Liza POV
Gabi na kaya kanya-kanya na kami pumasok sa kwarto.
Dalawa kami ni Aira sa isang kwarto.
"Alam mo, ba? Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi mo, kanina," wika nito sa akin habang naghuhugas ito ng mukha.
"Ako rin naman, Aira?" sagot ko sa babae.
"Sana ako rin,no?" sabay pikit ng kanyang mata.
"Hoy? Hindi ko naman ginusto no," sabay irap ko dito.
"Nanay, anong gagawin ko. Paano kung totohanin nila na ipapakasal ako sa taong hindi ko mahal tama ba ito," bulong ko sa aking isipan.
Hay naloloka na ako, hindi ako makapag isip ng tama.
"Hoy? Liza, para kang tanga dyan, matulog ka na bukas, may gagawin pa tayo!" mahabang salaysay ni Aira sa akin.
"Eh paano ako matutulog, kung may bumabagabag sa isip ko," sagot ko sa babae.
"Sige ka,mas lalo ayaw sa' yo, ng magiging asawa mo kung mukha ka ng tinapay panis," sabi nito sabay tawa pa ang bruha.
"Grabe ka naman,kaibigan ba talaga kita kung maka pamintas ka, wagas," inis kong turan.
"Joke lang naman, yun at isa pa ikaw kaya ang pinakamaganda dito," sabay yakap nito sa aking braso.
" Kung hindi lang kita kaibigan,kanina pa kita sinabunutan," muli kong turan.
Tumawa lang ito sa akin saka umalis sa kama ko.
Matagal ako nakatulog dahil sa sinabi ng matanda sa akin.
Hanggang sa hindi ko naramdaman naka tulog na pala ako.
Nagising na lang ako sa boses ni Aira. Daig pa na may sunog kung yugyugin ang balikat ko.
"Liza! Gising na, anong oras na oh? Baka mamaya hinanap ka na ng alaga mo?" malakas na boses nito.
Kahit antok pa ako pinilit kong bumangon.
"Anong! Oras na," tanong ko kay Aira.
"6: 00am na kaya maligo kana dyan," wika nito.
"OMG? Hindi ko,man lang namalayan," mahina kong turan.
"Yan, kasi kakaisip mo? Kay sir, yan ang napala mo?" bulyaw ni Aira.
"Hoy? hindi ah?" tanggi ko sa babae.
"Naku! Naku!" Liza, kilala na kita, kahit hindi mo,pa sabihin sa akin," sabay turo nito sa akin.
"Hay, bahala ka dyan,basta ako, maliligo pa?!" Iniwan ko ito sa labas. Kailangan ko matapos dahil may alaga pa ako. Naku naman Liza bakit ngayon, ka pa na late," saad ko sa aking sarili.
20 minutes tapos na rin ako. Wala si Aira sa labas kaya naman nagmadali ako nagtungo sa cabinet. Hindi naman nagtagal agad rin ako natapos.
Dahan-dahan ko binuksan ang pinto ng matanda.
"Good morning," Lola?" masayang bati ko dito.
Ngumiti ito sa akin bago ako binati.
"Good morning," Liza!" nakangiting bati niti sa akin..
"Lola, tara po,sa labas para makapag almusal ka," aya ko sa matandang alaga ko.
Dahan-dahan ito tumayo.
"Lola, ano pong gusto nyo, almusal," tanong ko sa amo ko.
"Naku, ang swerte talaga ng apo ko kung ikaw ang magiging asawa, nya' dahil napaka alaga mo?" untag nito sa akin. Nailang tuloy ako sa sinabi nito.
"Hindi naman po,Lola!" mahihiya kong sagot.
Pagdating sa kusina agad ko inihanda ang almusal nito wala ngayon si ma'am Helga dahil nasa work daw ito.
"Liza! Apo, bakit hindi ka mag-aral sayang naman kung hindi mo ipagpatuloy ang sinimulan mo? Malay mo, balang araw isa kang teacher," mahabang salaysay nito sa akin.Matagal na ako gusto paaralin ng matanda pero hindi ako pumayag. Ano na lang sasabihin ng mga kasama ko.
Akala nila sipsip ako sa matanda para lang makuha ang gusto ko.
"Lola, wag na po,at isa pa 25 na po, ako nakakahiya naman kung high school pa ako," sagot ko dito.
"Apo, may kilala ako na tutulong sa' yo? Alam ko matalino ka, malay mo," makapasa ka dito?" muli nitong untag sa akin.
"Lola, salamat na lang po," kontento na ako kung ano ang meron ako," wag po kayo mag-alala kaya ko po ang sarili ko!" ngiting sagot ko dito.
"Sige kung may kailangan ka,sabihin mo lang sa akin?" sabay hawak nito sa kamay ko.
Natuwa naman ako dahil sa kabaitan pinakita sa akin ng matanda.
Sa panahon ngayon bihira lang may taong busilak ang puso.
"Good morning," boses ng lalaki. Agad ako lumingon walang iba kundi' apo ni lola.
"How are you feeling today, grandma," wika nito.
"I'm okay," where is your mom," tanong nito sa apo.
Na mangha ako dahil marunong ito mag english.
"Sabagay sanay naman sila dahil english speaking sila," mahina kong bulong.
Pero nagulat ako narinig pala ng lalaking ito.
"Liza, may sinabi ka ba?" tanong nito sa akin.
"Wa-Wala po," pautal kong sagot.
"Are you sure," sabay kunot ng kanyang kilay.
Aba nagsasabi na nga ako ng totoo.
Kung wala lang dito ang lola nito kanina ko pa ito sinabihan. Nagpaalam narin ang lalaki sa lola nito. Doon lang ako nakahinga ng maluwag.
Ano kaya nakain ng lalaking yun palagi pumunta dito.
"Lola, sa sala muna po kayo," sabi ko dito.
Tumango lang ito sa akin.Ngunit ng pabalik na ako sa kusina may narinig ako boses ng isang babae.
Hinanap ko kung saan galing. Hanggang sa dinala ako ng aking paa sa labas. Napatigil ako sa paghakbang ng makita ko ang anak ni Lola may kausap ito sa cellphone.
"Ang tanga nyo?" wag nyo,hayaan maka uwi si Nate dito," galit na boses nito mula sa kabilang linya.
"Hindi pwede mapunta sa batang yun, ang lahat ng pinaghirapan ko," bulyaw nito.
Napa iling na lang ako pagdating sa kayaman naging gamahan sila kahit kamag-anak mo pa yan.
Naisipan ko bumalik sa loob wala naman ako pakialam sa kanila.
"Best! Alam mo ba, nakita ko si madam na parang may kaaway sa likod ng kusina?" saad ni Aira sa akin.
"Tumahimik ka,nga baka marinig ka ni madam palayasin pa tayo," saway ko sa babae.
Tumahimik naman ito at pinagpatuloy ang trabaho. Wala kaming karapan na makisawsaw sa problema nila at isa pa katulong lang kami dito.
Baka sabihin nila nakialam pa kami.
Nang matapos kami sa kusina muli kong binalikan ang alaga ko. Pero napahinto ako dahil sa lakas ng boses nito mula sa sala.
"Wala ka ng respeto sa akin. Buhay pa ako pero gusto mo na makuha ang parte mo," ganyan ka ba talaga, Betina!" seryosong saad nito sa anak.
"Mama, matagal na ako nagtatrabaho sa kumpanya panahon na para bigyan mo ako kahit isa man lang" anak nyo,rin ako," bulyaw nito sa akin.
Ito na nga ang sinabi ko mabuti na lang mahirap lang ako at walang kaagaw sa kayamanan.