Pagkatapos magsabihan ng nararamdaman ay tahimik na pinagmasdan nila ang malawak na dagat habang magkahawak ang kanilang mga kamay. Nang tuluyang dumilim ay nag-aya na si Rick na kumain ng dinner, nauna ang dalawa na magtungo sa restaurant na nasa loob lang din ng resort habang nagbanlaw naman sina Avery at Kim. Ginising din nila si Atty. Ruiz at sinabi na sumunod na lang ito. Hindi mapigilan ni Rick at Kourtney ang kanilang mga ngiti habang magkaharap sa lamesa at kasalukuyan na kumakain ng in-order nilang T-bone steak with cup of rice and buttered corn on the side. Gusto sana ni Kourtney na seafood ang kainin since nasa tabi ng dagat sila ngunit mas gusto nina Avery, Kim at Kenneth ang meat kaya majority wins. Avery and Kim witnessed their moment at the beachside at hindi sila