Chapter 5

2492 Words
Athena POV... Ang susunod na pupuntahan namin ay ang lungsod ng Diwon. *Yawn* Inaantok pa ako. Ang tagal naming natulog dahil sa pumunta kami sa kung saan inilagay si Sofia at nakiramay kami doon para sa kanya. "Athena." Tawag saakin ni Liz. Ngumiti lang ako at tumingin sa kanya. "Bakit?" Tanong ko nalang. "Mukhang inaantok ka pa. Gusto mo magpahinga muna tayo?" Sabi niya. Napailing ako at ngumiti. Di pwede yun mas lalong tatagal ang travel namin kung magpapahinga pa ako. "Okey lang ako noh. Ako pa hahaha." Sabi ko ng biglang tumunog ang tyan ko. Opppsss... Sana walang nakakarinig nun. Nakakahiya! "Kumain muna tayo." Sabi ni Zeus at tumango nalang ako nakakahiya naman siya pa ang nakarinig. "Sorry.." mahinang sabi ko nalang. "Wag kang mahiya na sabihin sa akin na gutom ka na." Nahihiyang tumango nalang ako. Pumasok kami sa isang pagkainan at nagorder na kami kaya natulog muna ako panandalian at nakikinig sa tv na nakadikit sa dingding. 'Itinalo na naman ni Edward Samson ang lahat ng kalaban niya sa surfing sa Henson Beach, ang galing niya talaga sa mga freestyle na kanyang ginagawa parang di ginagawa ng isang ordinaryong tao.' Napatingin ako sa tv at di pa masyado malinaw ang paningin ko hanggang sa makita kong pamilyar ang taong nakita ko sa tv. Teka yung tao... I mean di yan tao! Siya na nga! "Waaaaa!" Nagising ako sa pagkaka antok dahil sa nakita ko. "Anong problema?" Nagpapanik na tanong ni Liz. Napatingin sila sa tinitingnan ko sa tv. "Si..." "Poseidon." Sabi ni Zeus. Ayan nasabi na niya. Napatango ako napatingin naman si Liz sa tv. "Ang galing niya." Sabi ni Liz. "Saan matatagpuan ang Henson Beach?" Tanong ko kay Liz at agad naman siyang napatingin siya sa mapa. "Sa di kalayuan dito sa inuupuan natin sa silangang banda." Sabi ni Liz. Excited na akong makita ang pinakamatalino sa aming lahat na si Poseidon. Mukhang magkaparehas naman sila ni Zeus. "Bago yan... kumain muna tayo." Sabi ni Zeus. At kadadating lang ng pagkain namin. Naglalaway naman ako sa mga pagkain na nasa harapan namin. Inilagay naman ni Zeus ang plato na may pagkain sa harapan ko at juice. Hala parang maid ko na siya ha. "Eat." Ngumiti ako sa kanya. "Thank you." "Itadakimasu!" Sabi ko at kumain na. Natapos kaming kumain at nagpatuloy sa paglakad. Wala namang sasakyan dito kaya heto lakad lang. Zeus POV... Di ko maiiwasang tumingin kay Athena wala talaga siyang pinagbago yung Athena pa rin noon ang nakikita ko. Naalala ko tuloy noong ikinuwento ng aming mga magulang nung sanggol pa daw kami. Pala iyakin noon si Athena at ako daw kalma lang at di masyado umiiyak nakatingin lang at di ngumingiti. Nung pinagtabi daw kami ni Athena nagulat nalang daw sila ng hawakan ko daw ang kamay ni Athena nung baby pa kami at si Athena di na umiyak nun kaya hanggang sa lumaki kami binabantayan ko na siya at mas lalong nahulog na ako sa kanya dahil sa kanyang magagandang ngiti na pinapakita sa akin. At pinaliwanag ng mga magulang namin kung ano ang ibig sabihin nung tattoo sa katawan namin. Kinuwento naman nila kung ano yun at mabilis ko yung naintindihan. Naalala ko din nung mga bata pa kami nung mag 10 years old pa kami nun. Sinumbong sa aking ng kaklase namin na binubully si Athena ng ibang estudyante sa Olympus School kaya tumakbo ako nun hanggang sa makita ko na nakaupo na si Athena sa sahig at yung mga nagbully sa kanya nakahawak ng mga pamalo nakita ko din ang mga pasa niya sa katawan. Mukhang di pa bumabalik ang lakas niya dahil sa hindi pa nawawala ang sugat sa katawan niya. "Athena!" Sigaw ko. Napatingin silang lahat saakin. "Z-zeus..." nanghihinang sabi niya. At hinarap ko yung mga nang bully kay Athena. Kinukontrol ko ang galit ko pero di ko magawa dahil sinaktan nila ang Athena ko. May biglang humawak sa kamay ko na kinatingin ko at si Athena yun. "Zeus.." sabi niya sabay iling. "Leave or Die." Malamig na sabi ko sa kanila. Napatakbo nalang sila at hinarap ko si Athena. "Bakit di mo ko tinawag?" Tanong ko agad sa kanya at binuhat siya. Napapikit siya dahil sa sugat pa din sa katawan niya. "Kasi... ayokong madamay ka." Sabi niya sa akin. Nagulat naman ako sa sinabi niya, ayaw niya talagang may nag aalala sa kanya. At naghilom na din ang mga sugat niya ng maunti unti at di ko padin siya binababa at binuhat ko padin siya na kinapagtaka niya. "Ibaba mo na ako... ayos na ako." Sabi niya. Di ko siya pinansin pero ramdam ko na nakatingin lang siya sa akin. "Sorry na... di ko na uulitin." Sabi niya sabay yakap sa leeg ko. "Wag ka ng magalit." Nakapout niyang sabi. Napabuntong hininga nalang ako. Di ko siya matiis na di pansinin. Nag aalala lang ako sa kanya baka sa susunod na di pa ako makarating ay mawala na talaga siya sa tabi ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. "Di na ako galit." Sabi ko sa kanya. At bumalik ang kanyang magandang ngiti at di ko mapigilang halikan siya sa noo niya. "Zeus? Yohoo! Zeus!!" Napatingin ako kay Athena. Kanina lang ba niya ako tinatawag? "Why?" Sabi ko. "Lutang ka atah jan... don't tell me iniisip mo yung crush mo noh?" Sabi niya sa akin. Tumingin lang ako sa gilid di ko siya matingnan sa mata. "Iniisip ko lang kung paano natin mahahanap si Poseidon." Sabi ko nalang. "Ah.. akala ko pa naman... pero sa totoo may nagustuhan ka na bang babae?" Nagulat ako sa tanong niya nakita ko si Liz na mukhang alam na ang feeling ko kay Athena at si Athena lang ang masyadong manhid. "Yes, pero masyado lang siyang manhid para malaman ang nararamdaman ko." Sabi ko sa kanya. Napaisip naman siya. "Sino kaya yun?" Sabi niya. At siguro inaalala ang mga nakakasama ko noon. "Manhid nga." Sabi ni Liz. Napatingin siya kay Liz. At bigla siyang napahinto mukhang may naaamoy. "Waaaa! Na aamoy ko na ang dagat!" Sabi niya at tumakbo. Napailing nalang kami at napangiti nalang ako ng palihim. Athena POV... "Wow! Ang ganda ng dagat! At ang lalakas ng alon!" Nagtatalon ako sa may buhangin at inamoy ang malinis na hangin. "Saan kaya natin mahahanap si Poseidon?" Tanong ni Liz sabay tingin tingin sa paligid. Tumingin naman ako sa paligid marami ngang nagsu surfing pero di ko siya mahanap. "I think, dito muna tayo baka makikita natin siya mamaya." Sabi ko. Tumango sila. "Mabuti nakadala ako dito ng tela na mauupuan natin." Sabi ni Liz. Napangiti ako at tinulungan siyang ilapag ang mauupuan natin. Inilagay namin ang gamit namin at nagpasyang mamasyal muna di naman mawawala doon ang gamit namin. "Ang sarap maligo doon."sabi ko sabay tingin sa dagat. "Maligo tayo, Liz." Pangyaya ko. Tumango naman siya at napahinto kaming dalawa at sabay napatingin kami kay Zeus. "Wag kang mag alala may dala kaming swimsuit. Two piece." Biro kong sabi sa kanya. Pero kung may two piece talaga ay magsusuot talaga ako. "Bawal maligo." Agad na sabi niya na kinangiti ko. "Hahaha joke lang. Di na kami mag to-two piece." Sabi ko sabay takbo pabalik sa nilagyan namin ng gamit at nagbihis na kami pati si Liz at si Zeus naman naka shorts at... half n***d! Drooling.... "Stop staring at me." Sabi niya. Napalunok naman ako at tumingin kay Liz. "Liz, hanap tayo ng ibang may abs." Sabi ko. Ang damot kasi ayaw makipag share kahit titig lang eh! "Tara sa dagat!" Masayang sabi ko nang hinawakan ni Zeus ang kamay ko na kinahinto namin sa pagtakbo. "Athena.." pagbabanta niya. Hala ka.. "Joke lang ulit. Maliligo lang talaga kami." Sabi ko nalang at tumakbo na kami ni Liz sa tubig. "Ang ginaw.... brrr... " sabi ko nalang. Ang lalakad din ng alon. Nakita namin si Zeus nakahiga lang sa buhangin. Nagbilad sa araw edi siya na ang puti. "Hey miss." Sabi nung lalaki kay Liz at may lumapit din saakin. "Bakit?" Tanong ko. "Mukhang kayo lang dalawa ang nandito. Wala na ba kayong ibang kasama?" Sabi nung isang lalaki. "Meron."sabi ko. Napatingin ako dito mukhang nag su surfing din sila. Baka alam nila kung nasaan si Poseidon! "Ah alam niyo ba kung saan makikita si Po... i mean Edward Samson?" Tanong ko sa kanila. "Hmm..." nagtitigan sila. "We know where." Sabay sabi nila. "Talaga!" Masayang sabi ni Liz. Tiningnan ko sila mukhang may mali. "Sumunod kayo saamin." Sabi nila. Sumunod naman kami. Mukhang kasamahan din naman iyon ni Poseidon. "Magpapaalam muna kami." Sabi ni Liz. "Wag na... nandyan lang naman sa hotel nayun oh." Sabi nila. Sabay turo sa hotel. Napatango nalang kami at sumunod sa kanila. Nakarating kami sa hotel. Ang yayaman naman nila. Sumakay kami ng elevator at parang kakaiba talaga ang nararamdaman ko eh. "So girls mukhang bago kayo dito sa beach. Saan kayo galing?" Tanong na sabi nung isang lalaki. "Sa Antasya." Sabi naman ni Liz. Napaisip naman yung mga lalaki. "Antasya, ngayon ko lang yun narinig." Sabi nila. *Ting!* Lumabas na kami at napahinto kami sa isang kwarto. "Nasa loob ang hinahanap niyo." Sabi nung isang lalaki. At pumasok na kami ng makakita kami ng isang lalaking nakatalikod. "Poseidon..." nabigla kami ng may kung anong tumama sa leeg namin na kaso sa aming pagka himatay. *Blackout* Nagising kami na nakatali kami sa upuan. "Athena, huhuhu... ayoko dito!" Umiiyak si Liz. "Anong nangyari?" Tanong ko nalang. Naalala ko na kinuha pala kami ng mga lalaking ito. "Gising na kayo..." hinawakan nung isang lalaki ang mukha ko. "Oh, ang kinis mo talaga. Lalo na din yung kasama mo." Napalunok ako at nanindigan ang mga balahibo ko sa ginawa nila. "Wag mo kong hawakan." Sigaw ko. "Huhuhuhu!!!" Malakas na iyak ni Liz. "Tumahimik ka." Sabi nung lalaki at sasampalin sana si Liz ng biglang may kumatok. *Toktoktok* 'Okey lang po ba kayo?' Nag aalalang sabi nung tao sa labas. "Sige sumigaw kayo." Pagbabanta saamin nung lalaki. "Okey lang, masakit lang ang puson ng asawa ko." Sabi nung lalaki. "Huhuhu! Athena ayoko dito." Di mapigilang iyak ni Liz. "Sabi ng tumahimik ka eh!" Sasampalin sana niya ng biglang may bumuhos sa kanya ng tubig. Napatingin kami sa labas ng bintana. "Haaaaa!" Napatingin kami at lumilitaw yung tao sa tubig? Biglang pinasok ang lahat ng lalaki sa loob ng bilog na tubig. At nakatalikod ang lalaki saamin habang nakapamewang. At ang muscles niya ang ganda sa paningin. Teka ang katawang iyon... "Hmmm.. kayo pala ang mga kumukuha sa mga babae dito ha." Sabi niya. At bigla niya itong pinaikot ikot at nabasag ang bilog na tubig kaya napaubo ang lahat ng nakapasok doon at binabawi ang hangin nila pabalik. "Isa kang halimaw!" Sigaw nila. Sa isang iglap biglang nawalan ng malay ang mga lalaki at mabuti natanggal ko ang lubid sa kamay ko. Nakatingin padin kami sa kanya. Siya na ba ito? Aalis sana siya ng... "Teka!" Sigaw ko sa kanya. Napahinto naman siya. At humarap at si Poseidon nga! "Poseidon!" Masayang sabi ko. "Athena?... ikaw na ba yan?" Paninigurado niya. Tumango ako at tumakbo ako palapit sa kanya at niyakap siya. Close naman talaga ako sa grupo namin ako kasi ang baby nila doon at ako ang bunso according sa age. "Baby Athena. I miss you." Sabi niya. Napangiti ako. I miss my Kuya Poseidon. At humiwalay ng yakap sa kanya. "This is Liz, siya ang prinsesa ng Antasya." Sabi ko sa kanya. Ngumiti ito at hinalikan ang kamay ni Liz. "Kinagagalak kitang makilala, Princess Liz." Sabi niya. "Ah eh... kinagagalak din kitang makilala Poseidon." Sabi ni Liz sa kanya. At bigla kaming napatingin sa labas may nararamdaman akong kakaiba. "Si Zeus." Sabi ko. "Nandito siya?" Masayang sabi ni Poseidon at tumango naman ako. At tiningnan ko si Poseidon. "Let's help him." Sabi ko at tumalon nako sa bintana at pinasakay ni Poseidon si Liz sa isang malaking tubig para makababa. Hanggang makita namin si Zeus nakipaglaban sa mga Demons. Nagteteleport siya tapos ginagamitan niya yun ng espada para madaling mapatay ang mga zombie. "Zeus!" Tawag ko. Napatingin siya saakin at mukhang nakahinga siya ng maluwag. Nag aalala nanaman siya saakin. "Water Blade!" Sigaw ni Poseidon at ayun tinamaan ng mga blade ang mga demons. Hanggang sa maubus. Lumapit ako kay Zeus kasi may sugat siya sa braso niya. "Okey lang ako." Sabi niya. Umiling ako at pinaupo siya at pinagaling ang kanyang sugat. "Saan ba kayo galing?" Sabi niya. Napayuko ako... "Kinuha sila ng mga lalaki kanina mabuti lang at narinig ko sila sa kabilang kwarto kaya agad ko silang nailigtas." Sabi ni Poseidon. "I see... wait sumama kayo sa mga di niyo kilala?" Galit na sabi ni Zeus napapout naman ako. Para tuloy kaming bata nito na pinagalitan ng Papa namin. "Pasensya na." Sabi namin. "Zeus, sigurado naman akong di na nila yan uulitin. Ikaw talaga." Sabi ni Poseidon sabay akbay kay Zeus. "Tsk." Hala galit si Zeus. "Hay, doom muna tayo sa condo ko tumira mukhang sumusugod na pala ang mga kalaban." Sabi ni Poseidon. Tumango kami. Condo... "Nahanap na natin ang isa pang Deadly Royal ang saya ko!" Masayang sabi ni Liz. Tumango ako. "Lima nalang!" sabi ko. Di ko na talaga mapipigilan ang excited ko na makompleto kaming walo. Tumango ako. "Matulog ka na para makapagpahinga ka na." Sabi ko sabay higa kay Liz. Tumango siya magkatabi kasi kami ng higaan. Pumikit na siya. Nakita ko ang sugat sa kamay niya. Bakit di niya sinabi sa akin. Hinawakan ko ito at lumiwanag at nawala nalang ang sugat sa kamay niya. "Good Night, Princess."sabi ko. Pipikit sana ako ng makita ko ang anino ni Zeus sa may bench nakatayo siya dun kaya tumayo ako at lumapit sa kanya. "Zeus..." Tawag ko. Di niya ako pinansin. Galit talaga siya. "Sorry na." Sabi ko. Sabay hawak sa damit niya. "....." nako naman ang hirap naman nito. "Hoy, sorry na talaga di na uulitin." Sabi ko sabay pacute sa kanya. Pero no effect ha. Napaisip ako hinalikan ko nalang ang pisnge niya na kinatingin niya saakin. "Uhmm.. ano yan kasi yung paraan na magsorry sa ibang bansa. So please patawarin mo na ako." Sabi ko sabay bow. Nakaramdam nalang ako ng mahinang batok at napatingin ako sa kanya. At bigla niya akong niyakap at mukhang inaamoy niya ang buhok ko. "Simula ngayon di nako lalayo sa tabi mo di ko na hahayaang mangyari yun sayo. Ikaw ang buhay ko alam mo ba yun?" Sabi niya na kina nganga ko. Teka kailan pa ako naging buhay niya? "Ha?" Humiwalay siya ng yakap at hinawakan ang kamay ko. "Let's sleep." Sabi niya sabay halik sa noo ko at hinatid na niya ako sa kwarto namin. "Good night." Sabi niya at pumasok na ako sa kwarto ko at tiningnan siya. "Good Night din." Sabi ko at ngumiti siya at umalis na. Isinira ko agad ang pinto at nakahawak sa puso ko. Anong nangyayari? Bakit ganito? Aish! Itulog ko na lang toh. **** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD