YUA’S POV Hindi ko alam ilang oras ang tinambay namin sa lugar na ‘yon hanggang sa napagdisisyunan na naming umuwi. Hinatid nya ako sa bahay at nang tuluyan na syang makapagpaalam ay pumasok na ako sa loob. Napahinto naman ako ng bigla akong salubungin ng tingin nila kuya. Para silang sila mommy at daddy kung umasta. May mali ba akong nagawa at ganyan silang dalawa sa ‘kin. “Sa’n ka galing?” Kuya Yuri ask at ang seryoso ng mukha nya. “Bakit ngayon ka lang?” Kuya Yohan at tumingin sa orasan. “Alam mo bang alauna na ng madaling araw?” Napabuntong hininga ako sa kanilang dalawa at hindi na lang sila pinansin saka ako umak’yat sa taas. Naririnig ko pa ang sinasabi nila pero hindi na ako nag-atubili pa na pankinggan ‘yon. Sa ngayon ay gusto kong matulog at magpahinga na. Pero bumabagabag