"I'm thankful that you're safe! I'm sorry for suggesting that crap. Dapat pala sinabi mo na sa kuya mo"
"It's really fine"
Kasasabi ko lang sa kanila ng nangyari sa akin kahapon. Umiiyak si Jesica at sinisisi ang sarili kahit hindi naman talaga siya ang may kasalanan.
"Thank god that pogi saved you. How's that Shan? He's really your savior" sambit ni Bianca.
Sumama agad ang aking timpla sa kaniyang sinabi. "Please don't mention him"
"Eh? Why? Lq pa rin kayo?"
"I just don't want to talk about him for now"
"Woah...kaya ba hindi ko siya nakita ngayon?"
Tumango ako. Nahihiya pa rin ako sa mga sinabi ko. I feel stupid bringing it up.
"Ano namang kinatatampo mo ngayon?"
Sinabi ko sa kanilang dalawa ang problema ko at awang awa sila sa akin. Kahit ako naman sa sarili ko.
Ang sakit ng rejection.
"Baka hindi ka sineseryoso Shan. Ang bata pa kasi natin. He maybe think that you're just impulsive"
Bata? I'm 18 years old.
"I'm in my legal age Bianca" I pouted. "Hindi na ako bata"
"Pero ang edad niyo malayo. Ilang taon na ba 'yon?"
"I don't know but I think ka-edad siya ni Kuya"
"Ay kaya naman pala. Baka ayaw niya sa bata"
I rolled my eyes. Mas lalo akong nabugnot.
Natapos ang class na hindi ko nakikita si Faven.
Buti naman.
"I'll go girls. See you tommorow" paalam ko kina Jesica at Bianca bago kami nagkahiwalay.
I look at my watch.
Mas maagang nagpalabas ngayon. I wonder if Faven is already there?
Determinado akong iwasan siya. Gusto kong umuwi na hindi siya kasama.
I don't have the heart to be with him inside the car. Nakakahiya 'yon.
This is the first time I got rejected. Hindi ko pa rin matanggap.
Why life is so unfair? Kung kailan gusto ko, tsaka naman hindi ako gusto.
Habang nag-iisip ng paraan para makaiwas kay Faven ay bigla kong nakita siya nag naglalakad sa field ng school.
Anong ginagawa niya at naggagala pa ata siya?!
Nakita ko siyang may kausap na babae at nang mapagtanto kung sino, kaagad na tumaas ang kilay ko.
Why he's talking with Ruby?
What is the meaning of this?!
I immediately hid myself near the big tree.
Sinilip ko silang dalawa. Tamang tama ang pwesto ko dahil malapit at kita ko ang kanilang mga muoha. Tanging nakapokerface lang si Faven habang panay naman ang paglalaro sa daliri ang bruhilda.
Halata sa mukha niya na may gusto siya sa bodyguard ko.
"Thank you nga pala sa binigay mo sa aking tubig at snacks..." pabebe nitong sabi.
Naningkit ang aking mata sa narinig.
What the? He...literally give it?!
Mas sumama pa ang timpla ko sa sunod kong narinig.
"Bakit nga pala tatlong tubig at tatlong snack? What is the meaning of it? I love you ba?"
Ano daw? Ang assuming!
Hindi siya sinagot ni Faven.
Napapahiyang tumawa ang bruhilda. "Just kidding!" Hinampas niya sa dibdib si Faven.
Napataas ang isa kong kilay. Aba! Tsansing!
Hindi ko kinaya na mag-stay na lang ng ganito. Nanginginig ang kamay kong sabunutan siya kaya lumabas ako sa kinatataguan ko.
"Faven!" I shouted.
Kaagad na natuon ang atensyon nila sa akin pagkalabas ko.
Ruby immediately bid her goodbye. Nagmamadali siyang umalis nang lumabas ako.
What a coward!
Para akong model na naglakad. My hair is swaying left and right because of the intensity of my walk.
Masama ang tingin ko kay Faven. Pinagkrus ko ang mga braso pagkalapit ko sa kaniya.
"Why are you talking with her?" Sipat ko.
Biglang sumarado ang isip ko sa inis.
As always, Faven calmly and coldly answer me.
"She approached me first"
I scoffed. "Bakit mo sa kaniya ibinigay 'yong snacks and water?"
"Because you told me so"
Kinuyom ko ang kamao ko. "At talagang sinunod mo naman"
Kumunot ang noo niya. "Why are you mad Ms. Red? Bad mood?"
"Yes!" I shouted in frustration. "It's because of you! You rejected me yesterday and now you're flirting with another girl!"
Nanatili siyang walang ekspresyon kaya mas lalo akong nainis. Para siyang isang punong walang buhay. Parang patay na napasukan lang ng ligaw na kaluluwa.
"I hate you!"
Pumadyak ako sa inis bago ko siya nilampasan.
Alam kong I should just stop acting like an immature woman. Alam ko namang wala siyang feelings sa akin pero anong gagawin ko? Naiinis ako sa kaniya.
As much as I want to replace him as my bodyguard, ayaw kong hindi ko siya nakikita.
Siya lang ang gusto kong bodyguard!
Nanatili akong walang imik pag-uwi sa bahay. Dahil sa nangyari, laging may naghihintay sa akin sa pag-uwi. Wether it's kuya, mom or dad. They are making sure that I'm okay.
Paglabas ko ng kotse ay sumunod sa akin si Faven hanggang makapasok ako ng bahay.
"Good evening Faven. Stay for a little bit. Nagluto ang asawa ko" ani ni mom pagpasok ko sa bahay.
"Kumain na 'yan" inis kong sambit.
I'm still irritated because of what I saw earlier.
"Red! Manners! Ganiyan ka ba mag-thank you sa bodyguard mo? Siya ang dahilan kung bakit ka naligtas" Pinanlakihan ako ng mata ni mom.
I just rolled my eyes.
"It's okay Mrs. Santiag—"
"I won't take no for answer. Isa pa, hindi pa ako pormal na nakakapagpasalamat sa'yo sa pagligtas sa aming baby girl"
"It's really okay. I still have things to do—"
Wala siyang nagawa nang hinila na siya ni Mommy papasok. My mom is persistent. Walang makakapigil sa kaniya.
Hindi ko na siya binalingan ng tingin. Padabog akong umakyat patungong kwarto ko. After I locked the door, I started to panic.
Omg! Faven is joining the dinner! What should I wear?
Nagmamadali kong inilagay ang bag ko sa aking study table. I immediately went inside my closet. Naghanap kaagad ako ng masusuot.
I'm thinking of something simple lang but still look good in Faven's eyes.
Hindi porket ni-reject, panget na noh!
Nakailang minuto rin ako sa paghahanap. Marami na rin akong na-try suotin pero hindi ako nasasatisfy.
I think there's missing.
I need to look good!
Habang naghahanap ng isusuot ay biglang may kumatok.
"Wait lang! I'll just go downstair!" I shouted but the knock didn't stop there.
Naka-bra at panty lang ako kaya humugot na lang ako ng kung anong damit na nakakalat sa aking paligid.
Nakuha ko ay itim na lingerie kaya iyon ang sinuot ko. Dali-dali akong lumabas ng aking closet at nagpunta sa pinto.
"Wait! Stop knocking!" I shouted again.
Good thing the knocking stop. I sighed before opening the door.
"I said I will go downstair—Faven!" Gulat kong sambit nang sumalubong ang malamig pa sa yelo kong bodyguard na nakatayo sa aking harapan.
He didn't speak, instead he roamed his eyes down on my body.
Doon ko lang napagtanto ang suot ko.
I'm wearing my black lingerie. It's not really revealing but it exposing a lot of my skin.
Kahit tinitigan niya ako at humagod ang mata niya sa katawan ko, hindi ako nakaramdam ng ilang.
Naging masaya pa nga ako sa pagsulyap niya sa akin.
That only means one thing.
He's still a man after all.
Since he's staring, I can't help to asked.
"Enjoying the view? Do I look sexy huh?" Pang-aasar ko.
He immediately returned his eyes on my face. He didn't say anything.
Guilty!
I smirked. Nagkaroon ako ng lakas ng loob para mas lalong lumapit sa kaniya. Matangkad ako kaya naman hindi ko na kailangan pang tumingkayad para maglapit ang mukha namin.
"Why are you not answering? Do you find me attractive noh?" I joked.
Hindi nakatakas sa akin ang paggalaw ng adams apple niya. His face remains stoic though.
"Why don't you answer me Faven? Do I look sexy right?" I didn't mean it to look seductive but it normally escape in my voice.
I don't even know that I have this kind of side. He's the only guy I can show my naughty side.
"Don't temp me to answer your question" sambit niya habang tamad pa ring nakatingin sa akin.
"What if I tempt you? You know I like you Faven and I want you to be mine"
Humakbang pa ako ng isa pang beses. I could feel that our nose is brushing against each other because of our distance.
"I'm not the man you're talking about" mariin niyang sambit.
"I don't care. Wether you deny it, I know your face.." tiningnan ko 'yong tatoo niya. Inangat ko pa ang mga kamay para hawakan 'yon.
Parang may kuryenteng lumapat sa aking mga daliri nang magdikit ang balat namin.
"Hindi kita makakalimutan. Alam kong ikaw 'yon. Stop pretending you're not" giit ko.
Nahigit ko naman ang hininga ko nang marahas niyang hinawakan ang kamay ko "I thought we settled this?"
"No. I don't want to" pagmamatigas ko pa. "I'll pursue you"
Nakita ko ang pagtiim ng kaniyang mga tingin. Mas lalo iyong nandilim.
"Stop doing this Ms. Red. I only want to do my job"
"You can do your job while liking me Faven. What's so wrong about me?" i pouted.
"I hated that you reject me" Halos maduling ako nang titigan ko siya sa mata pero mas pinili kong lakasan ang loob ko. "I don't want to be rejected"
Ipinalibot ko ang braso sa kaniyang leeg. I could see how his jaw clenched because of what I did.
"Please like me Faven" I begged.
Hindi ako makapaniwala. Nagmamakaawa ako para magustuhan ako.
I angled my face. Sinulyapan ko ang labi niyang tanging lumapat sa labi ko.
I swallowed hard and was about to kiss him when he pulled away from our distance.
May kirot na nanalaytay sa dibdib ko sa ginawa niya.
"Pinapatawag ka ng mama mo. The dinner is ready" he cleared his throat before bowing respectfully and leaving me hanging and hurting.
Arrgh! That man! He's hard to deal with.
But I won't give up.
I'll tempt him until he falls in my trap! Period!