BHELLE: MABAGAL lumipas ang mga araw. Sobrang hirap sa aking hinaharap ang paglipas ng mga sandali dahil si Tyrone lang ang naiisip ko. Kahit ilang araw pa lang ang nakakalipas noong umalis ito ay parang taon na sa akin. Wala kasi kaming communication ni Tyrone. Wala naman kasing signal ng cellphone dito sa amin. Saka lang nagkakaroon ng signal ang cellphone ko kapag nasa bayan ako. Kung saan nagtatrabaho kay mayor bilang secretary nito. Pero dahil nasa bakasyon sila ngayon ng pamilya niya ay nakatambay lang ako dito sa bahay. "Anong problema, Bhelle? Ang lumbay mo naman yata?" ani Nanay na mapansin ako. Nasa sala kasi ako. Nakapangalumbaba sa bintana at pinapanood ang mga dumaraang tao sa tapat. Nagbabaka sakaling magkaroon ng milagro at maligaw si Tyrone dito. Kahit na suntok sa buw