Autumn Watson POV...
Nandito na kami sa Berlinya at lungsod pala toh akala ko baryo.
"Tara." Sabi niya. Di ko pamilyar ang lugar na ito. Nagtitingin tingin ako sa paligid ng may nakita akong isang poster doon na isang bata.
' Sofia Madrigal, 7 years of age, nakatira sa **** village, at nawala siya noong April 1, 20**.
Kung sino ang nakakita sa kanya tumawag sa no#. 0909*******. Magbibigay kami ng multa sa makakahanap sa kanya.'
"Ano yan?" Sabi ni Liz.
"Nawawalang bata at 15 days nang pinaghahanap ha. Ano na kayang nangyari." Sabi ko.
"Di natin alam." Sabi niya. Napabuntong hininga nalang ako.
Kawawa naman ang mga magulang niya... nagpatuloy nalang kami sa paglakad.
"Alam mo ang lugar na ito." Tanong ko kay Liz. Tumango siya.
"Oo dito kasi kami namamasyal para bumili ng mga prutas noon." Sabi niya. Napatango nalang ako. At lumakad na kami hanggang makaabot kami sa mall. Gusto kasi naming magpalamig ang init kaya sa labas. Pumunta kami ng 4th floor.
"Saan kaya mahahanap ang ibang Deadly Royal." Tanong nito. Humarap ako sa kanya at ngumiti.
"Wag kang mag alala mahahanap din natin sila." Sabi ko sa kanya.
Miss ko na din sila noh.
"May nagaaway sa baba!" Sigaw nung mga tao.
"At mukhang mga armadong tao pa!" Sigaw nung iba. Agad naman kaming tumingin sa baba ng mall. Ayun nga nakikita ko na ang may hawak na armas yun pa ang demonyo. Nag uprade na ba ang mga demonyo papuntang level 5? De armas na eh.
At ang kalaban nito ay isang engkanto. Wew... dito pa talaga sa maraming tao ha.
"May kakaiba sa kanila, Athena." Sabi ni Liz. Mukhang di niya madyado makita kung ano sila.
"Isang Demonyo at isang engkanto. Dito ka lang pagsasabihan ko lang sila na sa labas lang sila. Okey?" Sabi ko sa kanya. At tumalon na ko galing 4th floor. At hinarap ko sila.
"Uhmm... hello po pwede po ba sa ibang lugar po kayo? Marami pong madadamay na tao dito. Doon kayo sa africa wala masyado tao o sa disyerto nalang kayo para magwalaan kayong dalawa." Sabi ko sa kanila.
"Walang hiya! Sinira mo laban namin!" Sabi nung demonyo. Ako pa ang may kasalanan?
"Nagmamalasakit lang naman po ako sa inyo." Malungkot na sabi ko.
"Di mo ko madadaan sa palungkot lungkot mo!" Sabi nung Demonyo. Susuntukin sana niya ako nang bigla siyang lumipad nang hindi ko man lang sinuntok? Pati yung Engkanto nawala nalang bigla.
At nakaramdam ako ng taong nakayakap saakin.
Pamilyar ang amoy niya.
"Sinong may gawa nun! Ikaw ba!" Sigaw nung demonyo.
"Ako nga." Nanlaki ang mata ko sa boses na narinig ko. Siya nga!
At bigla nalang nawala siya sa pagkakayakap saakin at napunta sa kalaban at sinuntok agad.
Ayun patay at nawala nalang na parang bula.
Napatingin ako sa likod niya. Siya nga.
At unti unti siyang tumingin saakin. At nakikita ko ang pokerface niyang mukha. Alam ko na yan ang makikita ko. Bigla siyang ngumiti.
Bigla nalang tumulo ang luha ko at tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya. Yung yakap na buhat na niya ako.
"Zeus, mabuti nakita na kita!" Iyak kong sabi.
"Shh... i'm here. Don't cry." Sabi niya.
"Mukhang kailangan na nating umalis dito."sabi niya. Nang naalala ko si Liz.
"Teka, kasama ko ang prinsesa."sabi ko at tumingin sa taas. Nandun pa siya.
Bigla kaming nagteleport at inihinto ko ang oras at hinawakan si Liz at nagteleport ulit.
Kay Zeus yung teleportation ha. Nakarating kami sa isang bahay... i mean mansyon na di ko masyado kilala.
"Kanino toh?" Sabi ko sa kanya.
"Mine." Sabi niya. Sa kanya toh?!
"Uhmm..." napalapit si Liz saakin.
"Ah... Liz, siya si Zeus ang Leader namin." Sabi ko sa kanya.
"Princess Elizabeth, i'm Zeus ang humawak ng Dragon Creast." Pagpapakilala nito.
"Nice to meet you, Zeus. Call me Liz." Sabi niya. Tumango lang ito at tumingin saakin.
"Mukhang sumusugod muli ang mga kalaban." Sabi niya. Tumango ako.
"Oo, at nung una target nila si Liz." Sabi ko.
"I know that... noon pa." Sabi niya.
"Kailangan nating mahanap ang iba." Sabi ko sa kanya. Tumango siya.
"Uhmm.. ano... pasensya na kung prino problema niyo ako." Nahihiyang sabi ni Liz. Ngumiti ako at lumapit sa kanya.
"Wala yun... binuhay kami para protektahan ang Royal Family." Nakangiting sabi ko. Nakayuko naman siya.
"Salamat." Sabi niya.
*tumunog ang tyan*
Nagkatinginan kami at napakamot nalang ako sa batok ko.
"Pasensya na. Hehehe." Natawa nalang si Liz habang si Zeus napailing.
"Sumunod kayo saakin." Sabi niya at sumunod nalang kami ng makarating kami sa hapagkainan ang daming pagkain!
"Woah!" Di ako makapaniwala sa nakita ko.
"Eat all you can." Sabi niya.
"Chibugan na!" Sabi ko at inatake ang mga pagkain.
Forward...
Elizabeth POV...
Nakatulog ng maaga si Athena dahil sa pagkabusog. Magkaiba kami ng higaan ni Athena pero magkatabi lang ang kwarto namin. Dahil di ako makatulog lumabas muna ako at pumunta sa kusina para uminom ng tubig ng...
Makita ko si Zeus na nagbabasa ng libro. Di ako makapaniwala na dalawa na ang nahanap namin at ang cool din niya sa personal feeling ko noh iba ang titig ni Zeus kay Athena... baka may something sa kanila...
"I know your there." Nagulat ako dahil nagsalita siya.
"Ahmm.. pasensya na kung nakaestorbo ako sa ginagawa mo." Sabi ko sabay bow.
"It's okey." Malamig na sabi niya.
Ang awkward naman sa position namin ngayon.
"About kay Athena... nung nagkita kayo anong nakita mo sa kanya?" Sabi niya saakin.
"Ha... si Athena... ang nakita ko sa kanya isa talaga siyang mabuting tao at nung may may mga problema ako parate niya akong chenecheer. Tapos mahilig siyang tumulong sa ibang tao mahirap man ito o mayaman. Tapos parate ka niyang kinukwento saakin at miss na miss ka na daw niya." Sabi ko sa kanya. Nakita ko na nakatingin lang siya saakin. Nakikinig sa pinagsasabi ko.
"She miss me a lot?" Sabi niya. Tumango ako.
"At nung isang gabi narinig ko siyang tahimik na umiiyak at nakatingin sa langit habang sinasabi ang pangalan mo." Sabi ko.
"Hmm... ganun." Sabi nalang niya.
"Kumusta ang hari ngayon." Pagiiba niyang sabi. Nalungkot ako at napayuko.
"I see... and your brother. I hear nasa puder siya ng mga giants." sabi niya. Nanlaki ang mata ko mga Giants?!
"Bihag ba siya doon?!" Kinakabahang sabi ko.
"I don't know." Sabi niya.
"Sana po mailigtas niyo po siya." Sabi ko sabay bow. Ang kuya ko...
"You remember what Athena told you? She say the 8 Deadly Royal was born to protect the royal family." Sabi niya. Tama siya.
"Magpahinga ka na." Sabi niya sabay tayo at lumakad na.
Napayuko nalang ako.
Autumn/ Athena POV...
Dahil sa may naramdaman akong may tumabi saakin napamulat ako at nakaramdam ako ng may braso akong inunan ko at napatingin ako sa kanya sa likod nakita ko ang gwapo niyang mukha.
Nagulat ako. Nagulat ako ng yakapin niya ako. Ang bango naman!
"I miss you too, My Athena." Sabi niya na kinangiti ko.
"Zeus..."
"I'm sorry di kita hinanap at ikaw pa ang humanap saakin. May ginawa pa kasi ako." Sabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit di ko na alam ang nararamdaman ko sa kanya. Hindi na toh pangfriend na feeling...
Ito na ba ang tinatawag nila na love?
"Ano ba yang ginagawa mo?" Sabi ko sa kanya.
"Basta... dito muna kayo. Okey?" Sabi niya. Di ako sumagot bukas susundan namin siya.
"Matutulog nako, Good Night Zeus." Sabi ko. Feel ko napangiti siya at hinalikan ako sa noo.
Dubdubdub...
Kinabukasan...
Kakaalis lang ni Zeus at mukhang pupunta siya sa school di man lang ako sinama.
"Nahanap ko na!" Napatingin ako kay Liz. Nakahanap siya ng uniform na pinapasukan ni Zeus ngayon.
"Teka, paano kaya siya nagkaroon ng uniform na pambabae? Di kaya..." Nagtitigan kami ni Liz.
"Na misunderstanding ka lang Athena. Kinuha ko lang ito sa sampayan nakita ko kasi kanina nakabilad." Sabi niya. Napahinga naman ako ng maluwag.
Sinout na namin mabuti naman at nakahinga ako ng mabuti.
"Let's go!" Mabuti alam ni Liz kung saan ang papasukan naming school.
Mukhang di kami makakapasok dahil may mga guards. Di naman siguro bawal ang gumamit ng po... malalaman yun ni Zeus. Hay ano kaya gagawin namin?
"Anong gagawin natin?" Sabi niya. Napatingin ako sa gilid may pader kung tatalon nalang kaya kami?
"Doon." Sabi ko at sumunod siya saakin.
At kumabit siya sa likod ko at tumalon kami papasok at mabuti walang tao sa tinalunan namin papasok.
"Ang laki pala."sabi ko.
"Tara." Sabi niya at tumakbo na kami hanggang sa makita namin si Zeus. Busy sa pagbabasa at mukhang nag aaral talaga ha. Hay.. ito ba ang sinasabi niya na gagawin niya?
Lunch break...
Sinundan namin siya nang... may humarang sa nilalakaran namin.
"Bakit kayo sumusunod kay Prince Tyrone?!" Nakapamewang na sabi nung babae.
"Uhhmm... hindi tyrone ang name ng sinusundan namin. Na misunderstanding atah kayo." Paliwanag ni Liz. Mukhang iniba niya ang pangalan niya dito. Gaya ko.
"Anong na misunderstanding? Eh siya lang ang tao doon sa sinusundan niyo!" Sabi nung isa.
Napatago sa likod ko si Liz.
"Wag naman kayong sumigaw." Sabi ko sa kanila pero in a childish way.
"Mukhang baguhan kayo dito. Wag kayong bumabangga saamin!" Sabi nung babae. Nakita ko na may mga b***l silang dala. Paano sila nagkaroon ng ganyan?
Bruh!
"Hindi naman kami bumabangga sa inyo kayo ang biglang pumagitna saamin." Sabi ko sabay tingin sa likod hala nasaan na siya?
Hinawakan ko ang kamay ni Liz.
"Kayo!" Aatake sana sila nang tumakbo ma kami ng napakabilis.
Hanggang makarating kami sa isang puno at nagpahinga doon. Hinihingal naman si Liz.
"Huhuhuhu..." napatingin ako sa gilid ko. Sino yun?
"May narinig kabang umiiyak, Liz?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi." Sabi niya.
Napaisip ako sino kaya yun?
'Huhuhu'
Nanlaki ang mata ko kasi nasa taas sya ng puno.
"Bata, bumaba ka dyan baka mahulog ka." Sabi ko sa bata.
"Sinong kinakausap mo jan, Athena" sabi ni Liz.
"Paano mo ko nakikita?" Sabi nung bata. Don't tell me?
"Multo ka?" Tanong ko sa bata.
Napatingin si Liz sa taas. Agad siyang napatago sa likod ko.
"M-multo..."
Bumaba ang bata sa puno at tumingin saakin.
"Nakikita niyo ako?!" Masayang sabi nung bata.
"Oo." Sabi ko.
"Bakit ka nandito? Diba nasa heaven ka na?" Sabi ko sa kanya.
"Dahil sa dito ako inilibing at di ko alam kelan ako pinatay?" Sabi niya.
"Pinatay... ibig sabihin... pinatay ka mismo dito at inilibing."sabi ko.
"Maybe... nakakalungkot di ako pinansin ng mga tao dito. Pero may isang lalaking nakatingin saakin di ko alam kung nakikita niya ako o hindi." Sabi niya.
Eh? Di kaya si Zeus yun?
"Gusto ko ng hustisya."sabi niya.
"Anong pangalan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Sa pagkakarinig ko ako si Sofia." Sabi niya. Sofia... pamilyar ang mukha niya.
"Oh... Ako nga pala si Autumn at ang kasama ko si Elizabeth." Sabi ko.
"Hello..." sabi ni Liz habang nakatago padin sa likod ko.
"Tutulungan natin si Sofia." Sabi ko sa kanya.
"Ha? Paano si Zeus... nasaan na yun?" Sabi ni Liz.
"Mamaya na siya. Makikita rin naman natin siya sa bahay i mean mansyon niya." Sabi ko at lumapit sa bata at lumuhod para magkaheight kami.
"Alam mo napakapamilyar mo... saan nga kita nakita... ah! Tama ikaw tung nasa poster yung nakita ko sa may poste. Sofia Madrigal tama." Sabi ko tumango siya.
"Alam mo naghahanap ang mga magulang mo sayo." Sabi ko. Bigla siyang umiyak. Kaya niyakap ko nalang siya.
"Wag kang mag alala... tutulungan ka namin." Sabi ko sabay ngiti.
"Salamat po kahit ngayon lang niyo ako nakilala tinulungan niyo po ako. Pero parang feeling ko di lang po kayo isang ordinaryong tao dahil parang may espesyal po kayong kakayahan nararamdaman ko po yun... kung hahanapin niyo po ako nandito lang po ako." Sabi niya. Tumango ako at nagpaalam na kami kailangan naming makalabas dito at umuwi. May gagawin pa kaming mission.
Sana matulungan namin ang kaluluha niya bago kami lumisan.
Sana....
********
LMCD