YUA’S POV Sumapit na ang gabi na pinakahihintay ng lahat. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin saka ko pinalabas ang mga maids. Tumayo na ako saka sinuot ang high hills kong black at saka muling tumingin sa salamin. Lumabas na ako ng k’warto at saka ako bumaba. Nando’n na rin pala sila Yesha, Mirai, at Azi. Nakahanda na rin sila kuya Yuri at Kuya Yohan. Ang g’wapo nila at talagang nangingibabaw. Nakatingin silang lahat sa ‘kin na para bang isa akong diwata sa isang palabas. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa pagtitig nila o maasiwa ako. “Waw,” hindi makapaniwalang sabi nilang lahat. Nangunot ang noo ko at ng tuluyan na akong nakababa ay mabilis na lumapit sa ‘kin si Azi. “Lahat ay aking gagawin, maabot ka lang, oh, aking bituin.” “Crazy,” sabi ko saka naunang maglakad. “Wait