Elizabeth POV...
Dito muna daw kami nagstay kasi may laban pa si Poseidon dito ngayon sa surfing.
May napapansin ako kay Athena ngayon parang ang tahimik niya ngayon. Wala namang nangyari di kaya nag away sila ni Zeus?
"Athena..." tawag ko.
"Bakit?" Tanong niya agad.
"Pasensya na dahil sa akin nag away kayo ni Zeus." Sabi ko sa kanya sabay bow. Nagulat naman siya sa sinabi ko.
"Ha? Di naman kami nag away. Bati na kami." Nakangiti niyang sabi.
"Ah.. ganun? Bakit ka tahimik di ka naman ganyan dati." Sabi niya. Nagulat naman siya at ngumiti at umiling.
"Wag mo kong pansinin... hehehe. Okey lang ako may iniisip lang ako." Sabi niya.
Napatango nalang ako. Mukhang malalim ang iniisip niya.
Napatingin ako kay Poseidon. Ang galing niya talaga! Idol ko na siya sa ngalan ng surfing!
Nakita ko na tapos na siyang mag ensayo kasi pabalik na siya sa lupa eh.
Para ngang normal na tao ang mga Deadly Royal. Di sila yung sa sinasabi nila na sinasamba na nila.
"Princess Liz." Napatingin ako kay Poseidon. Napatingin ako sa likod mukhang may nilakad sila Athena.
At tinuro ang sarili ko. Napangiti siya at tumango.
"Yes, you." Natatawang sabi niya kaya lumapit ako.
"Bakit?" Tanong ko.
"Gusto mong kumain?" Sabi niya. Napatango nalang ako at pumunta kami doon sa baba ng hotel may restaurant doon at umupo na kami sa bakante at nag order ng makakain.
"I heard inatake ang palasyo." Sabi niya. Napayuko ako at tumango.
Napaisip siya.
"Alam mo 40 years na ang nagdaan yung lolo mo... i mean yung dating hari close na close ko siya also the Deadly Royal members at ang palagi naming pinagtatanggol parate ay yung papa mo na hari ngayon." Sabi niya. Napangiti ako sa sinabi niya.
"At di ko akalain may dalawa pala siyang anak at nagmana ka sa papa mo." Napangiti ako sa sinabi niya.
"Bakit po di ninyo po sinabi ang totoo sa mga tao na hindi po kayo ang may gawa nun kundi mga demons?"tanong ko sa kanya. Napatingin siya saakin.
"Dahil.... nasa plano na namin yun na di pwede isabi sa iba. Yun ang sabi ni Zeus" Sabi niya. Naintindihan ko ang talino talaga ni Zeus.
"Nandito na ang order natin." Sabi niya at inilagay na ang inorder namin.
"Uhhmm.. Poseidon... salamat po kasi tinulungan niyo ang pwmilya namin." Sabi ko at nakatayo ako ngayon at nakayuko.
Tumayo din siya at yumuko.
"It's my pleasure to help you and your family, Princess Liz." Sabi niya at napangiti ako sa kanya.
"Salamat." Sabi ko.
Ngumiti lang siya at tumango.
Athena POV...
Nakatago ako sa may puno. Ang bilis ng t***k ng puso ko once kaharap ko siya ano ba ito noon ko pa ito nararamdaman pero di ko lang pinansin pero iba na ngayon lumala atah.
Ito na ba talaga ang sinasabi nilang love.
"What are you doing?" Nanlaki ang mata kong napatingin sa kanya at napahawak sa puso ko parang aatakehin ako sa kanya. Nang gugulat kasi eh!
"May tinataguan ka?" Tanong niya. Di ba obvious? Umiling agad ako at ngumiti.
"Sumandal lang ako sa puno at iniisip na modelo ako." Palusot ko.
Ganyan nga act like a normal Athena.
"Sige punta muna ako doon." Sabi ko sabay turo sa mga pasalubong.
At tumakbo nako at nakalayo nako hanggang makarating ako doon ng makakita ako ng maraming pasalubong.
"Wow ang daming pasalubong!" Sabay tingin sa mga shells.
Tiningnan ko ang kwintas na may form na Key at Lock.
"Miss, 600 lang yan." Sabi nung lalaki. 600?!
Wala akong money! Sabay hawak sa bulsa ko at wala nga akong dala dahil masa ATM ang lahat ng naipon ko.
"Nakikitingin lang ako manong." Sabi ko at ibinaba ang kwintas. Sayang maganda sana ibibigay ko sana ang isa kay Zeu... ano ba tong iniisip ko!
Naglalakad nalang ako at naalala ko noon nung bata pa ako.
Flashback... Noong 6 years old pa kami ni Zeus.
Napamulat ako na puro puti ang lahat. Teka nasaan ako?
"Gising ka na pala kamahalan." Napatingin ako sa isang babae. Nanlaki ang mata ko teka nasaan ako?
"S-sino ka!" Maiyak iyak na sabi ko.
"Kami po ang mag aalaga sa inyo dito sa kaharian niyo dito sa langit." Di ko alam ang sinasabi niya. Napaatras ako once na lalapit siya saakin.
"I want Zeus!" Iyak ko na sabi.
"Princess..."
*Open Door*
"Prince Zeus." Napatingin ako sa pintuan nakita ko si Zeus na hinihingal at dumiretso sa higaan ko.
"I'm here." Sabi niya at niyakap ako.
Tumahan ako at niyakap siya.
Pinaliwanag niya kung bakit kami nandito ang sabi niya kami ang prinsipe at prinsesa ng langit at tungkol sa parents namin sa lupa di daw namin sila totoong mga magulang doon daw muna kami pinatira para malaman namin kung paano mamuhay ng normal.
Naintindihan ko na... at ang Kingdom ng Antasya yun daw ang Kingdom ng mga tao kaya binabantayan namin ang Royal Family kasi sa mga mortal lang sila at kaya silang patayin ng mga demons.
At doon ko naintindihan ang lahat. At di katagalan bumalik kami sa lupa at nung makatungtung kami sa edad na 18 pinayagan na kaming hanapin ang iba.
At nung makompleto kaming walo masaya kaming binabantayan ang kaharian.
Nang biglang nagplano ang mga demons at yun ang kinasira namin sa mga tao kaya ayun umalis kami doon. Pero di kami susuko sa mga tao. Pinagtatanggol pa din namin sila kasi di naman nila alam kung ano ang ginawa sa kanila.
Naalala ko tuloy yung bago kami naghiwalay lahat.
Kingdom of Antasya...
"Mukhang ito na ang sinasabi sa libro ng langit na maghihiwalay ang lahat ng Deadly Royal." Malungkot na sabi ng hari. Napatingin ako sa kanila at ngumiti.
"Wag kayong mag alala. Magkikita pa naman tayong lahat." Sabi ko sa kanila. Ngumiti naman sila.
"Kailan ulit kami magkikita kita di na kasi kami magkikita ni Artimis!" Naiiyak na sabi ni Apollo. Binatukan naman siya ni Artimis.
"Shut up, Apollo." Sabi niya.
"Si Baby Athena ang mamimiss ko." Niyakap ako ni Artimis at niyakap ko din siya pabalik.
"Di ko alam baka matatagalan pa. Baka maabot ito ng mga 100 taon." Sabi ng hari. Nanlaki ang mata namin.
Ang tagal nun. Natahimik ang lahat. Lumapit ako sa hari at nakatingin lang siya saakin.
Ito ang regalo namin sa inyo bago kami mawala. Lumapit ako sa kanya at hinawakan sa kamay niya at umilaw ito.
Ang kapangyarihang ginamit ko sa kanya ay yung di agad siya namamatay also sa mga anak niya ito ay isang shield na magpo protekta sa kanila pag wala kami.
Healing ang powers ko kaya maiibigay ko sa kanila na di sila mamamatay agad.
Binitawan ko na ang hari.
"Kung ano man ang binigay mo saakin. Nagpapasalamat ako sa ginawa mo." Sabi niya. Ngumiti ako at nagbow.
Bigla nalang kaming umilaw mukhang ito na nga mag hihiwalay na kami.
Agad kong hinawakan ang kamay ni Zeus.
Nakatingin lang siya saakin.
"Mag iingat ka kung saan ka man mapadpad." Sabi niya. Tumango ako at ngumiti. At kinain na kami ng liwanag habang nasa liwanag kami may ginawa lang naman ako sa oras para di 100 taon kami maghiwalay gagawin kong 40 years.
At napapikit nalang ako hanggang makarating nako doon sa lugar kung saan ako nakatira.
Napangiti nalang ako habang nakatingin sa dagat parang kahapon lang yun nangyari lahat ang bilis ng oras.
Biglang nakaramdam ako na dumilim ang paligid at ang mga tao huminto sa pag galaw napatayo ako. Teka anong nangyayari?!
May nararamdaman akong kalaban kaya napatalon ako at nakita ko sa may dagat may malaking ahas sa tubig.
Bigla nalang niya akong natamaan sa buntot niya kaya ayun natama ako sa puno.
Ang sakit nun ha.
Teka may nakikita ako sa may tyan niya teka yun yung sandata ni Poseidon yung parang tinidor basta yun ang itsura.
Lumipad ako at inatake siya ng suntok at mukhang natablahan naman at di ko napansin ang paparating na buntot niya sana nang may yumakap saakin.
At napatingin naman ako at si Zeus pala yun.
Pinaupo niya ako at lumipad siya.
Nakita ko din na kararating lang nila Liz at Poseidon.
"Poseidon, nasa tyan niya ang sandata mo!" Sigaw ko nagulat naman siya sa sinabi ko at agad siya umatake.
"Water tornado!" Sigaw niya at may mga umiikot na malaking tornado at napapikit ako at niyakap ko si Liz.
Hanggang sa huminto ang malakas na tornado at nakita namin na tumba na ang ahas at nawala nalang ito na parang bula at nakalutang ang mahiwagang tinidor niya.
At kinuha niya yun.
"Mabuti nabalik ito saakin." Sabi niya. Napangiti kami at bumaba na sila.
"Salamat, Athena dahil sinabi mo na sa kanya ang sandata ko at sa inyo din Zeus at Liz." Sabi niya. Nag approve sign nalang ako.
"Masaya ako kasi nakita mo na ang tinidor mo...."
"Hindi tinidor tawag nito." Natatawang sabi niya saakin. Napakamot ako sa ulo nako naman ano bang pangalan niyan?
Napatawa nalang din ako.
"Ano tawag niyan?" Inosente kong sabi.
"Trident toh." Sabi niya. Napatango nalang ako. Trident pala yun?
"Mukhang magsisimula na ang surfing niyo bumalik ka na doon." Sabi ni Zeus. Napatango naman siya at tumakbo doon bumalik na din ang lahat wala ng g**o.
At nagsurfing na si Poseidon.
"Go Poseidon!" Cheer namin sa kanya. Napanganga kami kasi ang galing niya talaga may mga stunts pa siyang pinapakita ang galing talaga!
At ng matapos na siyang magsurfing may nilapitan siyang batang lalaki at pinat ang balikat nung bata.
"Balang araw po gusto ko pong maging katulad niyo." Nakangiting sabi nung batang lalaki.
"I count on you, kid." Sabi ni Poseidon. At binigay ni Poseidon yung ginagamit niya sa surfing yung tinatapakan niya di ko alam name nun.
"Akin na po ito?!" Nakangiting sabi nung bata. Napatango nalang si Poseidon.
"Salamat po!" Sabi nung bata at niyakap niya si Poseidon.
At kinagabihan nun. Nagpa party si Poseidon para sa kanyang Farewell party para sa kanya.
"Mamimiss ka namin Edward." Sabi ng mga kasamahan niya.
"Me too."sabi niya.
"Ganito talaga ang buhay."sabi niya at tumango ang ilan.
"Sa susunod na pagkikita natin." Sabi ng ilan.
"Sa susunod. Maglasingan tayong lahat!" Sabi ni Poseidon at natatawa nalang kami ni Liz dahil mapapainom si Zeus sa kagagawan ni Poseidon.
Kami nagju juice lang kami ayaw kong uminom. Kahit di naman ako nalalasing.
Ayun bagsak na ang lahat ng kainuman nila Poseidon.
"Lasing na sila?" Tanong ni Poseidon. Nakalimutan ko di pala sila nalalasing dahil mga Gods.
Unfair?
Bumalik na kami sa Hotel namin at ayun dahil siguro sa pagod nakatulog na sila at ako nandito pa sa labas nakatingin sa buwan at nilalanghap ang sariwang hangin.
Kumusta na kaya sila mama at papa at tito at tita? Kahit di ko sila totoong mga magulang minahal namin sila ni Zeus.
Sana sa susunod magkikita pa po tayo.
Naalala ko yung mga bata pa kami. Di nila kami iniba sa paningin nila. Anak talaga ang pananaw nila saamin.
Flashback...
"Mama Papa, feeling ko parang iba ako sa mga bata sa paligid." Sabi ko sa kanila.
"Anak, wag kang mag isip ng ganyan. Katulad mo sila kahit di ka isang ordinaryong tao espesyal ka." Sabi ni Papa. Espesial ako?
"Kagaya ni Zeus mga especial kayo na tao." Sabi ni Mama. Napatingin ako sa mga bata.
"Maglaro ka na dun sa mga kaibigan mo." Sabi ni Papa. At napangiti ako at tumakbo sa kanila.
Kahit espesyal ako feeling ko para akong isang ordinaryong tao na nakikipaglaro sa kanila.
Nakatingin lang si Zeus saakin at tumakbo ako sa kanya at isinali siya sa laro namin.
Pero di naman siya naglalaro if may mga bata. Naglalaro lang siya if kami lang dalawa.
Tulala akong nakatingin sa langit nang may nakita akong shooting star.
"Waaa! Ang ganda!" Sabi ko habang nakatingin sa shooting star.
Sabi nila once magwish ka shooting star matutupad daw.
"Sana makompleto na kami. At walang masaktan sa amin." Sabi ko. Nakahinga ako ng maluwag.
Pagkatapos nun nabigla ako ng may tao sa likod ko nabangga kasi ang mukha ko sa dibdib niya.
Pagtingin ko si Zeus...
Napayuko ako. Naiilang kasi ako sa kanya.
"Athena..." napatingin ako sa kanya.
Bigla niyang hinawakan ang mukha ko at bigla niya akong hinalikan sa labi mismo ha.
Omygulay!
Juice Ko!
Nanlaki padin ang mata ko at siya nakapikit siya. Ganito pala ang feeling sa hinalikan ang bilis ng t***k ng puso ko.
Nanghihina ang binti ko mabuti nakayakap siya saakin. Nakahawak lang ako sa dibdib niya ng nalunod nako kaya napapikit ako at inilagay ko ang kamay ko sa leeg niya hanggang sa maghiwalay ang halikan namin.
Biglang namula ang mukha ko. Kaya napayuko ako.
"I love you." Nanlaki ang mata ko. Mahal niya ako...
*****
LMCD