#Duplikado DISI NWEBE Sinalubong ko sa pagpasok si Dylan. Ngiting-ngiti pa ako sa kanya na sinuklian rin naman niya ng ngiti. Nakita kong may dala na naman siyang bulaklak at tsokolate bilang pasalubong para sa akin. “Kumain ka na?” tanong niya. Niyakap niya ako saka hinalikan ang tuktok ng ulo ko. “Hinihintay kita e.” Sabi ko. Bumitaw siya sa yakap. “Oo nga pala... para sayo.” Sabi niya saka inabot sa akin ang kanyang hawak na bulaklak at tsokolate. Nakangiti akong tinanggap iyon. “Gabi-gabi mo na lamang ako binibigyan ng bulaklat at tsokolate... Hindi mo naman kailangang pasalubungan ako araw-araw... Pero salamat pa rin.” Sabi ko. Hindi siya nagsalita. Nakita kong sumeryoso ang kanyang mukha. Nagtaka naman ako. “Bakit?” pagtatakang tanong ko.