“Hello Kim?” “’Zup, Kourtney?” dinig niyang wika ng pinsan niya mula sa kabilang linya. Huminga muna siya ng malalim saka naupo sa bench sa loob ng locker room. Kakatapos lang mag-shower ni Kourtney at nakabihis na rin siya ng shirt at jeans. Tapos na ang 72-hour shift niya at puwede na siyang umuwi, iyon lang ay may usapan sila ni Rick ngayon at hindi niya alam kung paano magpapaalam sa pinsan niya. “May problema ba?” tanong pa ni Kim. Muling huminga ng malalim si Kourtney saka sandaling nag-isip kung ano ang dapat na sabihin. “Hindi ka uuwi ngayon?” tanong pa ng pinsan niya. “How did you know?!” gulat na sambit naman ni Kourtney na mahinang ikinatawa ni Kim mula sa kabilang linya. “We have known each other since we were babies, of course I already know you!” sabi