“Kourtney sayang naman iyong pinag-down ko!” naiinis na wika ni Kim habang nakatingin sa unbothered niya na pinsan na kasalukuyang nakahiga sa kama nito habang nagbabasa ng makapal na medical book. “Kimberly walang nagsabi sayo na magdesisyon ka mag-isa,” sagot naman ni Kourtney na hindi nag-abala na tignan ang pinsan niya na kasalukuyang namomroblema. Araw ng birthday ni Kourtney, wala siyang pasok kaya nasa bahay siya at hindi rin tuloy ang eat out nilang mag-anak dahil kasalukuyan na umuulan ng malakas. Pinagluto naman siya ng auntie nila ng spaghetti at fried chicken at binilhan pa siya ng birthday cake na strawberry ang flavor para hindi na sila lalabas. Akala niya ay ganoon lamang lilipas ang araw niya ngunit nagulat siya ng sabihin ng pinsan niya na nakapag-down na ito doon