BHELLE: LUMIPAS ang mga araw na naging masaya ang pagsasama namin ni Tyrone kasama ang buong pamilya ko. Hindi naman kami minamadali nila Nanay at Tatay tungkol sa pagpapakasal namin. Napag-usapan na rin kasi namin ni Tyrone na dito magpakasal sa probinsya. Pero hindi pa sa ngayon. Sinasamahan ko si Tyrone sa sakahan. Katuwang siya ni Tatay na nagtatanim ng mga gulay. Nasa kubo lang naman ako na pinagluluto sila ng meryenda at pananghalian. Ang mga kapatid ko naman ay nag-aaral habang si Nanay ay nagtitinda sa palengke. Minsan ay sa palengke kami nagpupunta ni Tyrone. Mabilis nga kami makapag paubos ng tinda sa tuwing kasama ko si Tyrone dahil dagsaan ang mga mamimili. Minsan ay nagseselos ako dahil kilig na kilig sa kanya ang mga kasamahan namin sa palengke at maging mga costumer na