Malakas ang buhos ng ulan tapos nandito pa sa pamamahay namin ang matandang dinasour. Wala yatang umuwi sa kanila ito. “Vladimier, malakas ang buhos ng ulan baka mapaano ka pa sa daan puwedeng dito ka muna sa amin matulog baka mapaano ka pa kapag bumiyaho na ganitong panahon.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama hindi ko inaasahan na papayag siyang dito matutulog ang boyfriend ko. “Really, Mom?" tila batang tugon nito. Natutuwa ako dahil marami pa talaga akong hindi alam na ugali ng mahal kong dinasour. Bahagya ko siyang siniko. Kung maka mom naman ’to feeling close kaagad. “Oo, pero rito ka lang sa salas matutulog. Naiintidihan mo ba?” striktang saad ni mama. “Yes, mom. Don't worry behave lang po ako.” Nakangising saad ni Vladimier. Kumindat pa ito sa akin. Mukhang may binabala