway Bessy, sino ba yang mga manliligaw mo? Huwag mo muna sagutin nang makilatis naming dalawa ni bruhita Mona," biglang tanong ni Eva rito. "Oo nga beauty sa amin na lang ang mga suitors mo at para hindi ka na malilito,”segunda ni Mona at napailing na lamang si Shane sa mga inasta ng mga kaibigan. "Naku bessy huwag kang makinig sa dalawang iyan at puro kalokohan lang ang alam."paalala ni Richelle rito. Ganito magkulitan ang mga kaibigan ni Shane na sina Eva at Mona ang laging nagbabangayan dahil magkapareho ng ugali salungat kay Richelle na dalagang Pilipina na siya lagi ang pumapagitna sa dalawa. He’s a bachelor, certified hunk and a good looking guy na kahit sinong babae ay mapapaibig at mabibighani sa kaniya. Panganay sa magkakapatid at may bunsong kapatid ito na si Venice Grace Rivera, ang kalog, makulit kikay at sakit ng ulo ng kuya nito dahil may pakapasaway but there's also sweet side na minahal ng kuya nito. Siya si Carl Vince Rivera, twenty seven years old and a successful Architect. "Venice, hindi ka pa ba tapos?" sigaw ni Vince sa kapatid na kanina lang sa kwarto at hindi pa lumalabas. "ito na kuya tapos na ako,"sagot niya rito at lumabas na din sa silid nito. "Teka, bakit ganyan ang hitsura mo? Palitan mo ‘yang suot mo at bilisan mo!"galit na saway nito sa kapatid dahil sa suot nito. Nakakunot noong sumunod at bumalik nang silid itong si Venice. Ilang minuto ay tapos ng nakapagpalit at umalis na rin sila. Umalis ang magkapatid papuntang Airport at sunduin ang kanilang magulang. Nasa sasakyan pa sila ay nangugulit na naman si Venice sa kuya nito.. "Kuya, kailan mo ba ipakilala ang girlfriend mo?" biglang tanong ng kapatid habang nakangiting hinarap nito at tiningnan lang ni Vince habang nakatutok ang mata sa daan. "Pwede ba Venice tumahimik ka muna at sino naman ang ipakilala ko ha!" inis na turan ng binata. "Kuya naman nagmaang-maangan pa, sino iyong nakita kong kasama mo kahapon?”pangungulit tanong ni Venice. "VENICE GRACE... you shut up! Malapit na tayo,” aniya. "VINCE CARL RIVERA the ultimate pikon! I love you Kuya.,"paglalambing nito. "Tsee... kung hindi lang kita kapatid at hindi lang kita mahal ay ewan ko na lang pasaway köng kapatid.."napangiting saad nito sabay pingot ng ilong nito. "Kuya naman...” "Girls, Janrey is coming... anong gagawin ko?" tanong ni Shane sa tatlo. "Bessy is that your suitor? "tanong ni Eva rito na ikinatango naman ni Shane. "Ang yummy Bessy! Pwede sa akin na lang siya," sabi ni Eva rito. "Bessy huwag sa akin mo ibigay," sabat ni Mona sa kanya. "Itong dalawa talaga wala na kayong ibang ginawa at sabihin," wika ni Richelle dito. Nang makalapit si Janrey sa kinaroroonan nila ay biglang nag-unahan ang dalawa sa paglapit dito. Napailing na lamang sina Shane at Richelle.. "Hi girls," bati ni Janrey na hindi man lang napansin ang muntikang mapasubsob ang dalawa sapagkat nagtutulakan ito.. "Hello I'm Eva, Shane's bestfriend sabay abot ng kamay rito na iniwaksi ni Mona at siyang nakipagkamay rito.." Ako pala si Mona." Napangiti na lamang si Janrey sa mga ginawa ng dalawa. Nakarating na ang dalawa sa airport at ilang minuto ay nakita na ang kanilang magulang. "Mom and Dad, how's your trip?" salubong na tanong ni Venice rito. "Great Princess kumusta naman kayo rito?" sagot at tanong ng ama nila. “We’re fine, Dad.” "Son, bakit ganyan ang hitsura mo?" alalang tanong ng ina nila. "Okay naman ako Ma, itong pasaway kong kapatid umandar na naman ang kakulitan,"sumbong nito. napangiti na lamang ang kanilang ina. “Si Kuya talaga! sumbungero,” saad naman ni Venice habang pangiti-ngiti lamang ang binata. “Oh, tama na iyan! Baka saan pa mapunta at magkapikunan kayo,” saway ng kanilang ama. Nilisan na nga nila ang Airport at tumuloy sa isang restaurant. Samantala masarap ang kanilang usapan ng may sumulpot na kinakunot noo ng dalawang sina Eva at Mona na ‘di nakaligtas kina Shane at Richelle. "Hi babe, I've been looking for you. Nandito ka lang pala sa mga cheap girls na ito,” malanding wika ni Maricel sabay tingin sa apat.. "Aba! Aba... sino naman ‘tong lintang makakapit parang mauubusan na ng lalake,” galit na turan ni Eva. "Take note, bruha. tinawag tayong cheap, sino kayang cheap sa lagay na iyan? Halos ibigay na niya ang kabuuan niya," segunda ni Mona. "Agree ako diyan bruhita at alam mo bang ang mga klaseng taong ganyan sa basura pinupulot o kaya ilublob sa kanal." asar na wika ni Eva. Hindi mapalagay ang dalawa sa nagaganap na tensyon sa pagitan ng tatlo at baka mauwi ito sa sapakan. Bago pa makapagsalita si Maricel ay hinila na ang dalawang sina Eva at Mona ng mga kaibigan nila. "Ano ba? bitawan niyo nga kami!" asik ng dalawa. "Kayong dalawa, ano ba yang pinagagawa niyo ha? Gusto niyo bang mapatawag sa guidance office?" inis wika ni Richelle sa kanila. "E, sa naiinis kami sa haliparot na iyon. feeling pagmamay-ari niya si Janrey," wika ni Mona. "Pwede ba kayong dalawa minsan makinig naman kayo, mga pasaway talaga!" saad ni Richelle "Hamak kasing mas maganda tayo sa lintang iyon,"sabay wika ng dalawa. Napailing at napabuntong hininga na lamsng si Shane. Kilala niya ang mga kaibigan kung gaano ito katatapang. Manliligaw ni Shane si Janrey pero alam niya rin na may gusto si Maricel dito. Napag-usapan na rin ng dalawa ang tungkol sa kaniya. “Mabuti pa na umuwi na lang tayo,” aya ni Shane sa kanila at tuluyan na nga silang umalis. "Girls, sa bahay muna tayo magpalamig ha! Kasi hanggang ngayon ramdam ko pa rin yung tensyon eh,” suhestiyon ni Shane sa mga kaibigan.. "Oo nga bessy... mabuti pa nang makaiwas tayo sa ganitong pangyayari," segunda ni Richelle. Umalis na nga sila at doon tatambay sa bahay nila Shane. day off ni Shane that day kaya wala siyang masyadong iisipin na trabaho sa araw na iyon. Tuwing weekend nasa palengke o nagbebenta ng kahit na ano si Shane. Iyon lang qng naisip niyang paraan para makatulong sa pamilya. Sa awa ng diyos nabalanse naman niya sng kaniyang pag-aaral. Katunayan isa rin itong iskolar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD