#Duplikado KWARENTA’Y UNO Muli ng pumasok si Dylan sa trabaho kaya ito, muli akong nag-iisa. Napabuntong-hininga ako. Nakakaramdam ako ng inis kay Jerold na todo ang pangungulit sa akin na makipagkita ako sa kanya. Hindi ko na nga lamang pinapansin pero alam ko na hindi niya ako titigilan hangga’t hindi kami nagkikita. Napatingin ako sa wall clock, it’s 2:05 in the afternoon. Naisip ko, mamaya pa naman uuwi si Dylan saka siguro naman, hindi na rin niya ako pinasusundan dahil magkasundo na kami ulit. Muli akong napabuntong-hininga. Puntahan ko na nga lang si Jerold para matapos na. Ayaw ko man pero alam kong hindi talaga iyon titigil. Kaagad akong pumunta sa closet para magbihis at dahil sa magco-commute lang ako, hindi dapat mawala ang mga panakip ko sa ulo at
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books