PROLOGUE

316 Words
Blangko ang reaksiyon ni Ursula habang nakatingin sa naghaharutang Doktor at ang girlfriend nitong si Diana, habang mahigpit na kipit sa harapan ang records na mga pasyente. “Hoy! Baka naman matunaw sila sa pagtitig mo. Ay hindi pala, baka naman bumulagta na lang silang bigla sa sobrang tingin mo. Kawawa ang Hospital ni Lola kung mawawalan tayo ng guwapong Doktor.” Nakasimangot na hindi nilingon ni Ursula si Danilo. Sa kanang tainga niya ito bumulong, bulong na may kalakasan. “Bakit ko naman sila titingnan ng sobra?” Patay-malisyang kinuha niya ang juice in can sa kamay nang nagulat na si Danilo at basta na lang tumungga habang nanatiling nakatingin sa dalawang sweet na sweet. “Akin ‘yan! Oo nga pala, pinapatay mo sila ng tingin.” Inagaw na muli ni Danilo ang lata ng juice at inalog-alog, pero wala na iyong laman. Inis na itinapon na lang niya iyon sa basurahang nasa gilid. At itinulak na ang maliit na cart na pinaglalagyan ng mga gamot ng mga pasyente. Nauna nang maglakad si Ursula at nakairap na nilagpasan na lang ang makakasalubong na magkasintahan. “Mamatay na sana siya,” mahinang bulong niya at diretso ang tingin habang marahang naglalakad. Naglalaro sa isip ang babaeng maputla na nakabulagta sa daan, na hit and run… patay! “Sino ang mamatay na sana?” Natigil ang tangka sanang pagbubukas ni Ursula ng pinto sa unang mga pasyenteng kanilang paiinumin ng gamot. Nakataas ang kilay na nilingon ang kaibigan. “’Yung feelings ko, sana mamatay na.” At pabiglang binuksan niya ang pinto, sumilip muna sa loob bago pumasok na rin. Tsinek naman ni Danilo ang oras na nasa bisig. “Ikaw! Kapag mga ganitong alas tres kinse ng hapon, waley ang mga hugot mo, ‘te.” Napapailing na sumunod na lang ito kay Ursula habang tulak-tulak ang mini cart ng mga gamot. jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD