#Duplikado TRENTA’Y NWEBE Muling may nangyari sa aming dalawa ni Dylan. Sa totoo lang, sa tuwing nagagawa namin ang bagay na iyon ay ibayong saya ang aking nararamdaman. Gustong-gusto ko kapag nag-iisa kaming dalawa. Ramdam na ramdam ko siya. Sa ngayon ay sakay na kami ng eroplano pauwi ng syudad. Oo, tapos na ang pananatili namin sa Cebu. Nagkakatinginan kami tapos ngingiti. Nung unang sakay kami ng eroplano, hindi kami ayos pero ngayon, naglalambingan na kami. Sinandal ko sa balikat niya ang ulo ko. Hinaplos naman niya ito. “Sige lang at matulog ka... Matagal pa naman ang byahe.” Bulong niyang sabi sa akin. Ang bango niya, ang sarap niyang singhutin. Napangiti ako saka pinikit ko ang mga mata ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. - - -