“Saan kayo nagpunta, Elena? Nasaan na si Mr. Navarro?” nagtatakang tanong ni Tia nang makabalik sa upuan ang dalaga. Kalmado naman ang mukha nito at mukhang magkaibigan ang dalawa. Bago pa pumasom ulit si Elena sa venue ay huminga siya ng malalim at pinakalma ang pusong naghuhurumintado sa galit at inis. “May kailangan daw s’yang sagutin na tawag kaya nauna na ako,” pagdadahilan ni Elena. Nagyon niya lang napansin na wala si Prim sa tabi niya. Tumingin siya kay Gray at tatanungin na sana ito nang biglang may umupo sa tabi niya. “Prim? Saan ka galing?” Hindi tumingin si Prim sa kanya at kinuha ang glass na mayroong alak. “Nagpahinga lang sa isang room. Medyo sumama kasi ang pakiramdam ko,” casual na sagot nito. Gray looked at him intensely. “Ayos ka na ba? Gusto mo na bang umuwi?” na