❀⊱Remy's POV⊰❀ Kauuwi lang namin galing sa pag-shopping. Ang daming pinamili sa akin ni Diego samantalang hindi ko naman magagamit ang lahat ng ito. Kahit na anong tanggi pa ang gawin ko ay hindi naman siya nakikinig sa akin kaya hinayaan ko na lamang siya na gawin ang gusto niya. "Ang gaganda ng mga damit natin beshie, pati itong mga sapatos. Alam mo ba na ngayon lamang ako nagkaroon ng ganito kagagandang mga gamit, hindi ako makapaniwala na hawak ko ito ngayon," ani ng aking kaibigang si Leng. Napatingin naman ako sa kanya, napangiti ako dahil nakikita ko sa kanyang mga mata ang labis na kasiyahan. Totoo ang sinasabi niya, ngayon lamang kami nagkaroon ng ganitong klase ng mga damit at sapatos. Ang halaga ng mga ito ay hindi ko yata kayang kitain. Sobrang ganda ng mga ito at talagang p