“Hay, girl. Buti naman at pinalipat mo ako sa night shift. Know what, ang papangit na ng mga nurse na nasa morning, kasi wala na tayo.” At tumawa pa muna si Danilo bago sumubo ng pagkain. Ni hindi ngumiti si Ursula at nanatiling may tinitingnan sa gawing kanan nito, habang patuloy na pinaglalaruan ng kutsara ang kaning walang bawas. Alas diyes na ng gabi at ngayon pa lang sila maghahapunan. Nagkaroon kasi ng kaguluhan kanina. Sinugod sila ng isang kamag-anak na pinalabas na nila kahapon. Ang kaso, hindi pa raw iyon tuluyang magaling kaya ibinalik. Ang siste, nagwala ang pasyente dahil ayaw nang bumalik sa kanila. May multo raw sa kuwarto nila. Halos isang oras rin nilang kinausap iyon bago tuluyang pumayag. “Hoy!” At dinunggol ni Danilo ng tinidor ang pisngi ni Ursula. Pabiglang tinabig