Hindi nagdalawang isip si Lea na tanggapin ang offer ni Toff. Bukod sa makakasama na niya ang ina, magiging malaya na siya sa kamay ni Conrad. Lihim siyang nagpasalamat kay Toffer at hindi niya sasayangin ang pagkakataong ito. “Lea, this is my PA, Shir Ley.” agad na bungad ni Toffer nang masalubong ang PA na naghihintay na sa kanila. “Hi Lea, nice to meet you!” masayang bati nito saka dinala siyansa living room upang paupuin. Naabisuhan na ni Toffer ang PA kaya alam na nito ang gagawin. Yumuko at nahihiyang inabot ni Lea ang palad ng babae. “Just call me Ley. Just how my boss calls me. That would be lovely." nakangiting sabi nito. Kababakasan ng kilig sa kilos dahil sa magandang babae n ipinakilala ng kanyang boss. Kailanman ay hindi ito nag-uwi ng babae sa bahay. “By the way, I wil