Kinabukasan ay nakatanggap muli ng text message si Kourtney mula kay Kim na pupunta ulit ito sa hospital para dalhan siya ng lunch. Nag-reply siya ng pasasalamat sa pinsan at sinabi iyon kay Avery na labis na ikinatuwa ng dalaga. Nang sumapit ang lunch time ay nagtungo sila sa cafeteria kung saan na naghihintay si Kim. Hindi na nag-abala na magbihis pa ang dalawa dahil wala naman silang in-assist na surgery sa mga nakalipas na oras. Napabuntong hininga si Kourtney ng makarating sa cafeteria at agad na matanaw ang pinsan niya. May kasama na naman ito ng araw na iyon but this time ay hindi na si Atty Sanchez ang kasama nito kundi ang kapatid ng binatang abogado. Ang original na manliligaw ni Kourtney. “Sino ‘yong kasama ng pinsan mo?” tanong sa kanya ni Avery. Hindi siya umimik at