YUA’S POV Huminto ako sa isang park at saka umupo sa isang tabi. Habang tahimik na pinagmamasdan ang lahat ay naalala ko ang mukha ni Daddy. I mean, my real dad. As of now I don’t know kung paanong sasabihin sa sarili kong ayos na ang lahat at past na ‘yon. Mga alaalang nakalipas na pero hindi parin ako tinatantanan. Napabuntong hininga ako at saka tahimik na pinagmamasdan ang lahat. Hindi ko alam kung ilang minuto akong nando’n hanggang sa biglang dumating si Azi. Nakaharap sya sa ‘kin at nakapamulsa pa. Iisipin kong para ko syang tatay at kailangan kong magpaliwanag kung bakit ako nandito ngayon at anong ginagawa ko. “Why are you alone?” he asked. “Because I want.” Umupo sya sa tabi ko saka ko sya narinig na bumuntong hininga. Med’yo maganda ang araw at hindi gano’n kainit o kal