Agad lumayo si Elena mula kay Raphael nang makalabas sila ng venue. Nasa likod sila kung saan may isang hardin at swimming pool sa lugar. Hindi niya inalintana ang lamig dahil tila ba namumuyos sa apoy ang kanyang nararamdaman ngayon. “Hindi ka talaga nakikinig, Raphael,” disappointed na saad ni Elena. Tinutukoy niya ay ang pag-uusap nila na ‘wag na siya nitong guluhin. Pero ito ngayon, nagpapakita kung nasaan man siya. “You know I’m stubborn, Elena. I just don’t listen to anyone unless I like it. And I don't like what you said,” malamig na sagot ni Raphael. Sinlamig ng hangin na nararamdaman ni Elena ngayong gabi. “Mahirap bang layuan ako? Akala ko ba si Chantal ang nagbibigay sa’yo ng saya, ano’ng nangyayari ngayon? Why do you keep on bothering me? I’m just your ex-wife, Raphael. Hi