Princess Elizabeth POV...
Maaga kaming naglalakbay, napakasaya ko nahanap ko ang ikalawang Deadly Royal. Akala ko kinatatakutan talaga sila pero parang normal lang naman siyang kasama.
"Waaaa!! Fish ball! Kain tayo!" Parang bata niyang sabi. Teka fishball? Ano yun?
Tumango nalang ako at sumunod sa kanya at bumili siya ng tig sampo kami. Wala namang masama kung kakain kami at kinain ko na at nanlaki ang mata ko ang sarap nga!
Natutuwa kaming kumain hanggang sa nabusog.
At bumili din siya ng buko juice at umupo kami sa may bench.
"Uhmm... bakit ka nga pala napadpad dito?" Sabi niya saakin. Oo nga di ko pa nasabi sa kanya.
"Ganito kasi yun..."
Autumn Watson POV...
"Ganito kasi yun... nung sinakop ng mga demonyo ang palasyo namin tumakbo kami ni Kuya palayo sa palasyo ng bigla kaming hinarang ng mga bandido at pinatakas ako ni kuya at siya ang humarap doon ng di ko napansin may bandido din sa harapan ko at tinakpan ang ilong ko ng pampatulog kaya ayun pag gising ko nandito nako sa lugar niyo at tumakas ako sa kanila." Sabi niya. Napatango nalang ako.
"Ganun... wag kang mag alala ililigtas natin ang kuya mo at babawiin natin ang palasyo sa mga sumakop nito."sabi ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango.
"Uhmm ikaw anong kwento mo noon? Paano ka nasali sa 8 Deadly Royals?"sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
"Ah.. yun ba? Nasa dugo na namin yun at kailangan kaming mahanap ni Zeus at sa madali lang niya akong mahanap kasi magkababata na kami at siya lang ang kaibigan ko noon dahil sabi niya. Sabi kasi niya di ako pwedeng magtiwala sa di ko pa talaga kilala baka kung ano daw mangyari saakin kaya ayun sa kanya lang ako nakikipag laro at nakikipag usap." Kwento ko sa kanya. Nakatingin lang siya saakin.
"Pagkatapos nun nung tumungtong kami sa edad na 18 pinayagan kaming maglakbay at hanapin ang ibang myembro ng 8 deadly royals. Alam na kasi ng mga magulang namin ang tungkol doon dahil yun daw ang nakasulat sa libro ng langit." Tumango tango lang siya.
"Libro ng langit, nakita ko na yun. Nandun yun sa palasyo. Mabuti nakatago yun at di mahahanap ng iba."sabi niya.
"Hmm... sana walang makakita nun." Sabi ko nalang. Naglalakad na kami. Lilibutin kasi namin lahat ng bayan baka makita namin ang isa sa mga kasama ko.
Nang napahinto kami sa isang bayan.
At nakita namin ang raming tao at parang may tinitingnan sila kaya tiningnan din namin yun.
At yun pala yung malaking batong nakaharang sa daluyan ng tubig nila.
"Paano tayo ngayon. Kahit pagtulungan natin yan di parin siya natatanggal!" Iyak nung isang babae sa gilid.
"Hindi tayo susuko! Kung nandito lang ang 8 Deadly Royals tutulungan na nila tayo agad!" Napatingin kami sa batang babae.
"Mga traidor yun! Hindi mo dapat sila inaalala!" Sabi naman nung isa.
"Alam ko na di nila yun magagawa at yun ang sinabi ng lola ko saakin!" Sabi pa niya.
"Sabing wag mo silang ipagtanggol!" Sasampalin sana siya ng isang lalaki kaya madali ko itong nakuha agad. At tumakbo kami hanggang makarating sa isang parke.
Umiiyak siya.
"Bakit?" Sabi ko sa kanya.
"Di parin sila naniniwala sa sinasabi ko. Diba agree kayo doon?" Sabi niya. Tumango naman kami.
"Naniniwala ako sa mga sinasabi ni Lola saakin. Nakita daw ng lola niya ang mga magagandang nagawa ng 8 deadly Royals sa kanila pero binilog ng mga demonyo ang utak ng mga tao kaya ganun." Paliwanag niya. Napangiti ako at pinat ang ulo niya.
"Napakatatag mong bata at alam mo may kinabukasan kang ikahaharap balang araw... kung makita mo ang isa sa mga myembro ng 8 Deadly Royal anong gagawin mo? Teka ano nga pangalan mo?"tanong ko sa kanya. Napatingin siya saakin.
"Ako po si Misty, at sa tanong po niyo magiging masaya ako at sasabihin ko sa kanila na idolo ko sila." Sabi niya at nakikita ko talaga ang mga pag asa sa mga mata niya.
"Pero... walang maniniwala saakin dito sa bayan namin." Sabi niya.
"Alam ko na maniniwala sila sa sinasabi mo pero ang sa kanila lang gusto nila na may ebidensya ka na ipapakita sa kanila." Sabi naman ni Liz sa kanya.
"Pero wala ako nun..." malungkot niyang sabi. Napatingin naman si Liz saakin.
Napangiti ako at inakbayan siya.
"Alam ko na magkakatubig ulit kayo. Wag kang susuko keep fighting lang." Sabi ko. At tumango siya at tumakbo pabalik kung saan ang malaking batong nakaharang sa panubigan nila.
Napangiti nalang kami at sinundan siya hanggang pagkarating namin doon nakita namin na pilit niyang tinutumba ang bato.
"Tama si Misty, kaya natin ito!" Sabi ng mga tao at nagtulungan na sila.
Tiningnan ko lang sila.
"Athena..." sabi ni Liz saakin.
Napangiti ako sa kanya. Ilang minuto nilang tinutulak ang bato ng biglang naputol ang lubid na kanilang hinihila. At sabay silang napabagsak sa lupa habang hinihingal.
Lumakad nako at pumunta sa kung saan nakahiga si Misty habang hinihingal.
"Ang tatag mo talaga." Sabi ko at nalungkot naman siya.
Tumayo ako at lumapit sa malaking bato isang kamay ko itong binuhat.
"Hmmm... mukhang magkakatubig na kayo." Nakangiting sabi ko. Bigla nalang sumabog ng tubig ang balon kaya ayun nagsaya sila dahil may tubig na sa kanila.
"May tubig na!" Sabi nila.
"P-paano mo yun nagawa? Sino ka ba talaga?" Di makapaniwalang sabi ni Misty.
"Ako? Ako lang naman si Autumn Watson isang manglalakbay." Sabi ko.
"Pero may kapangya..."
"Tingnan mo oh." Sabi ko sabay turo sa mga tao sa likod niya.
"Pasensya na Misty sa ginawa namin." Sabi nung isang lalaki yung muntik na siyang sampalin kanina.
Bigla nalang umiyak si Misty at umiling.
"Kalimutan niyo na po yun." Sabi niya at yumakap siya sa mga tao.
"Mukhang wala dito ang hinahanap natin. Alis na tayo dito." Sabi ko kay Liz. Tumango lang siya at tumalikod na kami.
"Teka!" Napahinto kami at tumingin sa kay Misty.
"Salamat sa ginawa niyo, sana magkita ulit tayo!" Sigaw niya. Ngumiti kami at nagwave sa kanya.
"Sa susunod muli, Misty." Sabi ko. At lumakad na kami.
"Di nako makapaghintay sa susunod na paglalakbay natin." Sabi ni Liz. Tumango ako sa sinabi niya
"Teka saan ang susunod?" Sabi niya.
"Sa... Berlinya ang susunod!" Masayang sabi ko.
"Diba doon ang sinasabi nila na may isang lalaking napakalakas doon at kinatatakutan ng lahat?" Sabi pa ni Liz. Napaisip ako.
"Talaga? Meron? Sino kaya yun?"
"Uhmmm... magpahinga muna tayo. Gabi na eh." Sabi ni Liz. Tumango ako at tumuloy kami sa isang patulugan dito.
"Matulog ka na. Mamamasyal lang ako dito sa lugar na ito." Sabi ko sa kanya. Tumango siya at lumabas nako at ang ganda pala ng lugar na ito. Ibang baryo toh ha. Magkatabi lang ang baryo kanina at itong baryo na kinatatayuan ko ngayon.
Nakita kong masaya ang mga tao sa paligid ko at nakakita ako ng mga may sumasayaw sa gitna.
Sa paglalakad ko biglang may bumangga saakin.
"Ay pasensya na." Sabi niya at napatingin ako sa kanya.
Natulala lang siyang nakatingin saakin.
"Bakit?" Sabi ko.
"Ah.. wala." Napakamot siya sa batok. Napangiti nalang ako.
"Sige.." aalis sana ako.
"Teka." Napatingin ako sa kanya.
"Bakit?" Sabi ko nakayuko siya habang nakakamot sa batok.
"Uhmm... Zack pala." Sabi niya saakin. Napangiti ako at tinanggap ang kamay niya. Nakipag shake hands eh.
"Autumn." Sabi ko.
"Uhmm.. bago ka ba dito? Ngayon lang kasi kita nakita dito." Sabi niya.
Tumango ako.
"Oo, naglalakbay kasi kami eh." Sabi ko.
"Pwede kitang ipasyal sa aming baryo." Sabi agad niya. Mukhang mabait naman siya kaya napatango nalang ako.
"Salamat."sabi ko sa kanya.
"Tara." Sabi niya at lumakad na kami.
Inilibot niya talaga ako sa boung bayan ang saya niyang kasama at pinakain na rin niya ako. Kahit ngayon lang kami nagkita mukhang nakilala ko na siya noon. Saan nga ba?
"Alam mo... kamukha mo talaga yung kaibigan ko noon." Sabi niya. Tumingin lang ako sa kanya.
"Kaibigan?" Sabi ko.
"Oo... pangalan niya ay Athena." Sabi niya. Napatingin ako sa kanya.
Don't tell me siya si Zack na prinsipe ng mga fairies.
"Matalik ko siyang kaibigan. Alam mo magkaugali kayo pero... nawala siya na parang bula dahil sa napagbintangan sila ng grupo niya kahit di nila kasalanan. Alam mo noon walang pumapansin saakin at lahat sila tinatawag akong walang kwentang prin... tao." Sabi niya. Ang laki ng pinagbago niya.
"Ikwento mo saakin ang nangyari sa inyo noon."nakangiting sabi ko.
"Uhmm..."
"Diba mas maganda ikwento ang buhay mo sa di mo kilala. Lahat alam ko naman na di ka ordinaryo. Special ka." Sabi ko sa kanya.
Tumingin siya saakin. Naalala ko noon nung kaarawan ng hari noon kompleto pa kaming walo.
Flashback... 50 years later...
Sa kaharian ng Antasya...
Nagsaya ang lahat dahil sa kaarawan ng hari lahat ay imbetado mapa gods, demigods, fairies and etc except sa devils.
Nagsaya noon at kompleto pa kaming mga Deadly Royals.
"Gusto ko ng cake!" Parang bata kong sabi kay Zeus. Napabuntong hininga siya at kumuha ng isang slice ng cake at binigay saakin.
"Yehey! Salamat Zeus!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.
"Isip bata talaga." Sabi nalang niya. Sabay pat sa ulo ko.
"Yoh, mukhang mabubusog ako nito ha!" Masayang sabi ni Poseidon. Tumango lang si Apollo. Si Poseidon ay normal lang ang ugali niya.
"At ang daming chicks dito pre!" Sabi ni Apollo sabay akbay kay Ares. Si Apollo one hundred percent babaero.
"Oo, marami sigurong mga magkakagusto saakin at mukhang di ka nila trip ngayon, Apollo." Kalmang sabi ni Ares. Si Ares kasi Kalma magsalita pero nagjo joke na siya nun.
"Ano!" Mag aaway na sana sila ng biglang lumabas si Artimis at kinontrol si Apollo para di masuntok si Ares.
"Waaa! Ano ba... ay hello Artimis mas lalo kang gumanda ngayon ha." Pangsesedus ni Apollo kay Artimis pero isang batok ang natanggap niya kay Artimis.
"Ikaw babaero ka wag na wag mo kong idamay sa kabaliwan mo gusto mo matusok ng pana ha." Pananakot niya kay Apollo. Parang bata namang napailing so Apollo. Kawawang Apollo. Napatawa nalang ako at agad naman akong niyakap ni Artimis.
"Ang cute mo talaga Baby Athena. Heto may dala akong cake para sayo." Masayang sabi ni Artimis.
"Waaa! Salamat." Sabi ko sabay kuha ng cake.
Napatingin kami sa may pintuan magkasama sina Hades at Hera. Nagkasama ang tahimik at misteryosong mga nilalang.
"Kumain ka ng cake Hades, gusto mo?" Sabi ni Apollo sabay bigay ng cake. Tiningnan lang ito Hades at bigla nalang napatago si Apollo sa likod ni Zeus.
Sa takot niya siguro. Kinuha ko ang dalawang cake at lumapit sa kanila. Nginitian ko silang dalawa at napangiti naman sila at kinuha nila ang cake.
"Ang unfair naman! Mabuti pa si Baby Athena tinanggap ang cake na binigay niya pero saakin hindi." Napapout naman si Apollo. Natawa nalang kami sa inasal niya parang bata kagaya ko.
Napatingin ako sa labas ng bintana may nakita akong lalaking nakaupo doon mukhang nahihiyang pumasok. Kaya umalis ako na hindi nila nalalaman.
At lumapit ako sa lalaking nakaupo sa may sanga puno.
"Hello." Tawag ko sa kanya nasa baba kasi ako.
"Huh..." mukhang nagulat ko atah.
"Bakit ka nandyan? Nasa loob lahat ang mga bisita at ang lamig dito bakit ka nasa labas?" Sabi ko sa kanya.
"Nahihiya ako." Sabi niya saakin.
"Nahihiya? Wag kang mahiya. Be yourself and nobody judging you. Trust me." Sabi ko sa kanya.
Napangiti siya at bumaba sa sanga.
"I'll try." Sabi niya at ngumiti ako.
At pumasok na siya at ako nagpahuli ng pasok. Napangiti akong tiningnan siya sa may bintana nakikisalamuha na agad siya at simula doon naging magkaibigan na kami.
End of flashback...
"Kung makita mo uli siya anong gagawin mo?" Sabi ko sa kanya. Napatingin siya saakin.
"Yayakapin ko siya. At sasabihin na miss na miss ko na siya." Sabi niya.
Di ko muna sasabihin sa kanya baka mas lalo niya akong mamiss. Hahaha...
"Uhmm kailangan ko nang umuwi. Sana magkita pa tayo sa susunod. Aking bagong kaibigan."sabi ko at tumalikod na sa kanya.
"Paalam hanggang sa muli, Autumn." Sabi niya at bumalik nako sa tinutuluyan namin ni Liz at nakita ko na tulog na tulog talaga siya
At tumabi ako sa kanya ng higa malaki naman ang higaan eh.
Sana makahanap din siya ng maraming kaibigan para di lang ako ang mamiss niya.
Hanggang sa makatulog nako.
I miss my group...
Sana makita ko na sila..
*****
LMCD