LEA's POV Sex toy? Napalunok ako. Halos magtaasan ang balahibo ko dahil sa tinuran ni Conrad. Akala ko okay kami. Nauunawaan ko na parausan lamang niya ako pero ang sabihing sext toy at ipagsabi pa ito sa iba ay parang kalabisan na. Ngumiti lang ako sa kanilang dalawa ngunit nagtagal ang aking mata kay Toff. Ngumiti din sa akin ang lalaki ngunit nakita ko kung paano nabura ang ngiti sa labi ni Conrad. Kitang-kita ko rin kung paano nangalit ang kanyang panga maging ang pagtikom ng kanyang bibig na kanina lamang ay ngiting ngiti. “Do you want to borrow her?” alok ni Conrad kay Toffer. Seryoso ba siya? “Is that part of our deal?” paglilinaw ni Toff saka tumingin sa akin. Hindi ako makapaniwala sa bilis ng pagbabago ng mood ni Conrad. Posibleng hindi alam ng lalaki ang background ng p