“What do you want to eat?” tanong ni Rick kay Kourtney nang makaupo sila sa table na ni-reserve sa kanila. Hindi agad nakasagot si Kourtney dahil nilibot niya muna ang paningin sa kabuuan ng lugar. They are currently at the Sandoval Hotel—one of the most prestigious hotels in Metro. First time ni Kourtney na makapasok doon at hindi niya maiwasan na mailang. Naisip niya siguro na sobrang yaman ng mga Sanchez, sa dami ba naman ng kinurakot nila na mga lupain sa Bueno noon. She sighed heavily at tumingin kay Rick na ngayon ay nakatingin sa kanya. Mukhang kanina pa siya pinapanood nito kaya hindi niya maiwasan na mailang. Agad na nag-iwas siya ng tingin dito saka tinignan na lang ang menu book na nasa harapan niya. “What do you want to eat?” ulit ni Rick sa tanong niya kanina.