Nagising si Kourtney nang maramdaman ang pagtigil ng sasakyan. Dahan-dahan siyang nagmulat at mabilis na napabangon nang makita na mag-isa na lamang siyang nasa loob ng nito. Agad na binuksan niya ang pinto sa gilid niya at nakahinga ng maluwag ng matanaw si Avery na naglalakad palapit sa gawi niya. “Oh, you’re awake!” masaya na sabi nito sabay abot sa kanya ng isang bottled water. “Nasaan na tayo?” tanong naman ni Kourtney saka bumaba mula sa sasakyan at luminga sa paligid. Unang bumungad sa kanya ay ang mabato na sahig saka ang mga puno ng mangga sa hindi kalayuan. Nakita niya rin ang mini grocery store kung saan nanggaling si Avery na hindi rin kalayuan kung nasaan nakaparada ang sasakyan na gamit nila. “Nag-stop over tayo. Bumili lang ng food kasi nagugutom na si Kim,